79

3.2K 125 54
                                    

F A M's




" Goodmorningggg! " bungad ko



" Bes naman hinaan mo nga yang boses ko baka magising si baby J " reklamo ni Yan natawa lang ako



" Bakit ba namiss ko nga yung pamangkin ko, saka pasalamat ka naisisingit ko pang dalawin ka kahit busy ako " nakangusong sagot ko inirapan nya lang ako




" che! if I know namimiss mo lang akong asarin at panggigilan si baby J " sagot nya natawa nalang ako






" galing mo talaga bes, nahulaan mo ang sadya ko. Oh nasaan si ate? " tanong ko lumungkot naman ang mukha nya at nag-iwas ng tingin





" m..may problema ba? Nag-away ba kayo? " tanong ko umiling lang sya






" Wala okay lang kami, medyo busy lang sya sa work " sagot nya kumunot ang noo ko





" busy? kelan pa sya bumalik sa work? ang usapan naman nila ni Dada hindi muna sya babalik para maalagaan kayo ni baby J. Anong nangyari? " tanong ko napabuntong hininga nalang sya




" k..kasi may konting problema sa office kaya kailangan nyang pumunta doon " sagot nya




" konti lang naman pala, i'm sure Cath can manage na hindi na sya kailangan pumunta, bes come on alam ko may iba pang rason " pangungulit ko hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng luha nya agad ko syang nilapitan at niyakap





" bes nandito ako, sabihin mo ang totoo. " bulong ko tumango sya at pinunasan ang luha nya





" inaya kami ng mga magulang namin ng dinner bes, hindi namin alam kung bakit. Bigla nalang nilang pinag-usapan ang tungkol sa kasal at hindi yun nagustuhan ni Jade pag-uwi namin iba na ang pakikitungo nya sa akin naging mainitin ang ulo nya, bihira na kami magkita iniiwasan nya ako " malungkot na sagot nya naawa ako sa bestfriend ko






" gusto mo bang kausapin ko si ate? " tanong ko umiling lang sya




" hindi na bes, nagkausap naman kami kagabi nasabi ko kung ano ang nararamdaman ko. Akala ko paggising ko maayos na namin ang lahat kaso paggising ko wala sya sa tabi namin " sagot nya hinagod ko lang ang likod nya





" tahan na bes, hayaan na muna natin syang mag-isip baka nabigla lang sya sa nasabi nila. Mahal nya kayo ni baby J i'm sure aayusin nya kung ano man ang naging problema nyo " sagot ko tumango-tango naman sya




" oh kita mo pati si baby J umiiyak na, halika na baby ko. Pogi-pogi naman ng pamangkin ko lablab ni mommytita yan " paglalambing ko sa pamangkin ko at kinarga



" ikaw muna ang bahala kay baby J, maghahanda lang ako ng meryenda " paalam ni Yan tumango lang ako




Hay malalagot ka sa amin ate Jade kung hindi mo ayusin ang problema nyo.


J B's




" Hey wazzup dude! " bati ko hindi man lang nya ako tinignan




" sungit mo naman, let me guess may problema ka noh? " dagdag ko bumuntong hininga lang sya




" well meron nga talaga " sagot ko at naupo sa tabi nya




You're My Home (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon