35

4K 142 104
                                        

Y A N's

Its been a week since Fam visited me, she made sure naman to get in touch para daw icheck ako kung kumakain ako o umiinom ng vitamin namin ni baby

I'm so thankful for my bestfriend, but sadly its been a week but my baby's Dada doesn't come home yet

I never heard about her, ang sabi ni Fam minsan nya lang nakita ang kapatid nyang lasing na kinausap sya

After that wala na, baka umuwi na sa condo nya ang masakit lang hindi man lang nya ako kumustahin

Dahil parang wala naman syang balak umuwi sa amin, nag-empake na ako ng gamit ko baka tama si Dada mas nakakabuti sa akin kung kasama sila

May susi naman sya dito kung may kailangan syang gamit nya, kung gusto nya ako o kaming makita ng anak nya alam naman siguro nya kung saan kami hahanapin

Umaasa parin akong magiging okay ang lahat sa aming dalawa kahit hindi na para sa akin, para man lang sa batang dinadala ko

May nagdoorbell kaya naglakad na ako para buksan ang pinto hindi na ako umaasa na sya ang darating

" Ma'am nakahanda na po ba kayo? Nasaan po ang gamit nyo " tanong sa akin ni Manong Rudy na matagal na naming family driver

" Nakahanda na ako manong, nasa labas na po ng kwarto yung gamit ko " sagot ko tumango lang sya at umakyat

Inantay ko nalang sya saka kami sabay lumabas, pinagbuksan nya ako ng pinto bumuntong hininga nalang ako ng sulyapan ulit ang bahay na pinatayo ko para sa amin ni Jade

" Kelan kaya ulit ako makakabalik dito? o kelan kaya kami kompletong uuwi dito? " bulong ko kasabay ng pagpatak ng luha ko

" ma'am okay lang ho ba kayo? " nag-aalalang tanong ni Manong agad ko namang pinunasan ang luha ko

" okay lang ako Manong, tara na baka inaantay na tayo nila Mommy " sagot ko saka sya binigyan ng tipid na ngiti tumango nalang sya saka binuhay ang makina ng sasakyan saka nagsimulang magmaneho

" ma'am may gusto po ba kayong daanan? " tanong ni Manong napatingin naman ako sa kanya

" ay oo pala manong, daan tayo sa office ko may ibibilin lang ako kay Yumi " sagot ko naman tumango lang sya saka kami dumiretyo sa office

" ma'am sasamahan ko pa po kayo? " tanong ni Manong ng nasa harap na kami ng company umiling lang ako

" no manong kaya ko na wala rin naman ako dadalhing mabigat " sagot ko tumango lang sya

" sige po ma'am hintayin ko nalang po kayo " sagot nya tumango na ako saka naglakad papunta sa elevator

Dumiretyo na ako kay Yumi lumapit naman sya kaagad ng makita ako

" Goodmorning po ma'am " bati nya at ngumiti

" Goodmorning Yumi, pasensya kana kung hindi ako nakapasok ng ilang araw " sagot ko tumango lang sya

" Okay lang po ma'am wala pong problema, may bumisita po pala kayo  " alanganing sagot nya

" Huh? Sino? " takang tanong ko

" sya po " sabay turo sa babaeng nasa likuran ko tumaas kaagad ang kilay ko

" H-Hi Ms. Galang " nauutal na bati nya at may hawak na bulaklak

" May appointment ba sya? " tanong ko kay Yumi umiling sya kaya lalong uminit ang ulo kong humarap sa kanya

" So why are you here? Ms. Emnas right? " tanong ko ito ata yung makulit at mahangin na investor na hanggang ngayon hindi ko parin pinapansin ang offer nya

You're My Home (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon