/Chapter 10: Accusation/
I was crying the whole day. Hindi na ako lumabas ng kwarto nang tumakbo ako papunta rito mula sa treehouse kung saan ko nakausap si Marshall. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin tuluyang pumapasok sa isip ko ang sinabi nito. At hindi ko rin lubos na akalain na kagaya ni Jasper ay nagsinungaling din siya sa katauhan niya. I already expected na gano'n din si Kuya Mackie. And I don't know why they choose to hide their true identity, atleast their true names.
Pakiramdam ko ay hindi ako nararapat para rito sa kaharian. They have their own world and I could feel that I'm not belong to them. Ramdam na ramdam ko sa mga ikinikilos nila na hindi nila ako gusto. Even the King seems unpleased of my presence. Parang may galit silang itinatago para sa akin, and it's making me feel sick. Hanggang dito ay nadadala ko ang kamalasan ko sa pagkakaroon ng maayos na buhay.
Fuck this unfair world.
Tulala akong nakatingin sa mataas na kisame ng kwarto habang tila blanko ang utak. I could feel the numbness of my heart. Ilang minuto na rin akong tumigil sa pag-iyak dahil wala ng tumutulong luha. It really hurts, ang maniwala nang sobra. Ang magtiwala nang lubos sa mga taong malalapit sa'yo. What made my heart break the most is that I fought for them in my parents. Ipinaglaban ko nang matagal sa mga magulang ko tungkol sa pagbabanda ko kasama sila.
They became my second family. They are the only friends I recognized. Sa loob ng halos magta-tatlong taon na kasama ko sila, akala ko kilala ko na sila, especially Jasper. Pero mukhang pinaglaruan lang nila ako. And they succeed. They fucking do.
Walang buhay kong tiningnan ang pinto nang may kumatok doon. Mukhang kanina pa ang tao'ng iyon na kumakatok at ngayon ko lamang iyon narinig dahil hulog na hulog ako sa bangin ng isipan ko. Pero kahit mukhang inip na sa pagkatok ang kung sino mang kumakatok sa pinto ng kwarto ko ay hindi ko pa rin naiisipang pagbuksan ito. Everything outside this room makes me feel sick. Their lies, anger, and hatred towards me is so unreasonable. Maiintindihan ko sana kung may nagawa akong masama sa kanila pero alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan sa kanila. Ang daya nila...
Napansin kong wala ng kumakatok sa pinto kaya naman napahinga ako nang malalim at bumangon mula sa pagkakahiga. Akmang tatayo na ako mula sa kama nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Lucien na may madilim na ekspresyon. Mabilis ang lakad niya patungo sa kinatatayuan ko at napansin ko pa ang kinakabahang mukha ng isang maid na nasa may labas ng pinto ng aking kwarto na nakabukas.
Nakaramdam ako ng bahagyang kaba sa aking dibdib ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Nakasunod ang tingin ko kay Lucien na malalaki ang hakbang na ginagawa patungo sa may kama. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay tumingala ako para salubungin ang kaniyang mariin na titig.
"Did you really do it? Did you steal it?" Seryosong sabi niya dahilan para mangunot ang noo ko sa pagtataka. Nawala na sa isip ko ang sakit na nararamdaman at tuluyan ng napalitan ng pagtataka ang aking bagong iyak na mukha.
"Huh?" I asked, baffled because of his question. Tumingala siya bago inis na sinabunutan ang sarili kaya mas lalong binalot ng pagtataka ang aking sistema.
Ano bang nangyayari sa kaniya at ganito na lamang siya kung umasta? Hindi ko rin maintindihan kung ano ang sinasabi niyang ninakaw ko.
Natigilan si Lucien sa ginagawang pagsabunot sa sarili nang makarinig kami ng mga yabag na tila patungo sa kwarto ko. Sabay kaming napatingin sa may pinto nang biglang pumasok ang hari na kagaya ni Lucien kanina ay may madilim na ekspresyon. Kasunod niya ay ang iba pang wielders kasama si Marshall at Kuya Mackie.
Nahagip pa ng mata ko ang nakangising si Amethyst bago niya ako taasan ng kilay. Hindi ko na lamang pinansin ang ginawa niya at tumingin sa hari na ngayon ay tila galit na nakatingin sa akin. Tatayo na sana ako upang magbigay-galang sa mga dumating ngunit nagulat na lang ako nang biglang hinablot ni Lucien ang aking kamay at saka ako inilagay sa kaniyang likuran.
BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...