/Chapter 13: Aurora The Legendary Weapon/
Agad kong naikunot ang aking noo nang maalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I moaned gently as I switched my position to a more comfortable one, pero mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo nang maramdamang tila may nakadagan sa aking tiyan.
Nakapikit ko iyong kinapa-kapa para mapakiramdaman kung ano ang bagay na iyon. Hindi naman maaaring ang espada iyon dahil kusa itong umaalis sa katawan ko sa tuwing matutulog ako.
Nang mahawakan ko ito ay natigilan ako nang maramdaman kong malambot-lambot at pahaba na tila kamay ng sa isang bata. Para makasigurado ay kinapa ko pa ang kabuuan nito at doon ko nasiguradong kamay nga ito. Pero kanino?
Hindi ko pa rin iminumulat ang aking mata habang iniisip na baka si Ligaya ang may-ari ng kamay na ito dahil siya lamang naman ang alam kong bata na kasama namin sa loob ng bahay. Unti-unting kumalma ang sistema ko habang muling nararamdaman ang paghila ng antok sa akin. Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog ay narinig ko ang boses ni Ligaya na tinatawag ang pangalan ng kaniyang ina at nagmumula iyon sa labas ng kwartong tinutuluyan ko!
Mabilis kong iminulat ang aking mata at agad na bumangon. Tuluyan nang nawala ang antok na nararamdaman ko kanina habang tahip-tahip ang kabang nararamdaman ko sa dibdib nang tingnan ang may-ari ng kamay na iyon. At doon ay nakita ko ang isang batang babae na sa tingin ko ay kasing edad lamang ni Ligaya na payapang natutulog sa higaang kahoy.
Mayroon siyang golden yellow na buhok, maliit at matangos na ilong, manipis na mga labi, at porselanang balat. Suot din niya ang isang dark red na bestida na lampas isang pulgada ang haba mula sa tuhod kaya litaw na litaw ang pagkaputi niya.
Nawala ang atensyon ko sa pagtingin sa bata nang bahagya siyang gumalaw at kumunot ang noo. She also crinkled her nose na tila naalimpungatan siya sa maayos na pagtulog.
She slowly opened her eyes until she met my gaze. Natigilan ako nang makita ang kulay amber at wine red na kulay ng mata niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng muling pagbalot ng takot sa sistema ko. Pakiramdam ko ay binabasa ng mga mata niya ang kaluluwa ko. I felt intimidated. Isama pa ang tila walang buhay ng kaniyang mata. It was cold... and emotionless. Parang may kulang...
"Ikaw ba ang amo ko?"
Mas lalo akong natuod sa kinatatayuan nang magsalita siya. Hindi ko na naisip ang tanong niya dahil tuluyan nang nilukob ng takot ang aking puso. Ilang salita lang iyon pero pakiramdam ko ay napaka-makapangyarihan. Her voice was low, cold, and intimidating. Ang mukhang payapa at inosenteng mukha niya kanina habang natutulog ay napalitan ng isang malakas na aura. Nakakatakot.
"H-huh?" I asked, couldn't find the right words to say. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso at ramdam na ramdam ko iyon sa buong katawan ko.
Mas lalo akong kinabahan nang bumangon siya mula sa pagkakahiga at tumayo mula sa higaang kahoy. Inilibot niya ang paningin sa buong kwarto bago tumingin sa dingding na gawa sa pawid na tila may pinagmamasdan. Tahimik akong nagmamasid sa ginagawa niya kaya naman rinig na rinig sa kinatatayuan namin ang boses ng mga nasa labas, lalong-lalo na ng boses ng mga bata na mukhang naglalaro.
"Hic ego iterum in hoc mundo (I am here again at this world)," rinig kong sabi niya habang nakatingin pa rin sa may dingding. Nagdikit ang dalawang kilay ko dahil hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi. Sa tingin ko ay nakakaintindi siya ng ibang lengguwahe bukod sa tagalog.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago humarap sa direksyon ko. Seryoso ang kaniyang mukha na nagbibigay kilabot sa akin. Para sa isang batang kagaya niya, mukha siyang matanda na kung mag-isip.

BINABASA MO ANG
Lost in the Kingdom of Gaoul (ON-GOING)
FantasyNever in her entire life did she feel needed nor appreciated. That is why when Cosette Skye Marfori lost in another realm that differs from the world she grew up in, despite the challenges, she chose to stay and wander the world where almost everyth...