/Chapter 09: Different Treatment/
Kinabukasan, maaga akong nagising at naghanda para makapaglibot-libot ako sa palasyo.
I wore a simple white v-neck shirt and black fitted pants and paired it with black leather ankle boots. I also blow-dried my hair and pony tailed it. I put light make up to give color to my pale face.
Nang matapos sa pag-aayos ay napahinga ako nang malalim nang kusang mapunta sa may bewang ko ang espada. Para itong may sariling isip dahil alam nito kung kailan aalis at mapupunta sa may bewang ko.
Hindi ko na lang ito pinansin pa at lumabas na ng kwarto, sakto naman na mukhang may kakatok na maid sa pinto.
Nagulat ito nang makitang nakatayo na ako sa harapan niya kaya napatawa ako nang bahagya.
"M-Miss, b-breakfast is ready," nauutal na sabi nito habang nakatungo. I smiled a little kahit pa hindi naman niya kita iyon.
"Thank you. You may go," sagot ko na agad naman niyang sinunod pagkatapos mag-bow sa akin nang kaunti.
Lumakad na ako at sinundan ang maid na halos liparin na ang daan sa sobrang bilis ng paglalakad. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o hindi dahil mukha itong takot na takot.
Hindi ko na lamang ito pinansin at inilibot na lang ang paningin habang naglalakad patungo sa dining hall.
Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng excitement sa dibdib dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Dati-rati, pangarap ko lang na magkaroon ng thrill ang buhay ko, ngayon ay isa na ako sa taga-pagligtas ng mundong ito.
Dapat ko sigurong pasalamatan ngayon ang mga magulang ko dahil kung hindi sila naging gano'n sa akin ay hindi ko maiisipang maglayas at mapunta rito.
'For the first time, they did something great,' nakangiting sabi ko sa isip.
Nawala ang atensyon ko sa paglilibot ng tingin nang makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Napatingin ako sa taong may gawa no'n at napangiti ako nang makitang si Jasper ito. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong gray na shirt at black jeans na pinaresan ng boots.
"Hi, Jas!" Bati ko rito kaya napatingin siya sa akin. Mukhang ngangayon lamang niya ako napansin kaya mukhang nagulat siya sa pagtawag ko.
Ngunit kalaunan ay naging seryoso ang mukha niya at tiningnan ako nang diretso sa mata. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Nakakailang ang mga tingin niya at tila may kasamang galit iyon.
"We're not on your world, Miss Marfori. Even you are one of the wielders in our world, you must also remember that I am a Prince and respect is a must. I hope you don't mind," he said, seriousness is evident in his voice.
Tuluyang nawala ang ngiti sa mukha ko. Nawalan ako ng sasabihin at tila natuod ako sa aking kinatatayuan.
Makaraan ang ilang segundo ay nakabawi rin ako kaya napapahiya akong tumungo bago dahan-dahang tumango. "I... I d-don't mind, P-Prince Jasper." Nanginig ang boses ko dahil sa pagpigil sa sariling maiyak. I felt a lump in my throat. Pinilit ko ang sariling lumunok para hindi tuluyang bumigay ang aking mga luha.
Hindi na niya ako sinagot at agad ng umalis sa harapan ko. Narinig ko pa ang pagtawag ni Amethyst sa kaniya sa mismong pangalan niya at mas lalo kong gustong umiyak nang hindi man lamang niya iyon sinita.
Kusang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha nang tuluyang makalayo ng dalawa. Kahit anong punas ko sa mga luha ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo nito na tila may sariling buhay.
Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n si Jasper. Bakit parang galit siya sa akin? Wala naman akong natatandaang ginawa ko sa kaniya na masama. Naging mabuti naman akong kaibigan sa kaniya, kaya bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin?
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...