05

30 9 3
                                    

Lanz Point of View

Nandito na kami ni Glezer sa tapat ng bahay namin ni Mommy noon na tanging nakuha lang namin sa mana ni Papa.

Galit ako sa papa ko dahil sa kademonyohang ginawa niya noong bata palang ako. Hindi ko lubos maisip na ipapakita niya sa akin ang kawalang hiyang ginawa niya sa harapan ko pa mismo. Matagal ko na siyang winaglit sa aking isipan pero kapag napapanaginipan ko ito ay bumabalik sa akin ang konsensya na wala akong nagawa para pigilan si papa.

Napatingin ako kay Glezer na masusing inuusisa ang labas ng bahay namin. Siguro ay ngayon nalang uli siya nakakita ng mga bahay dahil sa sobrang tagal na niya sa sementeryo.

Niyaya ko na siyang pumasok sa bahay at nang makita si Mommy na naka-wheel chair habang tulak-tulak ni Nurse Trixie—private nurse ni Mommy. Kinuhanan ko na kasi siya ng mag-aalaga sa kanya dahil may katandaan na rin siya at ngayon nga ay sumasakit na ang mga binti niya kapag naglalakad siya kaya minabuti ko nalang na pag-wheel chair-in siya.

Iniwan ko muna saglit si Glezer at tumakbo kay Mommy para yakapin siya.

Kumusta si Mommy, Nurse Trixie? Pinapainom mo ba sa kanya ang maintenance niya?” tanong ko sa Nurse.

“Opo Sir.” sagot naman ni Nurse Trixie.

“Mom, kumusta ang nurse mo? Okay lang ba siya sa'yo? Inaalagaan ka ba niya?” tanong ko naman kay Mommy.

“Magaling ang nakuha mong nurse, anak. Parang ikaw mag-alaga. Huwag mo akong alalahanin dito. Sarili mo ang alalahanin mo. Mag-cocollege kana at wala ako sa Maynila para subaybayan ka kaya ingatan mo ang sarili mo.” pagwiwika ni Mommy. “Bakit ka nga pala nandito? Dapat ay nagrereview ka para sa entrance exam mo sa gusto mong unibersidad diba?” pagpapatuloy na tanong niya.

Chineck ko lang ang crimation ni lolo. Ayaw ko ng problemahin mo iyon bago ako mag-aral ng college kaya inaasikaso ko na dahil mga 4 years na uli ako makakadalaw dito. I-dedeliver nalang dito ang Jar na paglalagyan ni lolo.” turan ko. “May pinapunta na rin akong mga tao dito para gawin ang altar na paglalagyan ni lolo. Baka sa susunod na linggo pumunt----” hindi ko na nai-tuloy ang sasabihin ko ng bigla kong narinig si Glezer na humihiyaw ng sakit sa likuran ko kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

“Glezer! Glezer! Glezer!” nag-aalalang sigaw ko habang niyuyugyog siya. Nakahiga na siya ngayon sa lapag at himihiyaw ng sakit habang nakahawak sa kanyang sintido. Ilang sandali pa ay nawalan siya ng malay kaya kabado akong binuhat siya papunta sa kwarto. Naiwan namang gulat na gulat sa ikinikilos ko si Mommy at si Nurse Trixie.

Makalipas ang ilang oras ay napangiti ako nung magkamalay na si Glezer. Nasa kwarto ko siya ngayon at kasalukuyang nakahiga siya sa kama ko. Naka-upo naman ako sa tabi niya.

“Anong nangyari sa akin?” bungad na tanong niya. Nanghihinang umupo na rin siya sa kama.

“Nawalan ka ng malay kanina. Baket ano bang nangyari?” nagtatakang tanong ko.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon