36

4.3K 136 67
                                        

J E M A's



Pagkatapos kong dinalaw si Yan dumiretyo na akong umuwi, nasasaktan ako para sa kanya dahil napagdaanan ko rin yun noong ako rin ang nagdadalang tao



Hindi rin naiwasan na nagkaroon kami ng hindi nagkakaunawaan ni Deanna to the point na nasaktan ni Daddy si Deanna physically ng muntik akong makunan at wala sya sa tabi ko dahil nakafocus si Deanna sa trabaho nya



At mukhang mauulit yun sa anak naming si Jade, alam ko na may posibilidad na masasaktan ni Deanna si Jade pero sana umabot ng ganun. Ayokong magkaroon ng gap ang anak at asawa ko



Aminado rin ako na magagalit si Deanna kapag malamang buntis si Yan, dahil lagi nyang inuulit sa mga anak namin na irespeto ang taong mahal mo gaya ng pagrespeto nya sa  akin.



Kung ako wala naman sa akin kung maunang magkaanak si Jade at Yan kahit wala pang kasalan  kaso kay Deanna ibang usapan yun, pero alam ko matatanggap at mauunawaan nya lalo kung isisilang na ang unang apo namin.



" Wifey kanina ka pa tulala " agaw pansin ng asawa ko ngumiti naman ako at humalik sa pisngi nya



" oh sorry hubby, iniisip ko lang yung sa hospital " palusot ko tumango naman sya



" Sabi ko naman sayo wifey wag mong masyadong pagurin  ang sarili mo, kung iniisip mo ang mga anak natin lahat sila may maayos na trabaho kung tutuusin kahit hindi kana magtrabaho mabubuhay tayo " seryosong sagot nya pinisil ko lang ang pisngi nya



" eto na naman po kami ng asawa ko, alam mo naman na hindi ko pwedeng i-give up yung trabaho ko habang malakas pa ako, masaya ako bilang isang doctor Bb " sagot ko naman ngumiti naman sya



" yan tayo eh wala rin naman akong magagawa wifey kundi suportahan ka, kaso kita mo naman sa akin, ako ang naggive up ng pagiging sundalo ko " sagot nya napatawa naman ako



" Atleast worth it naman hubby, nakakasama mo kami ngayon hindi gaya ng dati kung saan-saan ka na-aassign. " sagot ko ngumiti lang sya



" oo naman wifey worth it na worth it dahil lagi nalang akong malayo sa inyo noon halos hindi ko na makita ang paglaki ng baby triplets natin kaya tama lang na bumawi ako sa inyo " sagot nya at yumakap sa akin


" Hay ang bilis nilang lumaki hubby parang kelan lang nung maliit pa sila kapag umiiyak silang sabay na hindi natin alam ang unang bubuhatin dahil tatlo sila hehe " sagot ko napatawa naman ang asawa ko

" kaya nga Bb lalo nung natuto na silang maglakad at umakyat sa hagdan, hindi mo alam kung sinong uunahing habulin at ang nakakatawa nung pwede na silang kumain hindi mo rin alam kung sinong susubuan hehe " natatawang sagot nya


" Isa pang nakakatuwa hubby, kung paliguan sila pati yung magpapaligo, liligo narin sa kakulitan nila hehe " sagot ko napatawa nalang kami balikan nung baby pa ang triplets



" Ang bilis na panahon wifey, ngayon may kanya-kanya na silang trabaho at soon bubuo ng sarili nilang pamilya. Walang duda napalaki natin silang maayos " sagot nya ngumiti ako


" kanino kaya tayong unang magkaka-apo? " singit ko kahit alam ko naman na kay Jade


" hehe hindi na kailangan itanong yan wifey sino pa ba edi kay Jade, sa kanilang tatlo sya lang naman ang alam nating may jowa hehe " natatawang sagot nya




You're My Home (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon