J E M A's
" wifey are you done? " sigaw ng asawa ko dahil nagbibihis ako
" yes hubby, pababa na ako " sigaw ko pabalik at kinuha ang pouch ko saka naglakad
" I already called Cath ang sabi wala naman daw si Jade doon so may okay siguro kung sa bahay nila tayo pumunta Bb " sagot nya tumango lang ako
" what if tawagan ko si Jade hubby? " tanong ko umiling naman ito
" no need Bb baka lalong wala tayong maabutan doon mas okay pa kung si nanay Maria ang tawagan mo " suggest nya tumango naman ako
" tara na Bb " dagdag nya at naglakad kami papunta parking lot agad naman nya akong pinagbuksan ng pinto
" Bb yung bilin ko ha please try to calm down, mahirap din ito para sa anak natin na wala sa tabi nya ang mag-ina nya " paalala ko napabuntong hininga lang sya at tumango
" I will wifey, siguraduhin lang nya na magpapaliwanag sya ng maayos kundi malilintikan sya sa akin " sagot nya kinurot ko naman agad sya sa tigiliran
" Kasasabi ko lang sayo ng chill ka ayan kana naman ha, ikaw ang malilintikan sa akin Wong! " pagsusungit ko natawa lang ito at kinuha ang kamay ko at hinalikan
" ang sungit naman po ng asawa ko meron kaba Bb? " inosenteng tanong nya kay agad ko syang hinampas tawa lang sya ng tawa
" awwww! tama na Bb I'm driving " rason nya inirapan ko lang sya
" whatever! kulit mo kasi. " sagot ko nailing nalang sya saka nagfocus sa pagdrive
Pagdating namin sa bahay nila Jade agad kaming sinalubong ni Nanay dahil nagsabi akong malapit na kami.
" Nay kumusta? Nasaan si Jade? " bungad ko at niyakap sya
" Nanay ako dapat unang niyayakap mo, ako alaga mo diba? " nakangusong singit ng asawa ko agad naman na pinisil ni nanay ang pisngi nya at mabilis na niyakap ito
" Naku po at nagtampo pa ang alaga ko, huwag ka naman ganyan sa asawa mo hehe " masayang sagot ni nanay
" Sabi ko naman sayo nay balik kana sa bahay miss na miss kana ni bunso " sagot ni Deanna
" Jusko naman Deannna hindi ko maiiwan si Jade at ang pamilya nya bago palang silang may anak, kapag makita ko ng kaya na nila alagaan si baby J babalik na ako sa inyo " paliwanag ni nanay tumango naman si Deanna at inakbayan kami ni nanay saka kami pumasok
" Nay hindi daw pumasok si Jade? " tanong ko tumango si nanay
" nandyan lang sa kwarto nilang mag-asawa nagkukulong, simula nung umalis sila Yan at baby Jez " malungkot na kwento ni nanay
" Nay puntahan lang po namin " paalam ni Deanna saka kami umakyat sa kwarto nila
Kumatok ang asawa ko at nag-antay na may magbukas kaso nabigo ito kaya naman pinihit na nya ang doorknob
BINABASA MO ANG
You're My Home (Book II)
FanfictionI saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove you And how can I unlove you? You're My Home My Only Home
