J A D E's
" Jade okay na lahat ng gamit nyo ni baby? " tanong ko sa asawa ko tumango lang ito
" oo love ready na lahat, tara na at baka maabutan tayo ng rush hour " sagot ko at kinarga si baby J
" Ayan na pala ang mga bata " sagot ni lola ng makita nya kaming pababa sa hagdan
" namiss ko tong poging baby J, dalawin nyo ulit kami ha " sagot ni tita Mafe at pinanggigilan ang anak namin
" Mafe ano ba iyan, namumula na yang pisngi ng apo ko " suway ni lolo napanguso nalang si tita Mafe
" Tay naman last na to pagbigyan ko na ako, namimiss ko talaga itong si baby J " nakangusong sagot ni tita nailing nalang si lolo at kinarga si baby
" Apo isumbong mo kay lolo kapag magloko yang dada mo ha at dalawa tayong bubugbog sa kanya " bilin ni lolo kay baby J akala mo talaga nakakaintindi na ang anak namin at tumango napatawa tuloy kami
" Magpapakabait na to lolo, ayaw ko ng mawalay sa mag-ina ko " sagot ko at sumulyap kay Yan inirapan nya lang ako kaya tawang-tawa si tita Mafe
" Gusto ko yung pairap mo Yan hehe " kantyaw ni tita at kinurot pa ang tagiliran ko
" Tama na yan Mafe mamaya mag-away pa tong dalawa " suwag ni lola natawa naman kaming lahat
Hinatid na nila kami sa sasakyan at isa-isa naman namin silang hinalikan at niyakap.
" Jade apo yang pagdrive mo ha mag-iingat ka, yang mag-ina mo sakay mo " bilin ni lolo tumango lang ako
" Opo lolo, sige po. See you soon po " paalam ko bago binuhay ang makina, bumusina muna ako bago kami tuluyang umalis
" l..love? " pag-agaw ko ng atensyon nya karga-karga nya si baby J
" mhmh? "
" S..Saan ko kayo ihahatid? " nahihiyang tanong ko sumulyap naman sya sa akin
" Bakit ayaw mo ba kami ng anak mo sa bahay natin? at ganyan ang tanong mo? " seryosong sagot nya umiling ako at napabuntong hininga
" u..uhm hindi sa ganun love baka kasi hindi ka komportable saka baka gusto mo paring umuwi kina mommy at dada " paliwanag ko sa kanya
" Akala ko ba gusto mong bumawi sa amin ng anak mo? Paano mo magagawa yun kung hindi mo kami iuuwi sa bahay natin? " tanong nya napakamot nalang ako ng ulo
" sorry love baka kasi magalit si dada Ara " sagot ko napabuntong hininga lang sya
" Mag-asawa naman tayo, may mga bagay na dapat inaayos nating dalawa. Mahal ko ang anak ko ayaw kong lumaki syang hindi kompleto ang pamilya nya, at ayaw kong dumating ang araw na sumbatan nya ako na pinagkait ko sa kanya na makasama ka. Kaya kahit gaano kasakit, kahit hindi ko naiintindihan pilit ko parin uunawain. " sagot nya sumulyap ako sa kanya at pinapatulog nya ang anak namin
BINABASA MO ANG
You're My Home (Book II)
FanfictionI saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove you And how can I unlove you? You're My Home My Only Home