/Chapter 05: Kingdom of Gaoul/
Nangunot ang noo ko nang matamaan ng liwanag ang aking mata. Nag-iba ako ng pwesto sa hinihigaan at mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo nang maramdamang tila tumigas ang kama.
My hand unconsciously landed on the bed—which I think transformed—because it felt like a ticklish grass.
Naramdaman ko ang pagsalakay ng kaba sa aking dibdib dahil sa naramdaman ng kamay.
Mabilis kong naimulat ang aking mata ngunit muling napapikit nang tamaan ito ng liwanag na galing sa sinag ng araw. Hinayaan ko muna itong mag-adjust sa liwanag kahit nakapikit bago ko ito muling unti-unting binuksan.
Una kong nakita ay ang mga bulaklak sa paligid na may iba't ibang kulay, kasunod ay ang mga puno at iba pang halaman na matingkad ang pagka-berde. Napanganga ako habang inililibot ang tingin sa buong paligid. May mga ibon na lumilipad na ngangayon ko lamang nakita, humuhuni ang mga ito habang palipat-lipat sa mga sanga ng puno.
I wandered my eyes around the whole place. Nawala ang halos walang laman na kwarto na inuukupahan ko kagabi at napalitan ng isang tila gubat. Tumayo ako habang inililibot pa rin ang paningin.
Wala ang gamit ko sa paligid. Kinapa ko ang bulsa ng hoodie na jacket na suot upang tingnan kung nandoon ang cellphone ko ngunit wala rin.
"Nasa'n ako?" Tanong ko sa sarili at humakbang ng isa. May naramdaman akong tila mabigat na nakasabit sa bewang ko kaya tiningnan ko ito ngunit nangunot ang noo ko nang makitang isa itong espada.
Kinuha ko ito mula sa lalagyan at napaawang ang aking labi nang makita ang kabuuan nito. Naghahalo sa gold at red ang kulay ng espada. Ang pommel nito ay gawa sa crystal na nababalutan ng tila vines na gawa sa ginto. Simple lamang ang hilt nito na gawa sa ginto na sa tingin ko ay may anim na pulgada ang haba. Ngunit ang pinaka-kapansin-pansin ay ang butas sa may guard nito. Hindi naman kalakihan ang butas ngunit hindi rin kaliitan upang hindi ito mapansin. Tila may sadyang nakalagay roon na wala sa espada. At ang pinakahuli ay ang blade nito na kulay pula ang kulay sa may pababa. Hindi sinasadyang naitapat ko ito sa araw, ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagbabago ng kulay nito na mula sa pula ay naging kulay ginto.
"Kung gano'n ay nagbabago ang kulay nito kapag naiitapat sa araw," tumatangong sabi ko sa sarili. Ibinalik ko na uli iyon sa lalagyan at nagpasyang maghanap ng tao na mapagtatanungan ko kung nasaan ako.
Nagsimula akong maglakad patungong kanluran ngunit bigla ring napatigil nang may humarang na isang ibon sa aking daraanan; isang sparrow.
Nakatitig lamang ito sa akin na tila pinag-aaralan ang aking mukha. Nangunot ang noo ko kaya iginilid niya ang kaniyang ulo na naging dahilan ng pagtawa ko nang bahagya.
Humuni ito bago lumipad patungo sa kabilang direksyon, sa silangan. Sinundan ko ito ng tingin bago naiiling na bumaling muli sa daraanan at nagsimula na muling maglakad. Ngunit bago pa man ako makagawa ng isang hakbang ay muli na namang humarang sa akin ang ibon at umiling. Teka, umiling?
Lumipad uli ito patungo sa may silangan at bumaling sa akin na tila pinapasunod ako. Mas lalong nangunot ang aking noo dahil tila nakakaintindi ang ibon na ito.
Nang hindi pa ako lumakad patungo sa direksyon na sinasabi niya ay lumipad siya sa may likuran ko at tila itinulak ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang lumakad at magtiwala sa ibon.
Bumalik na muli ito sa unahan upang masundan ko siya. Ilang minuto ko pang sinundan ang ibon bago ako nakarinig ng ingay ng mga boses. Mabilis akong lumakad at sinundan ang ingay hanggang sa tuluyan akong makalabas ng gubat.
Bumungad sa akin ang maingay na pamilihan dahil sa mga taong nagkalat pati na ang mga nagtitinda. Mangha kong tiningnan ng bawat isa dahil halos lahat ng mga namimili ay tila mga maharlika dahil nakasuot ang mga ito ng saya na mukhang pang medieval period. Ang mga nagtitinda naman ay simple lamang ang pananamit tulad ng kamiseta at pambaba na hanggang tuhod para sa mga lalaki at longsleeve na puti at paldang hanggang sakong na kulay vintage ang sa mga babae.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasiNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...