Chapter 06: Wielders

79 4 0
                                    

/Chapter 06: Wielders/

Nang makarating kami sa palasyo ay agad na bumaba ang nasa aking unahan at mabilis akong inalalayan sa pagbaba. Tipid ko naman itong binigyan ng ngiti na sinagot lamang niya ng isang tango at agad ng tumalikod upang sundan ko siya.

Sumunod naman ako sa kaniya at naglakad na kami papasok sa palasyo. Inilibot ko ang tingin sa buong lugar at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa rangya nito. Naglalaban sa pula, asul at ginto ang kulay ng buong lugar. Pagpasok ay bubungad agad sa iyo ang malalaking bintana na natatabunan ng makakapal na kurtina. May mga nakalawit din na tila flags na may nakatatak na apat na tila sandata. Kung hindi ako nagkakamali ay ang apat na iyon ay shield, sword, archery and spear.

Nagtaka ako kung para saan iyon ngunit hindi ko na lamang pinansin. Kapansin-pansin din ang maliwanag na chandeliers na nakasabit sa mataas na kisame. Malalaki ang agwat nito sa isa't isa ngunit hindi iyon hadlang upang bigyan ng liwanag ang buong paligid.

Ang sahig naman ay gawa sa marmol na kulay ginto at mayroong nakalatag na red carpet dito na siyang aming nilalakaran.

Nawala ang atensyon ko sa paglilibot ng tingin sa palasyo nang tumigil sa paglalakad ang kasama kong kawal sa harap ng isang malaking double door na kulay kape. Napatigil na rin ako at naghintay ng kaniyang gagawin. Tumikhim muna ito bago niya unti-unting binuksan ang pinto, subalit sandali akong nanigas sa aking kinatatayuan nang makitang may ilang tao roon na ngayon ay nakatingin sa amin, lalong-lalo na sa akin.

Nabalik ako sa wisyo nang magsimulang maglakad ang kawal palapit sa mga taong nasa loob. Nagsimulang magtatambol ang puso ko dahil sa nararamdamang kaba, kaya naman huminga ako nang malalim upang makalma ang aking sarili bago ko sinundan ang kawal.

Tiningnan ko ang nasa baba ng hindi kataasang platform at napansin ko agad ang sandata na nasa kanila.

Hawak ng isang babaeng may mahaba at wavy na kulay violet na buhok at amethyst na mata ang isang pang-archery. Maputi ito at makinis ang balat. Nakakainggit ang mahahaba nitong binti na nagiging dahilan kung bakit ito nagmumukhang isang modelo. Matangos ang ilong nito at manipis ang mapupulang labi. Mabilis kong iniiwas ang paningin rito nang taasan niya ako ng kaniyang medyo makapal at may perpektong kurba na kilay.

Napatingin naman ako sa lalaking may kulay pulang buhok na hanggang balikat at ocean blue na kulay ng mata. Nasa likuran niya ang isang spear na sa tingin ko ay sobrang tilos dahil kumikintab ang talim nito. Matangkad ang lalaki at maputi. Katamtaman ang laki ng kaniyang katawan na bumagay naman sa kaniya. He has thick brows, pointed nose and full lips.

Inalis ko naman ang tingin sa kaniya at ang tiningnan naman ay ang panghuling lalaki.

Matangkad din ito ngunit mas maliit kumpara sa nauna. Kulay abo ang malagong buhok nito at kulay baby blue ang mata. Katamtaman ang kulay niya, hindi kakapalan ang kilay, matangos rin ang ilong, manipis ang itaas na labi at medyo makapal naman ang sa ibaba. Hindi sobrang payat at hindi rin gano'n kataba, tama lamang para sa kaniya. Dumako ang tingin ko sa kaliwang kamay niya na mayroong nakakabit na shield.

Napansin kong lahat ng sandatang hawak nila ay may butas din na kagaya ng akin. Sa tingin ko ay may kailangang ilagay roon.

"Ehem."

Nawala ang atensyon ko sa tatlong tinitingnan at napunta sa lalaking tumikhim na nakaupo sa trono sa may platform na sa tingin ko ay hari, base na rin sa koronang nasa ulo niya. He looks like on his mid fifties based on the wrinkles on the side of his eyes and on his forehead.

Sa kanan niya ay may nakatayong dalawang lalaki gayundin sa kaliwa. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pamilyar na mukha ng tatlong nakatayo. Walang iba kung hindi si Kuya Julian, Kuya Mackie at Jasper.

Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon