Not An Update

2.5K 80 41
                                        

Mahal kita, mahal mo ako inakala natin tayo ay hanggang dulo.


Pero yung hanggang dulo bakit nagkagulo?



Dahil ba ito sa mga mapang-husgang tao? o dahil sa tayo'y kusa ng sumuko?




Kung ano man ang dahilan, ay hindi ko alam sapagkat pasakit ang aking nararamdaman.






Ikaw at ako, buong akala ko tayo ang itinakda.



Pero sadyang mapaglaro ang tadhana



Kahapon ay akin ka, bakit ngayon hindi ko masabing pagaari kita?




Ano ang ating magagawa kung panahon na ang nagsasabing pakawalan at palayain ang isa't isa





Paalam aking mahal, paalam na.



Hiling kong lagi kang masaya


Kahit hindi na ako ang kasama


Ipagdadasal ko ang iyong kaligayahan sapagkat kung ikaw ay maligaya ito ay sapat na para sa aking pusong nagdurusa.




Hanggang sa muli mahal ko, hanggang sa muli.

Na sana ay manatili sa iyong tabi


Yakap-yakap ka sa pagtulog sa gabi.


Na dalanging kasama ka sa bawat sandali.






" Mahal natin ang isa't -isa, pero hindi ito ang tamang panahon para sa isa't isa baka nasa susunod pang kabanata "






My Jedean Gawong heart is breaking 💔

You're My Home (Book II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon