Y A N's
" anak tahan na please? hindi ka makahinga nyan baby ko sa kakaiyak mo baby please naman oh " pakiusap ko kay baby J
" oh anong nangyari sa apo ko? " tanong ni mommy at naupo sa tabi ko
" ewan ko mommy kanina pa sinusumpong si baby hindi naman sya gutom, kakapalit lang din ng nappy nya chineck ko temperature na okay naman " sagot ko tumango lang si mom
" Bakit sinusumpong ang baby pogi na yan? miss mo na ba si dada apo? " tanong ni mom napabuntong hininga nalang ako
" hindi mo parin ba napag-isipan kung dadalawin mo ang asawa mo? " tanong nya napahilot naman ako ng sentido
" mom to be honest hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, hindi ko alam pero may pumipigil na dalawin ko sya o nasasaktan parin ako kaya hindi parin ako handang makita ang asawa ko " malungkot na sagot ko pinisil ni mommy ang kamay ko
" wala namang nagpupumilit sayo na puntahan sya anak, dahil kung ano man ang reaction mo nauunawaan ko kung saan ka nanggagaling ang akin lang sana alamin mo parin ang lagay ng asawa mo kahit para man lang sa anak nyo " sagot ni mommy napatingin naman ako sa anak ko na ngayon ay kalmado na
" natatakot ako sa kanya mom, na tuwing nakikita o nakakasama ko sya parang lagi nalang nya akong sasaktan. " sagot ko hinaplos-haplos ni mommy ang buhok ko
" sa tingin ko naman anak pagkatapos ng mga nangyari hindi na nya ulit gagawin yun, mahal kayo ni Jade nagkamali lang sya anak at alam kong hindi nya hahayaan na masira ang pamilya nya " sagot ni mom tumango lang ako
" Sana nga mom sana, dahil mahal ko sya paulit-ulit ko parin syang tatanggapin at papatawarin " sagot ko ngumiti naman sya
" walang duda anak inlove na inlove ka talaga sa asawa mo hehe " pagbibiro ni mommy natawa naman ako
" oo nalang mom parang dika ganun kay dada haha " kantyaw ko napangiti naman si mommy
" alam mo anak tuwing nakikita kita mas lalo kong minamahal ang dada mo, she gave me the most precious gift and thats you. I prayed for you anak, mahal na mahal ka namin " malambing na sagot ni mom napayakap naman ako
" thank you mom, thank you. No doubts kaya pala ganun din ako kay baby J na kahit nasasaktan at nahihirapan na ako mahal na mahal ko parin ang dada nya, ganito pala kapag may pamilya na " sagot ko tumango-tango si mom
" that's true anak, alam mo hindi din naman kami perpekto ng dada mo bilang mag-asawa dumadating din ako sa punto noon na umuuwi sa lolo at lola mo para makapag-isip, para palamigin ang sitwasyon namin pero at the end uuwi parin ako sa kanya dahil ikaw ang iniisip ko. You need your dada, and I can't be selfish para itago ka sa kanya. Kung may away kami wala kang kasalanan at may karapatan ang dada mo sayo " sagot ni mommy
" mom what if ulitin ni Jade yung ginawa nya sa akin? paano kung saktan nya ulit ako? " nag-aalalang tanong ko
" well hindi natin maiiwasan na isipin na may possibility na baka gawin nya ulit anak pero hindi pa naman nangyayari diba? kaya huwag ka munang mag-overthink anak sa tingin ko naman hindi na nya gagawin yun ulit. Alam nya ang pwedeng mangyari kapag inulit pa nya maaring iwan nyo sya ng anak nyo " sagot ni mom napabuntong hininga lang ako
BINABASA MO ANG
You're My Home (Book II)
FanfictionI saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove you And how can I unlove you? You're My Home My Only Home
