53

4K 151 39
                                    

A/N
* Please skip the scene of Fam and JB if you're not comfortable. Godbless us all😇





F A M's



Nagising ako sa amoy ng kape ugh! my weakness kahit inaantok pa ako nagmulat na ako at naupo nilibot ko ang mata ko at wala na si bakulaw



Saan naman kaya nagpunta yun? halla baka umuwi na pero bakit naman sya uuwi na hindi nagsasabi sa akin

Lagot ka sakin JB De Leon



" hey goodmorning, coffee? " tanong ng hinahanap kong tao


" thanks, goodmorning saan ka galing? kanina ka pa gising? " tanong ko tumawa lang sya


" hinay-hinay naman po sa tanong doc hehe, halos kagigising ko lang nagtimpla lang ako ng kape natin " sagot nya at ngumiti ng nakakaasar inirapan ko lang sya at humigop ng kape


" how was it? " tanong nya


" uhm not bad for the effort " kunwaring sagot ko dahil ang totoo masarap naman talaga sinamaan nya lang ako ng tingin


" really? sa effort lang? Pinaghirapan ko kaya yan, not bad pala ha oh sige na akin na ako na iinom " akmang kukunin nya ang kape ng ilayo ko ito saka hinampas ang braso nya ngumuso naman sya agad


" bakit mo kukunin? binigay mo na diba? " taas kilay kong tanong


" paano sabi mo not bad for the effort, akala ko pa naman magugustuhan mo " naiinis na sagot nya nagpipigil lang ako ng tawa


" Eh anong gusto mong sabihin ko? " nang-aasar na tanong ko


" sabihin mo sana na masarap yung coffee " sagot nya napatawa ako kaya kumunot ang noo nya


" oo na mas---- " hindi ko na natuloy ang sasabihin


" d..doc Frances? " sulpot ni Yas na nakahawak ng dalawang cups natahimik naman agad si JB


" yes doc? need anything? " kalmadong tanong ko


" oh nothing doc, I brought a milk for you " sagot nya inikutan lang sya ng mata ni JB


" a...ah k-kas-- " tsk! hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin

" sorry doc pero as you can see nagkakape na kasi sya " sagot ni JB at ngumiti

" oh sorry, hindi ko napansin. May nauna na palang nagdala sayo " sagot nya ngumiti lang ako ng pilit


" saka hindi naggagatas si doc ng umaga " sagot ni JB stalker ko ba to bakit alam nya


" I see, but I hope sabay-sabay tayong maglunch later? " sagot ni Yas tumango naman kami ni JB



" yes doc, saka talaga namang sabay-sabay tayo hehe " sagot ko tumawa sya



" I mean sa iisang table hehe, alam mo na ikaw palang ang kaibigan ko " sagot nya tumango nalang ako


" bakit doc ayaw mo ba akong maging kaibigan? " tanong ni JB agad ko namang syang kinurot kung anu-anong tinatanong nya tumawa naman si Yas


" hindi naman sa ganun JB, I mean sya lang ang kaibigan ko sa mga doctor at nurse dito " sagot ni Yas tumawa naman si JB


" masyado kang seryoso doc nagbibiro lang ako " dugtong ni JB natawa naman si Yas



You're My Home (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon