Chapter 16: Starting Journey of the Sword Wielder

44 3 18
                                    

/Chapter 16: Starting Journey of the Sword Wielder/

"Holy shit," mahinang bulong ko nang makita ang nangingibabaw na itsura ni Lucien sa lugar na ito dahil ng kakaibang aura na pumapalibot sa kaniya.

Naalis ko ang tingin sa kaniya nang maramdaman kong hinihila ni Ligaya ang laylayan ng aking damit. I looked at the little girl at napansin ko ang kuryoso nitong tingin sa akin kaya bahagya akong napakunot ang noo, nagtataka kung bakit gano'n ang ekspresyon ng bata.

"Bakit?"

"Ate Iskay, ano po ang holy shit? Narinig ko pong binanggit mo kanina pero alam ko pong hindi iyon kasama sa naituro ninyong salitang Ingles sa amin," aniya kaya agad akong napanganga, hindi inakalang narinig niya ang bulong ko.

"Ah...haha.." mabilis akong nangapa ng puwedeng alibi at saka sinabi ang unang pumasok sa isip ko. "Ang tagalog ng holy ay banal at ang shit ay.. ay tae." I mentally slap my face because of the excuse. 

What the heck is that?!

"Banal na tae?" Nagtatakang tanong ni Ligaya bago inalis ang tingin sa akin at inilagay ang hintuturo sa kaniyang baba na tila nag-iisip.  I just close my eyes shut and bit my lower lip to punish myself when I heard Ligaya connected the words. I cursed myself mentally while still closing my eyes that I didn't even realized that Lucien is already close to me and behind him is the curious gaze of the villagers. 

The presence emitting of him in front of me is killing me. I could hardly breathe. His eyes that stares directly at me felt like daggers. I don't know why he's giving me such look. He seems irritated and annoyed for some reason. 

But why do I have to worry about what he thinks right now? I mean, I'm not even in the Kingdom anymore. We could hardly be recognized as people of Gaoul since we're living at the outskirts of the Kingdom. 

"We need to talk," malamig at malalim ang boses niya na tila nagbabanta. Kumunot ang aking noo at bahagyang tumaas ang isang kilay, nagtataka kung bakit kinakailangan pa niyang magpunta rito sa lugar na hindi niya nakasanayan kung mag-uusap lang naman pala kami. He could just give me a letter though. 

Sasagutin ko na sana ang kaniyang sinabi nang biglang sumigaw si Ligaya habang nakatingin sa may bungad ng gubat. Nang sundan ko ng tingin ang direksyon na tinitingnan ni Ligaya, nakita ko si Maximo na tila natigilan sa paglalakad nang makita ang hindi inaasahang bisita ng Armacost. 

Napansin ko ang tila pagtatama ng paningin nilang dalawa ni Lucien dahil bigla na lamang dumilim ang kaniyang mukha. Hindi rin nakatakas sa aking mata ang pagkuyom ng kaniyang kamay at maging si Lucien ay napansin ko sa gilid ng aking mata na tila nilalabanan ng titigan si Maximo. 

"Kuya Maximo!"

Saved by Ligaya's calling, Maximo turned his gaze to the little girl running towards him and smiled widely as if the tension earlier did not happened. Binuhat ni Maximo si Ligaya bago ito naglakad papalapit sa aming puwesto. 

Tumingin siya sa akin nang seryoso na tila binabasa ang nasa isip ko kaya naman para mawala ang pag-aalala niya ay binigyan ko siya ng isang banayad na ngiti. Wala na rin siyang nagawa kung hindi mapangiti na lang din at mapailing-iling. Bahagya ko pang napansin sa gilid ng aking mata ang pagtingin sa akin ni Lucien ngunit hindi ko na iyon pinansin. 

Nang makalapit si Maximo sa puwesto namin ay ibinaba niya si Ligaya at seryosong tiningnan si Lucien. Kagaya ng una kong napansin nang una kong makita si Maximo, magkasing-tangkad nga lamang ang dalawa at magkasing-laki ng katawan. Halos hindi na rin nagkakalayo ang kulay ng dalawa dahil mukhang mas lalong naging babad sa araw si Lucien ngunit mapapansin pa rin ang mas pusyaw nitong kulay kaysa kay Maximo. At ang higit na kapansin-pansin na kaibahan sa dalawa lalo na ngayong magkaharap sila ay ang kanilang aura. 

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon