Chapter 11: Village of Armacost

46 3 13
                                    

/Chapter 11: Village of Armacost/

"Binibini..."

Wala sa sarili akong napatingin sa utusang babae nang tawagin niya ang atensyon ko. Nakayuko ito habang nasa tabi niya ang mga ini-ayos na gamit ko sa isang magandang lagayan na kulay puting parang box. Katulad lamang ito ng maleta dahil mayroon din itong gulong, ang kaibahan lamang ay ang istilo nito.

"Bakit?" seryosong tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin. Wala pa man akong ibang sinasabi ay ramdam ko na ang takot niya dahil sa napansin kong panginginig ng kaniyang mga kamay. Nang makita niyang nakatingin ako sa kamay niya ay maagap niya iyong itinago sa kaniyang likuran at muling yumuko.

"Tayo na po. Kanina pa naghihintay ang kalesang maghahatid sa inyo sa hangganan ng kaharian ng Gaoul," magalang na aniya. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago tuluyang naproseso ng utak ko ang sinabi niya. 

Oo nga pala. Ito nga pala ang parusang ipinataw sa akin para sa kasalanang hindi ko ginawa. Nakakatawa kung paano napangatawanan ni Amethyst ang pagiging isang magaling na sinungaling. Maski ako ay hindi makapaniwalang nakaya niyang paikutin ang Hari... o siguro ay una pa lang talaga ay ito na ang gusto nilang mangyari. Ang umalis ako sa lugar na ito, bilang kapalit sa pakikipaglaban ko o namin sa mga dragon na susugod at sisira sa kaharian nila. How good they are for giving me this fucking punishment, for a damn crime  I never did. 

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at tinanguan na lamang ito. Muli naman siyang tumungo nang bahagya bago kinuha ang lagayan ng aking gamit at binitbit palabas ng kwarto. Tahimik naman akong tumayo mula sa kanina pang pagkaka-upo sa kama bago walang imik na sinundan ang utusan palabas ng silid. 

Bago ko tuluyang sinarhan ang pinto ay binigyan ko ng huling sulyap ang kwartong napamalagian ko ng halos wala pang isang linggo. Kahit pa hindi naman talaga ako nagtagal dito ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot, ngunit kahit ano ring gawin ko ay pagkasuklam sa mga taong namamalagi sa lugar na ito ang nangingibabaw sa akin. Kahit kailan ay hindi ko magagawang mapatawad ang mga taong pinilit akong ibaba hanggang sa tuluyan akong bumagsak. They are worse more than a wild animal. 

Huminga ako nang malalim bago tuluyang sinarhan ang pinto ng kwarto. Tinahak ko na rin ang kahabaan ng pasilyo ng kaharian  patungo sa labas nito... patungo sa kalesang maghahatid sa akin paalis at palayo sa lugar na ito. 

Nang makarating sa labas nang palasyo ay nakita ko agad ang kalesang mukhang bibigay na anumang oras. Napatigil ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ang mukhang nabubulok na mga kahoy na materyal ng kalesang sasakyan. Siguro ay dahil sa sobrang kalumaan kaya ganito ang hitsura nito. Napansin ko pa ang tagpi-tagpi na nitong disenyo at ang wala sa ayos na pinto.

Mukhang nailagay na ng utusan ang gamit ko sa loob at ako na lamang talaga ang hinihintay.

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapahinga na lamang nang malalim at tanggapin ang kalesang inihandang maghahatid para sa akin.

Muli akong naglakad papalapit sa kalesa. Namataan ko pa ang matandang kutsero na kuba na ang likod sa sobrang katandaan. Nang maulinigan niya ang pagdating ko ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin at pinilit akong inaninag.

"Magandang hapon..." Bati niya sa isang mahinang boses nang siguro ay nalaman niyang ako ang pasahero niya ngayon. Dahan-dahan pa niyang kinuha ang kaniyang sumbrerong gawa sa banig at sira-sira na rin bago iyon itinapat sa kaniyang dibdib. Pagkatapos ay muli niya itong ibinalik sa pagkaka-ayos sa kaniyang ulo bago muling tumingin sa harapan.

Napaawang na lamang ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang matanda pa ang kinuha ng palasyo na maghahatid sa akin. Hindi ko na nagawa pang sagutin ang matanda dahil tuluyan ng nilamon ng pagkasuklam para sa mga taong iyon ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila ito para pahirapan ako o sinusubukan lang nila ang pasensya ko. Ano man ang sagot nila ay parehas na hindi nakakatuwa.

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon