/Chapter 14: Maximo/
Matapos ng naging usapan namin ni Aurora ay kinaon na rin ako ni Ligaya para mag-umagahan. Kinabahan pa ako nang hindi man lang natinag na magpalit ng anyo si Aurora lalo pa't hindi naman alam ng nagpatuloy sa akin dito na may kasama akong bata. Pero mukhang hindi naman siya napansin ni Ligaya dahil pagkatapos nitong sabihin na kakain na ay mabilis din siyang umalis nang marinig ang tawag ng ina.
"Hindi ka ba magpapalit ng anyo?" Mahinang tanong ko habang naglalakad kami palabas. Itinaas niya ang kaniyang tingin sa akin bago muling tumingin sa harapan at umiling.
"Walang dahilan para muling magtago bilang espada," sagot niya kaya napakagat ako ng aking labi at napatigil. Nang mapansin niyang tumigil ako sa paglalakad ay tumigil din siya at hinarap ako, nananatiling blanko ang ekspresyon.
"Hindi mo kaya ikapahamak iyon?" Tanong ko na hinihiling ko na sana ay huwag mangyari. She might be a weapon herself but she can't deny the fact that she's still a kid.
Tinitigan lamang niya ako nang ilang segundo kaya nakaramdam ako ng pagkailang, isama pa ang walang buhay niyang reaksyon na nagbibigay ng kaunting kabog sa aking dibdib.
She's hard to read. Hindi ko mawari kung anong iniisip niya sa sinabi ko. Does she felt offended, or what?
"Kaya ko ang sarili ko kaya hindi mo na kailangang mag-alala," aniya dahilan para matahimik ako. If she thinks that she can handle herself despite of being a kid, then who I am to oppose it? Siya ang nakakakilala sa sarili niya kaya ibibigay ko na lamang ang tiwala ko sa kaniya. She is, afterall, a weapon herself.
Tahimik na lang akong tumango sa sinabi niya at hindi na nag-abala pang sagutin ang kaniyang sinabi. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad palabas ng kwarto at tahimik namang sumunod sa akin si Aurora.
Nang makarating sa hapag ay nakita kong hindi pa nagsisimulang kumain ang mag-ina, siguro ay hinihintay pa nila ako, kaya naman agad akong nakaramdam ng hiya dahilan para nakatungo akong lumapit pa sa kanila.
I felt their stares towards me. Nakakabahala rin ang katahimikang bumabalot sa paligid kaya naman unti-unti kong itinaas ang aking paningin only to find out that they were actually staring at the girl behind my back.
Nagtatakang pinalipat-lipat ng mag-ina ang kanilang tingin sa akin at kay Aurora kaya muli kong naramdaman ang hiya. Ngunit nang tumikhim si Sining, ang ina ni Ligaya, ay muli kong ibinalik ang paningin sa kanila upang ipakilala si Aurora. Akmang magsasalita na ako nang biglang umabante si Aurora at naunang magpakilala ng sarili.
"Ang ngalan ko ay Aurora at batid kong kilala mo na ako, Binibining Sining," sabi ni Aurora dahilan para pagtakhan ako. Mukha ring hindi inaasahan ni Sining ang sinabi ni Aurora dahil bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
"K-kilala na ninyo ang isa't isa?" nagtataka kong tanong dahilan para mabaling sa akin ang atensyon ni Sining. Nanatili namang nakatingin si Aurora sa ginang at hindi pinansin ang aking tanong.
Hindi na nagulat pa si Sining sa sinabi ni Aurora at mukhang inaasahan na niya ito. Huminga lamang siya nang malalim bago tumayo at yumuko nang bahagya sa harapan ni Aurora.
"Ikinagagalak kitang makitang muli, Aurora," aniya. Hindi naman nagsalita si Aurora ngunit pansin kong tila nagalak siya nang makita ang ginang. Hindi rin naman iyon nagtagal at napalitan muli ng walang ekspresyon niyang mukha.
Hindi na ako nagtanong pa nang magsimula silang umupo muli sa kani-kanilang upuan. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang maupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Aurora at Ligaya dahil ramdam ko na rin ang gutom.
Akala ko ay magsisimula na kaming kumain nang makaupo kami pero lumipas na ilang minuto ay wala pa ring nagtatangkang kumuha ng pagkain sa hapag. Tiningnan ko si Ligaya at mukha namang normal sa kaniya ito. She also seemed excited dahil ramdam ko ang pag-swing ng paa niya sa ilalim ng lamesa na tila natutuwa.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasiaNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...