Chapter 12: Mystery

43 3 1
                                    

/Chapter 12: Mystery/

Mabilis na dinala ng ilang kalalakihan ang mga matatandang nawalan ng malay upang papagpahingahin. Kahit naguguluhan ay pinili kong manahimik na lang dahil hindi naman ako taga-rito, at lalong sa tingin ko ay hindi ako magtatagal sa lugar na ito.

Napatingin ako sa matandang kutsero nang bumuntong hininga ito habang nakatingin sa mga nahimatay. Umiling-iling pa ito na tila nadidismaya, bago siya dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan at akmang kukuhanin ang aking gamit.

Sa gulat ko ay mabilis akong naglakad patungo roon at inunahan na ang matanda sa gagawing pagkuha ng maleta. Gulat ang kaniyang mukha nang mailapag ko ang kulay puting kahon sa maalikabok na lupa bago mukhang nasasaktan na tumingin sa akin.

"Hindi ko naman nanakawin iyan, ineng," aniya dahilan upang manlaki ang aking mata. Mabilis akong umiling-iling sa kaniya at yumuko upang humingi ng paumanhin dahil sa mis-interpretation nito.

"Hindi po sa gano'n. You're already old and I can handle my baggage," magalang na sabi ko habang patuloy pa ring nakayuko.

Ilang sandali pa ay wala akong narinig na sagot mula rito kaya nagdesisyon akong tingnan ang kausap. Nang makita ang nakakunot na noo nito at nagtatakang mukha ay mabilis ko iyong nakuha. Paniguradong hindi rin sila nakakaintindi ng Ingles!

"I mean—ang ibig ko pong sabihin ay masyado na kayong matanda para dalhin pa ang gamit ko samantalang kaya ko naman," ulit ko sa sinabi kanina. Nahihirapan akong makipag-usap ng purong tagalog lalo pa't nasanay ako sa pinagsasamang Tagalog at Ingles na lengguwahe. Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili kong makipag-usap sa kanila ng tagalog.

Mukha namang naintindihan nito ang sinabi ko at tumango na lamang bago muling dahan-dahan na sumakay sa kaniyang kalesa at marahan itong pinaandar. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng nayon habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong kalesa na mukhang papunta na sa kwadra para mapagpahinga ang kabayo.

Napabuntong hininga na lamang ako at itinaas ang hawakan ng maleta para hilahin ito at hindi ako mahirapan sa pagbubuhat. Ramdam ko ang titig ng ilang mga mamamayan ng nayon ng Armacost habang naglalakad ako sa hindi tiyak na daanan.

Hindi ko alam kung may makikita ba ako ritong inn na puwede kong tuluyan. Mukhang ang lugar na ito ay para lamang talaga sa mga mamamayang ito, at walang lugar ang mga katulad kong dayo.

Nang makakita ng isang nasa early forties na babae na nakaupo sa may harapan ng kaniyang bahay ay mabilis ko itong nilapitan upang magtanong. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay tahimik itong tumayo at dumiretso sa loob ng kanilang bahay, iniwan akong napapahiya.

Nakarinig ako ng ilang hagikhikan sa may likuran ko at nang tingnan ko iyon ay napansin ko ang tatlong kababaihan na mukhang mas matanda lamang sa akin ng ilang taon. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkadisgusto sa akin nang tingnan ko sila.

Ang dalawa sa kanila ay morena at ang isa ay ang siyang maputi na nasa gitna. Mas mukha itong mataray kumpara sa dalawa kaya nahihinuha kong ito ang tumatayong leader ng kanilang grupo.

Bagamat malayo sa bayan ay pansin na pansin ang pagkakinis ng tatlo lalo na ang pagkakaroon ng itsura. Sa unang tingin ay hindi aakalaing taga-rito sila dahil sa ayos ng kanilang pananamit. Kung ang ibang taga-rito ay paldang hanggang sakong na kulay vintage at kamiseta ang suot, ang sa kanila naman ay mga bestida na hindi lalampas ng two inches mula sa tuhod ang haba. Long sleeves ang istilo nito at makikita ang pagka-classy nito.

"Anong itinitingin-tingin mo?" Mataray na tanong ng nasa gitna. Tinitigan ko lamang siya nang ilang sandali bago naiiling na muling hinila ang puting kahon at naglakad para magtanong.

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon