Glezer's Point of View
Gabi na at naisipan na naming matulog kaso lang ay nagtatalo pa rin kami hanggang ngayon kung sino ang matutulog sa lapag o sa may kama niya.
“Isang dekada ako mahigit na natulog sa ibabaw ng puntod ko tapos ngayon sasabihin mo na hindi ako sanay sa matigas na lapag? Duhh!” pagdedepensa ko. Ayoko kasing matulog sa kama niya dahil nakakahiya. Siya na nga ang tumulong sa akin makalabas ng sementeryo tapos ngayon ay iniisip niya pa rin ang ikakaginhawa ko. Sobrang laki na ng utang na loob ko sa kanya.
“Yun na nga eh mahigit isang dekada ka na natutulog sa matigas at malamig na ibabaw ng puntod mo, baka nga hindi mo pa naaalala kung paano pakiramdam kung nakahiga ka na sa kama. Ngayon ka na nga lang makaka-experience ng malambot at komportableng kama sa pagtulog ay di ko na hahayaang ipagkait pa sa'yo.” pagpupumilit niya sa akin.
“Oh sige na nga.” napipilitang sagot ko at nahiga na sa kama para matulog. Si Lanz naman ay naglatag na ng sapin niya sa hihigaan niya sa lapag.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Lanz para bumalik na ng Maynila. Bukas na kasi ang college entrance examination niya kaya kailangan na naming umuwi ngayon.
Kasalukuyan siya ngayong nagpapaalam sa Mommy niya at ilang minuto na rin silang nag-uusap.
Minsan nakakaramdam ako ng hilo pero di ko nalang pinakakita kay Lanz. Kinupkop niya na nga ako tapos magpapabigat pa ako sa kanya. Siguro ay nahihilo nalang ako bigla dahil hindi ako sanay sa temperatura dito sa labas ng sementeryo.
Nang matapos na mag-usap si Lanz at Mommy niya ay niyaya niya na akong lumabas para sumakay na kami sa kotse niya ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
“Lanz, pare ko!” rinig naming tawag sa kanya mula sa likuran namin kaya naudlot ang pagsakay namin ng kotse. “Long time no see pare!” may lumapit sa aming isang mistisong medyo chubby na lalaki at nakipag-bro-sign pa kay Lanz at tsaka naghigh-five.
“Bhrent!! Pare! Kumusta na?” masiglang sigaw ni Lanz sa tropa niya.
Nagulantang ako sa pangalang narinig ko. Parang narinig ko na siya dati pero hindi ko lang matandaan. Magaan ang loob ko sa kanya pero kagaya ng bahay nila Lanz dito sa Bataan ay parang may mali, parang may nakakubli. Tama lahat ang nakikita ko pero parang ang gulo. Tinitigan ko pa silang dalawa habang nag-uusap.
“Okay lang, eto nga nakakuha ako ng college scholarship sa Maynila kaso wala naman akong pamasahe para makapunta sa tiyuhin ko.” malungkot na sabi ni Bhrent.
“Ano tara pre sabay ka na sakin ngayon. Ngayon din balik ko ng Maynila.” pag-aaya ni Lanz.
“Talaga ba pre? Wait lang impake lang ako. Sayang din 'tong opportunity na libre pamasahe hahahaha!” tinapik pa ni Bhrent ang balikat ni Lanz at tsaka kumaripas ng takbo.
Pagkaalis ni Bhrent ay naghintay na kami sa loob ng kotse. Nag-cellphone si Lanz ng bigla ko siyang kalabitin.
“Lanz? Hindi kaya kapahamakan ang maidulot ko kapag sinama mo ngayon ang kaibigan mo? Paano kung aksidenteng mahawakan ko siya at tumalab ang potensyal ko? Paano kung mamatay siya habang nasa byahe?” sunod sunod na tanong ko kaya napakunot siya ng noo na tumingin sa akin.
“Mukhang hindi naman, kung tumatalab ang potensyal mo ay umpisa palang ay nasira mo na lahat ng nandito sa bahay. Maging itong kotseng sinasakyan natin ngayon ay nasira na.” pagkukumbinsi niya sa akin. Tumango tango nalang ako sa sinabi niya at tumingin nalang sa bintana ng kotse.
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomanceGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...