/Chapter 15: The Uninvited Visitor/
"Ate Iskay! Ate Iskay!"
Napatigil ako sa ginagawang pag-eensayo ng aking espada nang tumatakbo habang isinisigaw ni Ligaya ang aking pangalan. Dala-dala niya ang isang notebook na sa tingin ko ay ang pinag-susulatan niya ng mga salitang Ingles na natutunan niya. Hinintay ko siyang makalapit sa akin habang hinahayaang magpalit ng anyo si Aurora sa aking tabi.
Pailang linggo ko ng nag-eensayo ng espada pati na rin ng pagtuturo ng Ingles sa mga taga-rito. Sa loob ng ilang linggong iyon ay nakilala ko rin ang bawat isa at mas naging malapit ako sa kanila. Lahat sila ay gustong matuto ng salitang Ingles at tuwing araw ng aking pagtuturo ay kitang-kita ko kung gaano sila kasabik matuto.
Nang tuluyang makalapit sa akin si Ligaya ay ang siyang tuluyang pagpapalit din ng anyo ni Aurora na mukhang alam ang pagdating ng bata. Ligaya knows Aurora's secret kaya naman walang kaso sa akin o kay Aurora kung magpalit siya ng anyo sa harapan nito. I sat down on the grass and waited Ligaya to catch her breath before I could finally talk to her.
"Mukhang excited na excited ka, ah? Tapos mo na bang sagutan ang mga ibinigay kong gawain sa inyo?" I asked. After giving them discussions about basic english, I'm giving them activities to help them memorize effectively the lessons. In that way, mas mananatili sa isipan nila ang mga itinuturo ko.
Bahagyang napakunot ang aking noo nang hindi ako sinagot ni Ligaya pero napalitan iyon ng bahagyang pagtawa nang mapansin ang mabibilis niyang pagbuklat sa hawak na notebook habang paulit-ulit na binibigkas ang salitang 'excited' na mukhang hinahanap niya ang ibig sabihin.
Nang makita niya ang ibig sabihin nito ay mukhang inisip niyang muli ang sinabi ko kanina bago napatango-tango na tila may bago na namang nalaman. Hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa inakto niya. She's really innocent.
"Hindi pa po ako tapos sa gawain, Ate Iskay. Pinapakaon ka po sa akin ni Inay para magtanghalian," aniya. Bahagya akong natigilan dahil palaging si Maximo ang sumusundo sa akin tuwing magtatanghalian. Pagkatapos kasi niya akong turuan ay iniiwan niya akong mag-isa nang sa gano'n ay mas maging komportable ako sa paghawak ng espada nang walang tulong mula sa kaniya. Pero sa tuwing kakain na ay palaging siya ang kumakaon sa akin. Kaya naman nakakapagtaka na hindi siya ang sumundo ngayon, but still, it doesn't matter anyway.
Ngunit muling napabaling ang tingin ko kay Ligaya nang humagikhik ito na tila may iniisip na kung ano. Napakunot nang bahagya ang noo ko dahil sa inaakto niya kaya naman ngumiti nang malaki si Ligaya na tila masayang-masaya.
"Umalis ng nayon si Kuya Maximo, Ate Iskay, kaya ako ang sumundo sa iyo ngayon," wika niya na tila nabasa ang nasa isip ko kung bakit hindi si Maximo ang sumundo sa akin. Pero agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
I'm not expecting anything from Maximo! I mean, he's my mentor in using my sword but I don't expect him to always pick me up here!
"I'm not asking about him!" Bahagyang napataas ang boses ko that it sounded so defensive kaya mas lalong napatawa si Ligaya kahit mukhang hindi naintindihan ang sinabi ko. Mas lalo tuloy akong napahiya nang tingnan ko si Aurora ay nakita ko ang itinatago niyang ngiti na mukhang siyang-siya dahil sa nakikitang pagkapahiya ko. Argh! They are both toying me!
Dahil doon ay mabilis ko ng inayos ang aking sarili para tapusin na ng araw para sa aking pag-eensayo. Tumigil na naman ang dalawa sa pagtawa at pinagmasdan na lamang ako sa aking ginagawa.
Nang matapos ako ay inaya ko na sila na bumalik patungo sa bahayan na siyang masayang sinang-ayunan naman ni Ligaya. Tahimik lamang na tumango si Aurora bago ito muling nagpalit ng anyo bilang aking espada. Napangiti na lamang ako nang bahagya dahil doon at saka ito isinabit sa bewang.
On the way home, I asked Ligaya about the lessons I am teaching them and she answered something that made me bother. Sabi niya ay kahit anong pilit daw ng mga matatanda na aralin ang mga itinuturo ko sa kanila ay pagkakalipas lamang ng ilang oras ay nakakalimutan na nila lahat ng may patungkol sa lengguwaheng Ingles. But Ligaya added that maybe it was due to their age but for me, it is something that I couldn't overlook.
Nang makarating kami sa bahayan ay napansin agad namin ang halos tahimik na paligid kahit pa nasa labas naman ang mga tao. All I could hear was the murmurs and whispers of the people to each other. Agad namang nangunot ang noo ko dahil ganitong mga oras ay maingay na maingay ang nayon ng Armacost. Ngunit ngayon ay kahit ang mga batang paslit ay tahimik lamang sa isang tabi at tila natatakot gumawa ng kahit anong bagay.
"Ate Iskay, ano pong meron?" Bulong ni Ligaya na mukhang nahalata rin ang pagiging tahimik ng mga tao.
"Hindi ko rin alam, eh," I answered truthfully. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ganito na lamang katahimik dito. And to clear our minds with questions, we slowly walked towards Manang Clarita who's silently sitting in front of her house, fanning herself with a leaf of small palm tree, to ask a question.
"Manang, ano pong mayroon?" Magalang na tanong ko sa matanda habang patuloy pa rin itong nagpapaypay.
Nang marinig niya ang tanong ko ay dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Tiningnan muna niya ako nang ilang segundo bago niya sinagot ang aking tanong.
"May bisita ang nayon galing sa kaharian... at ikaw ang pakay," aniya dahilan para mapaawang ang aking mga labi at salakayin ng kaba ang aking dibdib. Even Ligaya gasp because of the statement Manang Clarita uttered. Naitakip niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig bago agad na tumingin sa akin, with fear evident in her eyes.
My heart was in a race that I couldn't even breathe properly. My hands are sweating and I could feel my feet slightly shaking. I admit that they inflicted me pain and the trauma I've experienced in that Kingdom is so deep that I think seeing just one person from that palace made me want to puke because of the anxiety.
But the sudden nervousness I've felt earlier vanished immediately when I saw a familiar man walking in a path covered with dust, wandering his eyes in every corner of the village, not minding the stares and whispers of the people, until his gaze met mine.
Those dark and menacing eyes I couldn't forget. The thick brows that always meet together because of his frown, and the tender lips despite of his dangerous look that is a top-notch.
It was my susceptor.
Lucien.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...