J E M A's
Inaayos na namin ni Fam ang mga gamit ni Jade dahil anytime pwede na syang lumabas masaya naman ako at mabilis ang recovery nya.
" Jade anak magpahinga ka muna ha kahit pwede ka ng makauwi. " bilin ng Jho saka chineck ang vital signs nya
" saka huwag kana munang pumasok sa work magrelax ka muna at kumain ng masustansyang pagkain " singit naman ni Ced
Thankful ako sa dalawang bestfriend ko lagi silang nandyan sa lahat ng pinagdadaanan namin sa pamilya ko
" mga tita huwag na po kayong mag-alala okay na po ako saka hindi ako pababayaan ni nanay Maria " sagot ni Jade
" kung bakit hindi kapa kasi umuwi muna sa bahay anak " singit ko napabuntong hininga naman sya
" mom pwede naman na kayo ang dumalaw sa akin doon you can stay there if you want " sagot naman nya
" hay kahit kelan talaga hindi ka mapigilan sa gusto mo anak " pagsuko ko ngumiti lang sya
" mom pagbigyan mo na ako, gusto ko habang wala sa bahay ang mag-ina ko nandoon ako " sagot nya tumango nalang ako
" naku mare pagbigyan mo na tong inaanak namin malaki na to may anak na nga hehe " pagkampi ni Jho sa kanya
" oo nga naman mare sige na mauna na kami at magra-rounds pa kami ni Jho " sagot ni Ced at humalik sa pisngi ni Jade ganun din si Jho
Pinanood ko lang silang umalis saka tinulungan si bunso
" baby bunso ano kaya kung kay ate Jade kana muna magstay? " biglang sabi ko napatingin naman sya
" mom ayaw mo na ba sa akin kaya pinapaalis mo na ako sa bahay? " nakangusong tanong nya natawa naman ako at pinisil ang pisngi nya
" hay naku kung anong pinagsasabi mong bata ka " sagot ko
" mag-aasawa na ata ako tapos magkakaanak agad mom pinagtatabuyan mo na ako " pagdadrama nya natawa ako lalo
" sus ang anak ko nagpapalambing kay mommy, saka mag-asawa? wala ka namang jowa anak hehe " pagbibiro ko lalong humaba ang nguso nya
" hahanap ako tapos asawa agad hahaha " hindi na nya napigilan ang sarili nyang tumawa
" mas panatag kasi ako anak kapag nandoon ka sa bahay nila kahit ilang araw lang " sagot ko
" pero mom baka hindi ako payagan ni dada, basta ikaw ang bahala sa kanya? " tanong nya tumango naman ako
" oo akong bahala sa dada mo papayag yun, i'm sure kasi gusto nyang makabawi sa ate mo " sagot ko tumango-tango lang ito
Bigla namang pumasok si JB kaya napatingin kami sa kanya
" oh akala ko pagpapahinga ka anak? " tanong ko umiling lang sya
" Ihahatid ko po muna kayo sa bahay ni ate Jade saka nakatulog na po ako sa office ni momsy " sagot nya at humalik sa pisngi ni Fam nagulat naman si Fam sa ginagawa ni JB

BINABASA MO ANG
You're My Home (Book II)
Fiksi PenggemarI saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove you And how can I unlove you? You're My Home My Only Home