Emily’s POV
Alas-singko na ng hapon kaya uwian na sa eskwelahan namin. Iyon din naman ang paborito kong oras sa araw na iyon, ang uwian. Wala nang mananakit sa’kin at hindi na rin ako mapapansin ng mga hayup kong kaklase. Mga wala silang kwenta, ugaling halimaw.
Minsan, sa sobrang sama ng loob ko ay iniiyak ko na lang ang lahat sa kahit saang punyetang lugar sa eskwelahan na ito na walang katao-tao.
Pero, sa malas hindi ako makatiyempo. Kaya’t sa bahay na lang ako nag-iiyak… kasama ng kapatid ko na lagi kong karamay sa lahat ng bagay, sa tuwa, sa pag-ibig at lalung-lalo na sa araw ng pag-iyak ko.
Naulan nang araw na iyon, kaya’t lalo lamang nakadagdag ito sa sama ng loob ko sa mga kaklase ko. Pinag-agawan nila ang payong ko. Ang sakit, sobrang sakit! Ako ang nagpakahirap na dalhin ang payong na iyon, pero iba ang nakinabang.
Mabagal ang naging paglakad ko papunta sa bahay ko na walking-distance lang ang layo. Ano pa ang silbi ng pag-iwas ko sa ulan kung wala ka namang masisilungan? Ayoko namang magtagal pa sa eskwelahan na iyon. Naandoon pa sila, nagkukwentuhan, nagawa ng hindi kaaya-ayang trip, naghahalikan... basta kadiri sila.
Naiiyak ako sa lahat ng nangyari sa’kin sa buong araw. Pinagkaisahan nila ako. Inalis nila ang lahat sa akin. Tandaan nila na magbabalik ako sa araw ng paniningil ko, tandaan nila iyon. Hindi ko sila mapapatawad sa lahat ng mga kahayupang dinulot nila sa’kin.
Naikuyom ko na lang ang aking maliit at makinis kong kamao. Pero napaiisip ako... “Ano’ng magagawa ko?” kinakaya-kaya nila ako. Sa malalim kong pag-iisip, kapag ba namatay ako at nalaman nilang lahat na galit ako sa kanila... siguro ay makokonsensiya na sila.
Ano pa ba kasi ang silbi ng buhay ko. Nang dahil sa kanila, bumaba ang tingin ko sa sarili ko, inagaw nila ang lahat ng mayroon ako. Pati ang... mariin akong napapikit, naiiyak akong muli, ang sama nila.
Nanlambot ang tuhod ko dahil sa isiping iyon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaluhod sa kalsada. Walang katau-tao, kaya ramdam ko ang pag-iisa ngayon. Bakit ba hindi patas ang mundo, may panget, may maganda, may masama at may mabuti. May Queen Bee at may Loser.
“Sana, tinuluyan niyo na ako!!!” sigaw ko sa kawalan
Hikbi at panaghoy ko ang naririnig ko. Masarap sa pandinig pero masakit damhin. Nang kalauna’y tumawa naman ako. “Alam kong hindi niyo kukunin ang buhay ko. Dahil wala na kayong pagti-tripan sa klase, 'di ba?”
Hindi!!! Hindi nila maaring paglaruan ang buhay ko, dahil akin ito, inuulit ko akin ito. Kukunin ko ang pinakahuling bagay na mayroon ako: ang buhay ko. At isasama ko na rin sila.
Pinunas ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at tumayo ng tuwid. Simula sa bukas, maghanda na sila sa’kin dahil magdudusa sila!!!
Humayo ako at gumihit ang napakalaking ngiti sa mukha ko. Tatandaan nila na ang mga taong tinapak-tapakan ako noon, ang mga taong handang halikan ang paa ko para magmakaawa na 'wag ko silang kukunin... sa impyerno.
BINABASA MO ANG
'Death Note'
Random"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...