Y A N's
I prepared a simple breakfast for my Jade napuyat sya since sinumpong na naman ang anak namin at sya ang gusto ni baby J.
Namimiss siguro ng anak namin ang Dada nya, well ako rin naman.
Hindi parin nalalaman ni Jade na pumupunta ako sa hospital for my condition but I'm so happy that okay naman ang result nya.
Sabi ng doctor ko nasa isip ko lang yung phobia, kailangan ko lang itong labanan at i-divert sa iba ang atensyon ko.
I'm blessed to have baby J.
Of course mommy Jema being the doctor made sure na magiging okay ako. Nandyan sya lagi sa lahat ng test ko and I'm so thankful for her.
Nextweek na ang last session ko sa doctor ko, all is well. We can focus to our child's christening.
We already talk about it naman, Jade want it to be simple. Since ayaw nyang maoverwhelm ang anak namin.
Kung ako rin naman ay ganun ang gusto kaso yung mga lolo at lola mukhang ayaw pumayag sa simple.
The reason behind minsan lang daw magbibinyag ang unang apo nila sa both side.
Kaya pag-uusapan pa ulit hehe knowing my Jade ayaw na ayaw nya na pinangungunahan sya or yung hindi masusunod ang desisyon nya pagdating sa family namin.
I understand her point since sya ang head of our family, as her wife susuportahan ko lang sya.
" hey love goodmorning " bati nya at karga-karga si baby J
" hello you two, goodmorning Dada and baby. Pogi-pogi naman ng dalawang baby ko " masayang bati ko at hinalikan ang pisngi nila
" uhm anong breakfast natin? ang bango naman mommy " tanong ng asawa ko masaya akong nasa mood sya ngayon
" Egg at bacon dada saka garlic rice, wait magtimpla lang ako ng coffee mo " sagot ko tumango-tango lang sya at kinulit-kulit si baby J
" bakit naman po hindi umiimik ang baby pogi ko? " tanong ko sa anak namin paano ba naman kunot ang noo
Mana ka talaga kay Dada anak
" Baka nabitin yung tulog nya love " sagot ng asawa ko
" akin na muna sya love baka gutom lang " sagot ko at maingat na kinarga si baby tama ang hinala ko na gutom sya
Sinasabi ng asawa ko na baka pwede na alternate na si baby J sa breastfeed at bottled milk kaso ayaw ko paring pumayag.
Saka na kapag ayaw na talaga nyang dumede sa akin saka sabi ni mommy mas malakas ang baby kapag breastfeed.
Nilagyan naman ni Jade ng food ang plate ko, saka humigop ng kape.
" Gutom lang pala ang baby natin kaya beastmode love " sagot ng asawa ko
" yeah love bihira naman sumpungin si baby " sagot ko naman
" malelate kana namang umuwi? Weekends naman bukas baka pwede naman tayong mamasyal sa parents mo o sa amin " tanong ko nagsisi ako sa sinabi ko dahil nagbago agad ang mood nya nagulat naman sya sa tanong ko lately kasi lagi na syang late na umuuwi
Pagdating nya ng bahay tulog na kami ni baby J. Sa umaga nalang halos kami nagkikita. Bihira narin kaming magsabay ng breakfast.
" a..ah h..hindi ko sure love " alanganing sagot nya napataas ang kilay ko
BINABASA MO ANG
You're My Home (Book II)
FanfictionI saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove you And how can I unlove you? You're My Home My Only Home
