Chapter 01: Her Life

181 8 1
                                    

/Chapter 01: Her Life/

"And for our last performer... Uno!"

Huminga ako nang malalim nang tawagin na ang pangalan ng aming banda. I breathed in and out to lessen the anxiety I am feeling.

"Relax, Sette. 'Wag kang kabahan," bulong sa akin ng kapwa ko vocalist na si Jasper. I smiled at him before nodding my head.

"Thanks, Jas!" Tinanguan lamang ako nito at lumakad na kami patungo sa stage kung saan kami magpeperform.

We positioned ourselves to our proper places before we start.

"We love you, Jasper!" I heard a group of girls shouted. Napatawa na lang ako sa isip dahil doon at pinilit na inaninag ang mga tao kahit pa silaw na silaw mula sa liwanag na galing sa spotlight.

'Nandito ba sila?' I asked myself as I searched for my parents. Nawala ang atensyon ko sa audience nang magsalitang muli ang host.

"Once again... Uno!" As if on cue, Kuya Julian, older brother of Jasper, started to tap his drumsticks on the drum.

***

The Battle of the Bands went well. We've got the title again this year but I can't be happy about it. Siguro kasi alam kong hindi na naman sila nanood. They're busy with their business, as usual.

"We did great again, Fam! Good job for each of us," Jasper remarked. I smiled a little and congratulate ourselves. May lumapit sa aming ibang grupo at ni-congratulate rin kami. We also said our 'good job' to them before we went out of the backstage.

Nang makalabas ay mas lalo kong naramdaman ang lungkot sa puso nang makita ang mga nag-iintay na fans sa paglabas namin. Their expressions become excited when they finally saw our faces.

Buti pa sila...

Mabilis na may lumapit sa amin na grupo ng mga kababaihan na sa tingin ko ay nasa fifteen to eighteen ang mga edad. May hawak na tarpaulin ang mga ito kung saan naka-print ang mukha ng grupo namin at ang malaking UNO sa baba nito.

"Puwede po ba magpapicture?" Excited na tanong ng isang babae na sa tantya ko ay nasa fifteen ang edad. Ngumiti kami rito at si Jasper na ang sumagot.

"Sige."

Parang kinilig naman ang mga ito bago mabilis na lumapit sa amin. Nakiusap ang isa sa kanila sa isang babae malapit sa kinatatayuan namin na kung pwede nito kaming picture-an. Pumayag naman ang babae kaya mabilis na kaming pumwesto.

"One... Two... Three, smile!"

Nakailang shots pa ito bago tuluyang natapos ang pagpapapicture. Nasundan pa iyon ng iba pang fans hanggang sa napagod na kami kakangiti.

"Let's go," I heard Kuya Julian said. Tiningnan namin ito at nang makita ang naiinis na nitong mukha ay tumango na kami. Sa aming lahat, si Kuya Julian talaga ang mainitin ang ulo at laging seryoso. He has this aura that could make you feel nervous.

Sumakay na kami sa van na pagmamay-ari ng grupo namin at mabilis naman iyong pinaharurot ni Kuya Mackie, ang guitarist ng banda.

I looked at the van's window as I felt the sadness creeping in my system.

Bakit ba umasa pa akong darating sila?

They never showed to any of my competitions before, kaya ano bang pinagkaiba no'n sa ngayon? I really really hate them. Ang palagi na lamang nilang bukambibig ay busy sila sa trabaho.

Huminga ako nang malalim upang pigilan ang nararamdamang panunubig ng aking mga mata. Nakakainis.

Nawala ang atensyon ko sa labas ng bintana nang maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa aking kamay. Nang tingnan ko iyon ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Jasper. Ngumiti rin ako ng pilit sa kaniya at inihilig ang aking ulo sa kaniyang balikat habang nagsisimulang magsitulo ang aking mga luha.

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon