58

3.7K 145 39
                                    

J A D E's

Wala akong maalala na ginawa ko kung bakit nagsusungit na naman ang mapapangasawa ko, weekends pa naman ngayon na nga lang wala akong work tapos ganyan pa sya.

Patience Jade Wong buntis ang fiance mo napahilamos nalang ako ng mukha

Hayyyyyyyy!

" love kausapin mo naman ako, may gusto ka ba? magsabi ka naman sa akin " pakiusap ko inirapan nya lang ako

" dun ka sa babae mo! " galit na sabi nya huh? ano daw babae? damn it! saan nya nakuha yun

" love wala akong babae, bakit ba ganyan ang iniisip mo? " tanong ko tinignan nya lang ako ng masama

" bastaaaaa! alam ko babae mo yung Gab Dimaunahan! " bulyaw nya halla naloko na

" love hindi totoo yan, wala akong babae love naman eh " sabay yakap ko sa kanya nagpupumiglas sya pero wala ring magawa ayaw ko syang bitiwan

" isa! " inis na sagot nya hindi ako nakinig

" baby help mo naman si Dada oh nababaliw na naman ang Mommy mo " saka ko nilapit ang mukha ko sa tyan nya napabuntong hininga naman ang fiance ko lihim akong napangiti

" huwag kang nagpapaniwala sa babaero mong Dada anak " pagsusungit nya hinigpitan ko nalang ang yakap ko sa kanya

" love kung anu-anong sinasabi mo sa anak natin grabe ka dipa lumalabas to ang sama na ng sinasabi mo " nakangusong sagot ko inikutan nya lang ako ng mata

" totoo kaya ma-fall ka " sagot nya ngumuso lang ako at umiling-iling

" love naman, awayin mo man ako, ano man ang sabihin mo hindi kita papatulan kasi love na love kita " malambing na sagot ko tinaasan nya lang ako ng kilay

" tsk! daming sinasabi maghanda ka ng pagkain ko nagugutom na ako! " gigil na sabi nya agad na akong tumayo para ipaghanda sya mamaya maging dragon pa ang mahal ko

Agad na akong nagtungo sa kitchen para maghanda ng gusto nya, syempre hindi mawawala ang citrus fruit na kinababaliwan nya

Feeling ko magiging bilugin ang ang anak namin hehe ang cute nya siguro sarap pangggilan

" hoy! Jadeeeee Wonggggg! anung iniisip ko dyan at nakangiti ka siguro yung babae mo noh?! " taas kilay nyang tanong at sinundan nya talaga ako napakamot nalang ako sa ulo

" love puro ka babae, iniisip ko lang yung magiging itsura ng anak natin, siguro ang sarap-sarap panggigilan " masayang sagot ko

" subukan mong gawin yun kay baby hindi ko ipapahawak sayo " masungit na sagot nya grabe naman akala mo anak lang nya ngumuso nalang ako

" wala kang magagawa ako ang Dada nya " proud na sagot ko

" kahit pa baka mapano si baby sa panggigigil mo " seryosong sabi nya eto namang mapapangasawa ko hindi na mabiro hay sarap pisilin ng pisngi kaso hindi pwede baka ma-knock out ako hehe

" love anong gusto mong inumin? " tanong ko nakaluto na kasi ako ng food namin

" orange juice " tipid na sabi nya

" love hindi pwede po mamaya nalang please " pakiusap ko sinamaan nya ako ng tingin saka sumubo

" see? Nagtanong ka pa hindi rin naman pala pwede " asar na sabi nya napabuntong hininga nalang ako araw-araw na ganito kami simula nung buntis sya

You're My Home (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon