Chapter 08: Anonymous Giver

65 5 1
                                    

/Chapter 08: Anonymous Giver/

Matapos ng nangyaring kaganapan sa tanggapan ay inihatid na rin kami ng mga maids sa aming mga kwarto.

Masasabi kong pinaghandaan talaga nila ang pagdating namin dahil nakakamangha naman talaga ang mga kwartong ibinigay nila para sa amin. Hindi ko man nakikita ang kwarto ng iba dahil magkakaiba kami, sa tingin ko ay maganda rin iyon.

Kulay puti ang buong kwarto na may touch ng kulay kape kaya nagmukhang elegante ang buong lugar. Kulay puti ang sahig na gawa sa marble floor at mataas ang kisame na may nakasabit na isang malaking chandelier. Ang kama ay nakasagad sa may dingding at nasa gitna, mayroon ding lampshades sa magkabilang gilid.

Sa left corner ay may study table na katabi ng isang book shelves na may mangilan-ngila na mga libro. Sa right corner naman ay may pinto na sa tingin ko ay cr. Mayroong malaking salamin na nasa may tabi nito na siyang pinuntahan ko.

Kitang-kita sa malaking salamin ang kabuuan ng kwarto, pati na ang aking kabuuan.

Napakagat ako ng aking ibabang labi nang makita ang sarili sa salamin. Mukha akong batang paslit dahil sa aking itsura.

Kahit pinagpagan ko kanina ang aking suot ay may naiwan pa ring dumi roon. Ang aking buhok ay halatang kulang sa suklay dahil bahagya iyong magulo. Maputla rin ang aking may kakapalang labi na mukhang nakikipaglaban sa kulay ng balat ko. I pinched my pointed nose upang magkakulay naman iyon. At sa huli ay inayos ko gamit ng aking daliri ang aking may kakapalang kilay na tila laging tini-trim dahil sa ganda ng shape nito.

Ngumiti ako nang ma-satisfy sa pagtingin sa sarili bago hinawakan ang repleksyon sa salamin. Ngunit nagulat na lang ako nang biglang sumiwang ng kaunti ang salamin dahil sa force na nailagay ko rito nang hawakan ko ito.

Nangunot ang noo ko at itinulak pa iyon nang mas may pwersa kaya lumaki ang bukas ng salamin at tumambad sa akin ang maliwanag at maaliwalas na walk-in closet na punong-puno ng iba't ibang damit mula sa dresses, pantulog, pang-normal day at pang-combat.

Tiningnan ko muna ang salamin at saka napagtantong isa itong revolving mirror. Ang likuran nito ay punong-puno ng iba't ibang pang-paa tulad ng iba't-ibang klase ng heels, boots, tsinelas at flats.

Nilibot ko ang buong walk-in closet at katabi ng lagayan ng damit ay ang medyo maliit na cabinet na pinaglalagyan ng mga pabango. Kumuha ako ng isa at in-spray iyon sa aking wrist. Pinatuyo ko muna ito bago inamoy, at nang punuuin ng medyo matamis na amoy ang aking ilong ay napangiti ako. Ganitong amoy pa naman sa pabango ang gustong-gusto ko.

Ibinalik ko na muli sa cabinet ang kinuha ko bago binuksan ang drawers na nasa baba ng mga naka-hanger na damit. Napatango-tango ako nang makitang puro underwears iyon na may iba't-ibang sizes, siguro ay para may pagpipiliin kami though my breasts are not that big. It's only size 34 but they are in cup C, so, I'm not flat.

Mabilis kong sinarhan ang cabinet nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit lumabas din naman ako ng walk-in closet at isinara ito bago nag-dire-diretso ng lakad patungo sa pinto.

Bahagyang nanlaki ang aking mata nang bumungad sa akin ang isang three-layered cake na kulay pink na may designs ng kulay baby blue at hawak-hawak ito sa isang maid. Katabi nito ay dalawa pang maid at ang isa ay may hawak na tray na may nakalagay na platito, baso, kutsilyo, kutsara at tinidor at nakatuping table napkin. Samantalang ang isa naman ay may hawak ding tray na may laman na isang pitsel ng tubig at pitsel ng isang tila juice na kulay asul.

Kahit nagtataka ay pinapasok ko rin sila sa loob dahil halatang mabibigat ang dala nila lalo na ng isang maid na may hawak ng cake. Inilapag nila ang lahat ng dala nila sa center table na malapit sa paanan ng kama ko.

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon