/Chapter 07: Susceptor/
"So now, you're going to choose from the chosen strong charmers as your susceptors or supporters," the King stated as he advanced from his position. Mas lumapit siya sa amin kaya kitang-kita ko ang otoridad sa mga mata nito.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Napansin ko rin sa gilid ng aking mata ang nakakunot na noo ng aking mga kasama.
'Kung gano'n ay hindi rin nila ito alam,' I thought. Muli namang nabaling ang atensyon ko sa Hari nang dugtungan nito ang sinasabi.
"Your chosen susceptors will be your support all throughout your journey as a wielder. You can combine the power of your weapon and their magic, so, it won't be hard for all of you to face all the challenges as you seek for the gemstones or other things you need for the weaponries," he further verbalized.
Napatango-tango ako sa isip dahil doon at nabaling ang aking paningin sa apat na taong nagtungo sa magkabilang gilid ng hari.
Isa sa mga ito si Jasper at katabi niya sa kanan ng hari ang kaninang lalaki na katabi niya. Nangunot ng bahagya ang aking noo dahil may pagkakahawig ang dalawa, bagay na wala silang dalawa ni Kuya Julian.
The man's face screaming ruthlessness, opposite of Jasper's. There's a sly grin in his handsome face that made me tremble a bit because he seems to be a not-so-good person. I must admit that this man is such a good looking. His towering built and menacing look, excluding his grin, screaming valor. He looked so regal with his clean-cut hair and tiny stubbles on his jaw. He's a bit tan, maybe because of exposure to the sun, but nonetheless, it only added to his handsomeness.
Nagulat ako nang bahagya nang tumingin siya sa akin, nanunudyo ang kaniyang mga mata. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso kaya agad kong iniiwas ang aking paningin sa kaniya at ibinaling sa kaliwang bahagi ng Hari.
Sa kabilang gilid naman ay isang babae at isang lalaki. Ang babae ay may mahabang brown at wavy na buhok. She's wearing a black sports-bra-like with a chestplate in it. Kitang-kita ang flat na tiyan nito at ang maliit na bewang. Ang kaniyang pambabang suot ay tila maliit na itim na short na may nakalawit na parang tela na kulay pula. May parang tuille na nakakabit sa kaniya ngunit imbis na nasa may hita iyon ay nasa mismong gitna, tinatakpan ang gitnang bahagi niya na tila kagaya ng isang bahag. Nagcocompliment sa maputing kulay niya ang kulay pula na may halong bronze na suot niya. But despite wearing red, she looks like an angel wearing a battle suit.
Ang lalaki namang katabi niya ay nakasuot din ng armor suit ngunit walang kahit anong armas. Kagaya ni Xanth ang laki ng kaniyang katawan at siguro ay hindi rin nagkakalayo ang tangkad nila. Medyo may kaitiman ito ngunit kahit gano'n pa man ay masasabing may itsura pa rin ito. Kulot ang kaniyang buhok at sa tingin ko ay mahaba dahil naka-style ito ng dreadlocks.
"Susceptors, kindly introduce yourselves, including your classes," the King ordered with authority. Tumango naman ang babae at nauna ng nagpakilala.
She smiled at us and waved a little. "Hello! I am Alia Prudence Taylor from the Classis Superioris. Twenty-three and a Light Charmer," she introduced cutely before going back to her previous position.
Sunod naman ay ang lalaking katabi nito. "Bronimir David from Media Genus, twenty-four and Earth Charmer," pakilala nito gamit ang buo at malagong na boses. Kagaya ni Alia ay bumalik din siya sa dating pwesto at umuna naman si Jasper.
I saw him smiling at Amethyst, kaya napatingin din ako kay Amethyst ngunit muli kong kinuha ang aking tingin nang irapan ako ng babae.
"Jasper Sage Beauregard, Royalty, twenty-three, and an Air Charmer," pakilala nito sa sarili na naging dahilan ng pangungunot ng aking noo.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...