F A M's
Naglalakad ako papunta sa office ni Mommy para ibigay ang pinapakuha nyang folders na naiwan sa bahay.
Kakatok na sana ako ng may marinig akong nag-uusap kaya tumigil ako sandali aalis na sana ako ng marinig ko ang pangalan ni JB bigla naman akong kinabahan at alam kong boses yun ni tita Jho
" sa susunod na araw na ang graduation ni JB bes " sabi ni tita Jho alam kong masama ang makinig sa usapan nila pero wala akong nagawa curious lang din ako
" oh anong problema doon bes hindi ka ba masaya? " tanong ni tita Ced so silang tatlo ang nandito
" may hindi ka ba sinasabi sa amin bes? " tanong ni Mommy marinig kong napabuntong hininga si tita Jho
" malapit na ang graduation nya ibig sabihin malapit na syang umalis " malungkot na sabi ni tita Jho aalis si JB? saan sya pupunta?
" what? / ANO?! " sabay na sagot ni Mom at tita Ced
" ewan ko mga bes kung anong rason ng anak ko pero curious sya sa totoong magulang nya, nais nya silang hanapin pagkatapos ng graduation nya " ramdam ko ang lungkot sa boses ni tita Jho pero ang tanong bakit biglaan naisipan ni JB yun? Alam kong masaya sya sa piling ni tito Bei at tita Jho
" may naiisip ka bang posibleng rason kung bakit biglaan ang paghahanap nya sa kanila? " tanong ni Mommy
" hindi ko alam bes, hindi ko talaga alam kung bakit. Nag-open up sya sa amin ng Papsy nya na may nagugustuhan na sya pero hindi pwede. Pagkatapos nun bigla nyang nasabi nya nais nya lang makilala ang mga magulang nya tignan kung ano ang sitwasyon nila pero hindi nya kami iiwan. Alam nyo ba natatakot ako sobra " pagkwento ni tita Jho nakaramdam ako ng kaba hindi kaya isa ako sa rason kung bakit gusto nyang makilala ang tunay nyang magulang pero ayaw kong mag-assume
" Pinsan lang kita dahil isa akong De Leon " oh my G! anong ibig nyang sabihin doon? kaya ba gusto nyang hanapin ang mga magulang nya? Ginugulo mo ang utak ko JB!
" bes mabait ang anak mo baka nag-aalala lang din sya sa mga tunay nyang magulang, kung sinabi nyang hindi nya kayo iiwan maniwala ka dun. Mahal kayo ni JB hindi nya kayo hahayaang masaktan buong buhay nya kayo ang magulang nya " payo ni tita Ced napatango nalang din ako
" Saka bes hindi kayo nagkulang sa kanya, minahal nyo sya inangkin na sa inyo, mabait ang anak nyo maiisip nya lahat ng sakripisyo nyo sa kanya. Naniniwala ako na hinding-hindi nya kayo iiwan. " dugtong ni Mom
" salamat sa inyo bes hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala akong mapagsabihan " sagot ni tita Jho ilang sandali lang ay nagdesisyon na akong kumatok
" come in " sagot ni Mommy ngumiti naman ako sa kanila ng makapasok ako halata sa mukha nila ang gulat
" Fam hija k-kanina ka pa dyan? " nag-aalalang tanong ni tita Jho
" uhm no tita kararating ko lang ho, mukhang may sikreto po kayong ayaw nyong marinig ko ah hehe " sagot ko mukha naman silang nakahinga ng maluwag
" naku ikaw talaga na bata ka, wala kaming sikreto anak. Dala mo ba yung folders? " sagot ni Mommy tumango lang ako
" opo Mom eto na po, aalis din po ako agad baka maistorbo ako sa bonding nyo hehe " sagot ko at inabot ang folder natawa naman sila sa sinabi ko kahit alam kong kinakabahan sila
BINABASA MO ANG
You're My Home (Book II)
FanficI saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove you And how can I unlove you? You're My Home My Only Home