/Chapter 02: Attempt/
Mabilis kong kinuha ang duffel bag sa aking walk-in closet pati na ang maliit na backpack na paglalagyan ko ng mahahalagang gamit. Ipinatong ko iyon sa aking kama at mabilis ang kilos na bumalik muli sa closet at kinuha ang aking mga damit.
Sinusubukan kong huwag manginig ang aking mga kamay ngunit kahit hawakan ko ito upang matigil ay hindi pa rin mabawasan ang panginginig nito.
"Damn this hands," I cursed and pinched it. Nawala ng bahagya ang panginginig nito kaya hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ang paglalagay ng aking gamit sa bag, hindi na nag-abala pang ayusin ang lagay nito.
Nang matapos sa paglalagay ng gamit ay agad kong sinarhan ang duffel bag at ang backpack naman na dadalhin ang pinagtuunan ng pansin. Inilagay ko ang wallet, ID's, charger and other necessities na kakailanganin ko. Agad ko rin naman iyong sinarhan at isinukbit sa balikat kasama ang duffel bag.
Akmang lalapit na ako sa may pintuan nang biglang may kumatok doon. Agad na tinubuan ng kaba ang aking dibdib at mabilis na tinanong kung sino iyon.
"Who's that? You're disturbing my rest," I lied. Walang sumagot ng ilang segundo ngunit nang sagutin niya ako ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Isang maid!
"Ma'am Cosette, itatanong ko lang po kung ano pong gagawin ko sa n-nabasag na... na trophy?" Kinakabahang tanong niya. Napakuyom ako ng aking kamay habang dinadama ang unti-unti na namang umuusbong na galit sa dibdib ko para sa mga magulang ko. Damn them!
"Itapon mo na," tiim-bagang na sagot ko.
"S-sige po, Ma'am," sagot nito bago ko narinig ang kaluskos. Bumaba na ata ng hagdan.
Nag-intay muna ako ng ilang minuto bago ko binuksan ang pinto ng aking kwarto. Sumalubong sa akin ang dim at tahimik na paligid.
'Tulugan na ata sila,' I thought.
Magagaan ang paa na naglakad ako pababa ng hagdan. Nang nasa panghuling baitang na ako ay nakarinig ako nang pagbukas ng pinto mula sa taas na nahihinuha kong galing sa study room. Napakagat ako ng aking labi bago mabilis ngunit maingat na nagtago sa may likuran ng sofa, kung saan hindi ako makikita.
Nakarinig ako ng yabag mula sa hagdanan na tila pababa ito. Nangunot ang noo ko nang mapansin ang isang yabag na tila hinahabol ang nauuna. Sumilip ako nang kaunti mula sa pinagtataguan ko at nakita ko roon si Dad na nauuna at tila humahabol na si Mom.
"Arthur, she's turning twenty this April 12! Alam nating dalawa kung ano ang maaaring mangyari sa oras na tumuntong siya sa edad na iyon!" Mahina ngunit mariing sabi ni Mom. Mabilis na kumunot ang aking noo dahil sa narinig.
'Ako ang pinag-uusapan nila. What's wrong in turning twenty?' Tanong ko sa isip na tanging sila lamang ang makakasagot.
"Then, we'll lock her down on her birthday. End of discussion," malamig na sagot ni Dad na mabilis na nagpaawang ng aking mga labi. Pinigilan ko ang sarili kong huwag lumabas sa pinagtataguan upang komprontahin sila.
Hindi ako papayag! Anong akala nila sa'kin, bata? They can't always decide everything in my life! Hindi na nga nila ako binibigyang halaga tapos ganito pa ang gagawin nila sa akin? Ikukulong kung kailang kaarawan ko? This is absurd!
Ngayon ko naisip na tama pala ang naging desisyon ko na umalis dito ngayon na, habang hindi pa nila naiisipang i-lock ako sa kwarto. Dalawang araw mula ngayon ang kaarawan ko, kaya kinakailangan kong magpakalayo-layo rito.
Nang pumasok silang dalawa sa kusina ay maingat akong lumabas ng aking pinagtataguan at dahan-dahang binuksan ang pinto ng bahay. Nang mabuksan ang pinto nang may tamang laki ay mabilis na akong lumabas. Kagat-labi kong sinarhan ang pinto at napahinga nang malalim nang magtagumpay ako.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...