J A D E's
Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing tititigan ko ang anak namin, lahat ng pagsusungit ng Mom nya sa akin noong naglilihi ay worth it hehe
Maalala ko lang noong mga araw na ayaw nya akong katabi, ayaw nya ang amoy ko kahit miss na miss ko sya kailangan ko pagbigyan ang lahat ng gusto nya
Noong mga araw na kailangan nya akong gisingin ng madaling araw dahil nagugutom sya at may gusto syang kainin
Mga araw na pa-palit-palit ako ng pabango dahil ayaw nya ang amoy ko
Mga araw na napaparanoid sya sa katawan nya at baka daw ipagpalit ko sya dahil mataba na sya
Natigil ang pag-iisip ko ng may kamay na humawak sa akin, napaluha ako sa tuwa.
" l...love m...may kailangan ka ba? o...okay kana ba? " nag-aalalang tanong ko sinuklian nya lang ako ng ngiti
" JB tumawag ka kay tita Celine at ipaalam na gising na ang ate Yan mo " sabi ko agad namang tumakbo pabalas si JB
" t...tubig l..love " nahihirapan sabi ng mahal ko
" wait lang love, tanungin muna natin kung okay ba na uminom kana " sagot ko tumango naman sya
" sige na ate painumin mo na ng konti " sabi naman ni Fam kaya inalalayan ko syang umupo at pinainom bigla naman syang lumuha kaya nag-alala ako lalo
" love tell me may kasakit ba? W..What's wrong? " tanong ko umiling lang sya
" s....si b..baby p..pwede ko ba syang hawakan? " tanong nya kaya pala sya napaluha agad akong lumapit at kinarga ang anak naming natutulog at inilapit sa kanya. Agad naman nyang hinalikan ang kamay at noo ng anak namin
" hello baby J, ang unfair naman bakit parang si Dada ang kamukha mo hehe " masayang sabi nya at pinisil pa ang ilong ko
" sus hindi kaya love, kita mo oh nakuha nya sayo ang pagka-antukin hehe " pagbibiro ko hinampas naman nya ako ng mahina
" naku singkit na naman tong baby natin, walang duda " WONG " nga talaga sya " puna nya natawa naman ako
" pati ba naman pagkunot ng noo at kapal ng kilay ay nakuha parin sayo " dagdag pa nya
" pero anak kay Mom ka magmana ng ugali ha, para behave ka yang Dada mo babaero yan " sabi nya ngumuso lang ako
" love kung anu-ano sinasabi mo sa anak natin, mamaya maniwala yan saka kayo lang ni baby J ang mahal ko " sagot ko inikutan nya lang ako ng mata
" Yan? " tawag ni tita Celine
" tita " sagot ng mahal ko
" kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ka bang nararamdaman? " tanong nya tumango naman ang fiance ko
" opo tita mahapdi parin po sa lower part ko " sagot nya tumango naman si tita
" its okay hija nothing to worry, normal lang na may mahapdi ka paring nararamdaman. Soon magiging okay narin. You guys need to stay here muna kahit mga 3 days pa bago kayo madischarge knowing your Mommy Jema gusto nya makasigurado na okay ang lahat bago kayo umuwi " paliwanag ni tita tumango lang kami
" thank you so much po tita " sabi ko ngumiti lang si tita Ced at nagpaalam dahil magra-rounds pa daw sya
" JB hindi ka pa umuwi " sagot ko ng inalalayan kong mahiga ang mahal ko at katabi nya ang anak namin
BINABASA MO ANG
You're My Home (Book II)
Fiksi PenggemarI saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove you And how can I unlove you? You're My Home My Only Home