104

3K 131 27
                                    

J A D E's

" Aba at napakamagandang-gwapo naman talaga ng apo kong ito " bungad ni lolo Jes ng makababa ako ng sasakyan



Agad naman nila akong niyakap at hinalikan sa noo.



" Goodevening po lolo at lola, hi po tita Mafe " bati ko at nagmano sa kanila agad namang pinisil ni tita ang pisngi ko




" Namiss kitang bata ka alam mo ba yun, lalo sana kung dinala mo dito si baby Jez Alexander " sagot ni tita napangiti lang ako ng tipid





" Mafe yang bunganga mo talaga kahit kelan " suway ni lola napatakip nalang si tita ng bunganga at nagpeace sign ngumiti nalang ako




" halika na apo at makakain kana huwag mong pansinin yang tita mo " sagot ni lola at hinawakan ang kamay ko





" wow ang dami naman po ng niluto nyo " komento ko ng makita ang hinanda nila




" Bilin ng mommy na pakainin ka ng marami at iiwas ka sa alak " sagot ni tita Mafe natawa naman ako




" Kahit kelan talaga si mommy " sagot ko natawa nalang sila




" Maupo kana dyan apo at kumain kana lahat yan ay paborito mo " sagot ni lolo tumango lang ako at nagpasalamat




" Mhmh ang sarap lola the best ka talaga magluto " sagot masaya namang tumango si lola





" ako pamangkin hindi mo sasabihan na masarap magluto? aba tumulong kaya ako dyan " reklamo ni tita napatawa naman ako





" the best kang tita, at lalove kita " paglalambing ko ngumiti naman sya




" syempre ako lang tita nyo, kaya paborito ka noh kasi magaling kang mambola " sagot ni tita at inikot pa ang mata nya







" halla si tita hindi ako nambobola the best ka naman talaga saka lalove mo naman kaming tatlo diba? sana nga may pinsan na kami sayo, mag-asawa kana kaya? " pang-aasar ko natawa lang si lolo at lola




" Ay huwag mo akong ginaganyan Jade naku wala sa isip ko yan, saka pwede ba jowa muna bago asawa ireto mo ko sa mga staff mo gusto ko ng bata hahaha char " sagot nya natawa naman ako





" Dipa kasi yung co-teacher mo jowain mo tita, pagtuturo nalang inaatupag mo nakakalimutan mo ng wala kang lovelife " sagot ko sinamaan nya ako ng tingin





" Tigilan mo ko Jade kokonyatan kita " banta nya natawa nalang ako at nailing





" sorry na po tita, love you " sagot ko at hinalikan ang pisngi nya napairap nalang sya at pinitik ang noo ko




" kahit kelan talaga mana ka sa dada mo mapang-asar at bolera" sagot nya natawa nalang ako






" Mabuti naman at nakakatawa kana apo " komento ni lolo kaya napatigil ako at tumingin sa kanya





You're My Home (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon