/Chapter 04: Running Away/
Evening came and I'm all set. Nakahanda na ang aking isang backpack na pinaglalagyan ng gamit ko tulad ng sinabi sa akin ni Sheila, pangalan ng kasambahay. Hinihintay ko na lamang siyang pumunta rito at ihatid ang aking pagkain, tanda ng pag-alis ko.
I wore my black loose hoodie and looked my reflection on the mirror. Nakaitim din akong pants at rubber shoes nang sa gano'n ay hindi ako mabilis na mapansin. I ponytailed my long and straight ebony hair so it won't be a hindrance for my escape. Masyadong hassle kung nakalugay.
Huminga ako nang malalim at ngumiti sa sariling repleksyon.
"This is it. And this time, sisiguruhin kong hindi na ako mahuhuli," mahinang sabi ko sa sarili.
Nakarinig ako nang pagkatok kaya ibinaling ko ang paningin sa pinto at hinintay iyong bumukas. Ilang segundo lamang ay nagbukas iyon at pumasok si Sheila na may dalang tray. Mabilis din niyang ini-lock ang pinto at naglakad patungo sa may kama at inilapag sa may bedside table ang tray. Lumapit siya sa akin at nginitian ako, may halong kaba ang ngiti niya.
"Ready na po ba kayo, Ma'am?" She asked. Huminga muli ako nang malalim at saka siya tinanguan.
Handang-handa na akong umalis sa lugar na ito. Tumatambol ng malakas ang aking dibdib dahil sa pinaghalo-halong emosyon ngunit mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhang makaalis sa lugar na ito.
Isinukbit ko na ang aking bag at inilagay sa bulsa ng hoodie na suot ang cellphone. Hinawakan naman ni Sheila ang aking pulsuhan at hinila na ako patungo sa balkonahe ng aking kwarto. Binuksan niya ang sliding door at lumabas kaya muli akong napasunod.
"Akyatin mo na po ang puno, Ma'am," aniya na may halong pagmamadali sa boses. Tinanguan ko siya bago muling napatingin sa aking kwarto na kanina ay inayos ko.
'Hanggang sa muli,' bulong ko sa hangin bago muling tumingin kay Sheila na halatang kinakabahan.
Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. "Maraming salamat."
Umiling siya sa akin habang nakangiti. "Hanapin mo ang bagay na makapagpapasaya sa'yo, Ma'am Cosette. Damhin mo ang pagiging malaya mula sa mga magulang mo. Huwag mo na po akong alalahanin dito. Mag-iingat ka po," she said, concern.
Tumango na lamang ako rito at ibinaling na ang atensyon sa sanga ng puno. Mabilis ngunit maingat ko iyong inakyat at gumapang patungo sa mas matibay na sanga nito. Muli kong tiningnan si Sheila na tumango sa akin, sinasabing magpatuloy ako. Huling beses akong tumango at ngumiti rito bago nagtuloy-tuloy sa paggapang patugo sa kabilang sanga, kung saan labas na ng village ang papatakan ko.
Mabuti na lamang at malapit sa may pader ng village ang aming bahay, isama pa na may puno sa tapat ng balkonahe ng aking kwarto kaya hindi na ako mahihirapang umalis na may takot na baka mahuli.
Nang makagapang sa sanga na nasa labas ng bakod ay inihanda ko ang aking sarili sa pagtalon. Humugot ako ng isang buntong hininga bago mabilis na tumalon sa daan. Mataas ang pinagtalunan ko ngunit ipinagpapasalamat kong walang sumakit sa akin.
Pinagpagan ko ang aking kamay bago inilibot ang tingin sa madilim na daan. Nagsimula akong maglakad patungo sa hilaga hanggang sa makakita ako ng isang eskinita. Madilim doon ngunit dahil sa takot na baka malaman na ng mga nagbabantay na wala ako sa kwarto ay walang pasubali ko iyong pinasok at hindi pinansin ang kabang nararamdaman.
Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bulsa ng aking hoodie at binuksan ang flashlight nito.
Mabilis kong nilakad ang eskinita at napangiti nang mapansing may tila lalabasan ako. Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa tuluyan na akong nakalabas sa madilim na eskinita, ngunit nawala ang ngiti ko nang madilim na daan din ang sumalubong sa akin.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...