39

4.9K 155 70
                                        

J A D E's

Excited na excited akong uwian na syempre susunduhin ko na ang mag-ina ko, uuwi na kami sa bahay namin.

Dahil sa hindi ko na maantay ang oras mag-early out na ako haha tinawagan ko na si Cath na uuwi ako syempre wala syang nagawa ako kaya ang boss nila

Dumaan muna ako ng prutas na bilog hehe, bulaklak para sa asawa at anak ko hehe

Magiging asawa palang Jade Wong

Oo na papakasalan ko naman sya at wala syang magagawa hindi sya makakawala sa akin hehe

Pagdating sa family house nila sinalubong ako ni manang

" Manang nasaan po si Yan? " tanong ko

" Nasa kwarto sya anak puntahan mo nalang at maghahanda ako ng meryenda " sagot naman nya

" sila tito at tita ho nasaan? " tanong ko ulit

" maaga silang umalis, ang sabi nila hindi makakauwi sa ngayon, bilin nila ikaw na ang bahala kay Arianne " sagot ni manang napatango nalang ako

" Sige po manang puntahan ko lang po si Yan " paalam ko at simulang naglakad

Kumatok naman ako sa pintuan pero walang nagbubukas pinihit ko naman ang doorknob at bukas iyon nadatnan kong tulog na tulog ang mahal ko napangiti naman ako hawak-hawak nya ang tyan nya malaki na na talaga ang tummy ng love ko ibig sabihin malaki na si baby namin hehe

Lumapit naman ako at masuyong hinalikan ang noo at tyan ng mahal ko

" love gising kana " mahinang tapik ko sa pisngi nya nagmulat-mulat naman sya napangiti naman ako ang cute talaga nya

" mhmh " hay inaantok pa talaga ang mahal ko ganito ba  talaga kapag buntis antukin?

Teka ganito yung pagbabago sa kanya dati tinatamad syang bumangon, tapos minsan nagiging morning person sya tapos nag-iiba ang panlasa nya sa pagkain

Sh*t idiot Jade Wong bakit hindi mo nahalata yun dati pa?

" Love bangon kana po diba uuwi na tayo sa bahay? " tanong ko at pinisil ang pisngi at ilong nya

" bakit ayaw mo na ba dito? " tanong nyang nakapikit

" its not like that love, diba gusto mo uuwi na tayo sa bahay natin? " tanong ko

" yeah kaso tinatamad ako " sagot nya hay paano ba to?

" bangon kana po please, sige ka kapag hindi ka babangon ibibigay ko kay manang yung pasalubong ko " sagot ko nagmulat sya agad ng mata at inirapan ako

" asan? " tanong nya agad at tumayo

" love be careful naman si baby oh kung bigla ka namang tumayo dyan akala mo may hahabulin ka " sagot ko tumawa sya at hinampas ako

" paano kasi gusto mo pang ibigay kay manang yung samin ni baby, I hate you! " sagot nya nako tampo na naman si Boss Yan😅

" eto naman nagbibiro lang ako love, tara na at kunin natin sa baba yung food mo " sagot ko kumislap naman ang mata nya at kaagad pumunta sa bathroom para mag-ayos

" Dada tara na gutom na kami ni baby " aya nya sa akin at humawak sa braso ko saka kami bumaba nadatnan naman namin si manang na nagpre-prepare ng snack

" Eto na po Mommy for you " sabay abot ko ng basket ng fruits at bouquet of sunflower

" yey! Thanks Dada! We love you " sabay yakap at halik nya sa akin

You're My Home (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon