Chapter 20: Banquet

30 0 0
                                    

Chapter 20: Banquet

We decided to continue our journey tomorrow and Master Boris, a jaguar and the leader of the tribe offered to give us a farewell party tonight. We tried to refuse but he's persistent so we had no choice but to accept.

And as of now, I am staying in one of their huts and currently preparing for the banquet.

Tiningnan ko ang kulay lavender na slip dress na nakalatag sa single bed na kama at ang nakapatong na puting shawl sa ibabaw nito. I couldn't help but feel my cheeks burning when I remember what happened earlier.

After Master Boris told us about the banquet, Mincy immediately tug and brought me to her hut to give me something. I thought it was about the weapons or a book that contains information that could help us in our journey but it turns out this.

A dress.

When I brought it with me when I meet up with Lucien and Maximo again, the two almost choke on themselves, literally.

"What the hell is wrong with that dress?" Mura ni Lucien nang makita ang kabuuan ng damit na ibinigay sa akin ni Mincy.

Napatingin din ako rito at napakibit-balikat.

"Cosette, hindi ba masyado naman iyang..." tumigil si Maximo at pinasadahan ng tingin ang hawak kong dress bago iniiwas ang tingin. "...malantad?" Napalunok siya nang sabihin ang huling salita.

Muntik na akong matawa ngunit pinigilan ko ang aking sarili at napatingin din sa hawak na susuotin.

"Mincy gave me this and I couldn't refuse since she's also being nice in giving me the books that we need for our journey," I explained.

Tumango si Maximo sa sinabi ko ngunit nanatiling nakaiwas ang tingin habang si Lucien ay seryoso lamang na nakatitig sa damit. Tinaasan ko siya ng kilay bago ibinaling ang atensyon sa babagong dating na batang babaeng pusa, upang kaunin ako para gabayan patungo sa tutuluyan ko pansamantala.

Wala itong imik nang dumating kaya tinanguan ko na lang ang dalawa, tanda ng pagpapaalam. Ngumiti sa akin si Maximo samantalang si Lucien ay marahan lamang na tumango, seryoso pa rin ang mukha. Hindi ko na lang pinansin ang aksyon niya at ibinaling na lang ang atensyon sa batang pusa.

Sinundan ko ito nang tahimik hanggang sa makarating kami sa isang parang nipa hut. Nahahalintulad ito sa mga bahayan sa Nayon ng Armacost kaya nahihinuha kong ito ang pinaka-common na tirahan para sa mga tao at nilalang na hindi masyadong nakakaangat ang buhay sa mundong ito.

"Thank you." Nginitian ko ang batang babaeng pusa. Sa una ay nahihiya ito base sa medyo malikot niyang kamay na nakalagay sa unahan at ang nakatungo niyang ulo. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay unti-unti niyang itinaas ang kaniyang mukha at saka ako binigyan ng nahihiyang ngiti.

"Walang anuman po," aniya sa isang mahinang boses.

Dumaan pa ang ilang segundo ngunit wala na siyang isinunod pa. Handa na sana akong magpaalam sa kaniya nang bigla siyang lumapit at marahang ikinuskos ang kaniyang pisngi sa akin kasabay ng kaniyang nahihiyang bulong.

"Mersi, binibini."

Matapos niya iyong sabihin ay mabilis siyang umalis, halatang nahihiya sa kaniyang ginawa. I couldn't help but smile since I find it cute. It's good timing that I wore my mask.

Ilang sandali ko pang tinanaw ang direksyon kung saan tumakbo ang batang pusa bago nagdesisyong pumasok na sa loob.

But I almost had a heart attack when I faced the other direction and saw Lucien a few inches away from me, wearing a serious face.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon