Almira’s POV
Ikalimang araw matapos ang malagim na pagkamatay ni Emily, kinabukasan matapos ang pagpatay diumano kay Darrell sa kamay niya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang maraming nangyari kahapon, ang ikaapat na araw ni Emily. Nakita kong binubugbog ng isang hindi mawaring estranghero si Agatha. Masyadong madilim kaya hindi ko rin masino ang kumanti sa kanya. at ang sigalot sa pagitan naming ni Wilma ay nagsisismula nang lumamig.
Naiinip ako sa kahihintay ng meeting na iyon sa library na wala namang dumarating–ang sabi ni Ronan sa text ay may mahalagang gagawin sa library. Kaya napagdesisyunan ko na sa classroom maghintay.
Kapapasok ko pa lang sa loob ng classroom, ang tropa ng mga lalaki ang nakita ko at si Dino. Nakita kong pinagti-trip-an nila ang pobreng si Dino.
Napatigil ako sa ginagawa ko. Grabe ang pagpapahirap ang ginagawa nina Travis at Allen sa pangunguna siyempre ni Ronan. Kung sikmurahan nila ang huli parang ang laki ng kasalanan niya sa mga ito.
“Totoo kaya ang sinabi ng baklang si Lawrence? Na siya ang salarin sa pagpatay kay Darrell?” tanong ni Travis kay Ronan.
Nagkibit-balikat lang ang ang pinagtanungan.“Siguro, alam mo naman ang bunganga niyon. Makakita lang ng pangyayaring pwede niyang ipagkalat, ipagsasabi niya talaga kahit kanino.”
Sumang-ayon si Allen. “Tama si Ronan, Travis. Ang hitsura nitong hayup na ito ay hindi mapagkakatiwalaan. Nakita ninyo naman kung paano niya tratuhin si Emily noon. Puñeta, parang kulang na lang eh, mahalin na niya si Emily.”
“Ikaw, Dino!”
Tumingin lang sa kanya si Dino.
Ronan cupped Dino’s chin. “Tandaan mo itong sasabihin ko sa'yo, 'yung forty days na palugid mo ay masyadong mahaba na para sa’min. Kung hindi mo titigilan ang buong klase, ako ang makakalaban mo.”
Napangisi lang siya sa sinabi ni Ronan sa kanya, ngising tila nakakademonyo. “Kung anuman ang nangyari kay Darrell, mabuti lang sa kanya iyon. At kung makaparatang kayo sa’kin parang wala kayong ginagawang kasalanan. Bakit nga ba nagbalik si Emily sa ating klase?” nag-isip ito kunwari. “Ah... siguro para balikan ang mga taong nagkasala sa kanya. Alam ninyo kung sinu-sino kayo!”
“Aba’t” sabi nito. “Putangina mo, at sumasagot-sagot ka na ngayon?” sinuntok nito ang mukha niya.
At ako naman ay napaawang na lang ang bibig ko sa pagkagulat. Hindi ko akalain na ganito kabasag-ulero si Ronan. He’s like a tyrant, who punished his slave. Ang maputing polo-shirt niya ay napalitan ng kabang-kabang na pula.
“Umamin ka na, na ikaw ang naglagay ng lason sa kamay ni Darrell. Ikaw 'di ba ang salarin sa pagkamatay niya?” pagpipilit ni Ronan naumamin siya.
“Wala akong aaminin sa inyo. Ang nangyari kay Darrell, iyon ang nararapat sa kanya. Hayup ang pag-uugali niya kaya sinundo na siya ni Satanas!” sigaw niya kina Ronan.
“Kung sa palagay mo na may tatakasan ka pa. Nagkakamali ka, Dino dahil uunahan na kita bago ka pa may mapatay muli!” nakita ko ang balisong nito na handa nang itarak sa dibdib ni Dino.
Napailing ako, ayoko nang mabahiran pa ng dugo ang classroom na ito sa ikatlong pagkakataon. Isang pagkakamali ang ginagawa nila Ronan at ayoko nang maulit pa ang pagkakamaling nagawa ko na kay Emily.
“Huwag!” sigaw ko nang malakas.
Napalingon sa’kin si Ronan at ang mga kasama niya. Natigil ang tangkang pagpaslang kay Dino. Nagkatinginan sila bago sila tumingin sa’kin. Hingal na hingal ako sa ginawa kong paghiyaw.

BINABASA MO ANG
'Death Note'
Rastgele"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...