/Chapter 17: The Steel Claw Warriors/
Simula nang pasukin namin ang direksyon patungong south ay wala pa naman kaming na-e-encounter na kung anong nilalang, maging ni isang tao.
Tahimik lang kaming tatlo na naglalakad sa medyo magubat na daan. Mula pa kanina pag-pasok namin ay hindi na uli kami nakapag-usap ni Maximo pati na rin ni Lucien. Nasa unahan ito na siyang aming sinusundan ni Maximo sa paglalakad.
Pansin ko rin mula nang pumasok kami ay karamihan sa dinaraanan namin ay puro payat at matataas na puno. Hindi ko na makita ang mga dahon o sanga nito dahil sa sobrang taas nito ay natatakpan na iyon ng tila fog na hindi ko alam kung bakit nasa itaas lamang.
Dahil doon ay natatakpan din nito ang sikat ng araw kaya nagmimistula itong hapon na. And that makes the atmosphere here feel so eerie. There is a feeling that we're being watched, our every move.
The sound of the dry leaves that we're stepping on just added to the creepy feeling. Iyon lamang ang kanina pang bumabasag sa katahimikang namamayani sa pagitan naming tatlo nina Lucien at Maximo.
"Are you sure that this is the right way of going to south?" Tanong ko, bahagyang hinihingal dahil nararamdaman ang unti-unting pagbilis ng aming lakad.
"Yeah, I think."
Hindi niya ako nilingon, bagkus ay napansin ko ang ginagawa niyang pagmamasid sa paligid habang patuloy kaming naglalakad.
Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng kakaiba sa forest na ito. The two men who's with me also knew that there is something off here that is why our pace is getting faster. And I'll be lying if I'd say it doesn't give me a creep.
Patuloy kaming naglalakad nang mas mabilis kaysa unang paglalakad namin nang biglang sumigaw si Lucien.
"Duck!"
Nang dahil sa training na ginawa ko kasama si Maximo ay ramdam ko ang pagiging mabilis ng aking kilos ngunit hindi kagaya ng kilos ng dalawang kasamang lalaki, halatang kulang pa ako sa ensayo. Kung hindi lamang mabilis na naibaba ni Lucien ang aking balikat ay baka isa na akong malamig na bangkay.
But as soon as we ducked ourselves, a blazing boomerang past above our heads before it returned to where it came from.
Dahil doon ay naalerto kaming tatlo kaya naman mabilis akong napahawak sa handle ng aking espada maging si Maximo. Si Lucien naman ay inihanda ang sarili sa pagpapalabas ng kaniyang charm.
I looked around when I heard a sound of something hopping on the branches of the trees. Marami iyon at palipat-lipat na tila maraming nakapalibot sa amin. I could also hear a slashing sound on the wind and some metallic sounds.
"Stay close and alert," rinig kong sabi ni Lucien sa aking likuran. Tumango ako nang bahagya at nagpokus sa galaw ng kung anong nilalang na nasa may itaas, nakatago sa hamog.
Nakaramdam ako ng bahagyang paninigas nang mapansing biglaang tumahimik ang paligid. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko habang iniiikot ko ang aking paningin, pinapakiramdaman ang sunod na gagawin ng nilalang na nasa itaas.
Ilang segundo hanggang sa maging isang minutong naging tahimik ang paligid. Mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko at halos mahigit ko ang aking paghinga nang ilang nag-aapoy na pana ang mabilis na bumubulusok patungo sa kinatatayuan namin.
Mabilis kaming naghiwa-hiwalay nina Maximo at Lucien at nagpagulong-gulong sa lupa upang hindi tamaan ng umaapoy na pana na nagmumula sa itaas. Nakita ko pang may ginawa si Lucien sa apoy na nasa pana kaya nang tumama iyon sa lupa ay wala na ang apoy nito.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...