Chapter 19: Prophecy

20 1 4
                                    

Chapter 19: Prophecy

"Lonely souls,
fancy the light.
The moon above
shed tears from wrath.
The offspring of love,
a warrior of the brand.
Here comes the chaos,
beget by dark hues.

A breath of hope,
and lies untold.
A pact for connection
unchained the union.
Leaving behind
traces of new life.
As anchored by fate,
a vow was made."

Para akong kinukuhanan ng hininga nang matapos kong basahin nang malakas ang sulat na nakaimprinta sa tabletang bato. Gumapang ang lamig sa aking buong katawan sa hindi ko malamang dahilan. Napaatras ako ng isa nang sandali akong mawalan ng balanse ngunit agad akong naalalayan ni Maximo na malapit sa kinatatayuan ko kaya hindi ako tuluyang natumba.

"Are you okay?"

I tap his arms and smiled. "I'm fine. I just lost my balance."

Mukhang hindi siya satisfied sa naging sagot ko pero hindi na siya nakipag-debate pa at inalalayan na lang akong maka-ayos ng tayo. Tumingin ako kay Mincy na mukhang may malalim na iniisip dahil nakatitig lang ito sa stone tablet.

"Mincy?" 

Hindi siya sumagot sa tawag ko kaya umayos ako ng tayo at naglakad patungo sa kinatatayuan niya.

Inulit ko ang tawag. "Mincy?"

Mukhang saka lang siya natauhan nang hawakan ko ang kaniyang balikat dahil mabilis siyang napalundag palayo sa akin, alerto sa sana'y gagawin niyang pag-atake.

"B-bakit?" 

Gumalaw ang gitla sa aking noo pati ang aking kilay dahil sa inakto niya. She must have realized her position kaya ibinaba niya ang nakataas na steel claws na nasa kaniyang kamay at sandaling inayos ang kaniyang postura.

"Ayos ka lang?" I asked.

Napatitig siya sa akin dahil sa tanong ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil doon isama pa ang seryoso niyang tingin. Lumingon ako kina Maximo at nagkibit-balikat lang ang mga ito. Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago siya napahinga nang malalim.

"Sa totoo lang ay hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga salitang binasa mo. Pero ang stone tablet na ito ay sinasabing naglalaman ng propesiya ng hinaharap noong bago pa lamang ito nagawa," aniya na siyang nakakuha ng aking interes.

I squinted my eyes. "A prophecy?"

Tumango si Mincy at lumapit sa bato. With the use of her steel claws, she trace some of the ancient writing inscribed in the tablet. 

Naramdaman kong muli ang force na naramdaman ko kanina at mula sa loob ng bato ay unti-unting lumabas ang aking weapon. Ngunit imbes na espada ang lumabas ay ang pagiray-giray kung lumakad na si Aurora ang aming nakita.

Nagulat ako sa itsura nito kaya mabilis akong lumapit sa direksyon niya bago pa man siya matumba. Agad din naman akong napadaing nang maramdaman ang kaniyang temperatura.

Sa una ay malamig ito at pagkakaraan ng ilang segundo ay unti-unting umiinit, at muling babalik sa pagiging malamig. It happens with an interval of 5 seconds or so.

Nang mapansin ni Mincy ang aking reaksyon ay lumapit siya at sinalat ang braso ni Aurora. Kita ko ang pagguhit ng sakit sa kaniyang mukha na tila sobra siyang napaso nang hawakan ito.

Subalit hindi lang iyon ang ginawa niya. Inalis niya ang robang nakabalot sa kaniya kaya lumantad sa amin ang kaniyang itim na itim at kumikintab na balahibo. Pagkatapos ay ibinalot niya kay Aurora ang robe at tinulungan akong buhatin ito para ihiga sa isang mahabang upuan na nasa loob ng library. 

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon