17

17 4 2
                                    

Lanz Point of View

Iyak na ako ng iyak habang isinasalaysay ng doktor na hindi na nakayanan ni Bhrent ang operasyon at tuluyan na itong nalagutan ng hininga.

Nakaupo lang ako sa waiting area habang hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga nalaman ko. Nagulat pa ako ng ang nurse na lalaki na katabi ko ay biglang tumakbo sa Operating room kung saan inoperahan si Bhrent. Mukhang iba ang kinikilos ng Nurse na 'yon na sa hindi ako nagkakamali ay Nurse Tapia ang tawag sa kanya ng doktor.

Ilang segundo lang ang makalipas ay may isang babae naman ang lumabas sa Operating room at tinawag ang doktor.

“Doc, buhay ang pasyente.” napatango ako ng ulo ng marinig ko ang sinabi ng natatarantang nurse. Parang may kung ano sa puso ko na bigla nalang itong lumakas ang kabog at alam kong ang sinasabi niyang pasyente ay si Bhrent dahil ito lang naman ang pasyente doon.

Nagmadaling tumakbo ang lahat sa di namang kalayuang operating room sa kinauupuan ko ngayon. Lumiwanag ang mga mukha naming lahat ng makita na si Bhrent ay humihinga. Napatingin naman ako kay Glezer at sa di ko inaasahang pangyayari ay nayakap ko siya ng napakahigpit dala na rin ng kasiyahan sa mga nalaman ko.

Nagtinginan sa amin ang doktor, ibang mga nurse, at maging ang mama ni Bhrent dahil sa mga ikinikilos ko. Alam kong hindi nila nakikita si Glezer at alam kong iniisip nila na ang weird ko pero bahala na basta ang mahalaga ay masaya ako dahil buhay na ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

Tuwang tuwa akong lumabas ng operating room ng malamang may himalang nangyari kay Bhrent. Nagpaalam na kasi ako na uuwi na dahil kailangan niya pa raw magpahinga kaya naiwan nalang ang mama niya na magbabantay sa kanya.

Nagcommute kami pauwi ni Glezer. Sumakay kami ng jeep na dadaan sa kanto namin. Napansin ko naman na kanina pa si Glezer may malalim na iniisip. May hinahanap siya at napaka aligaga niya.

Mga mahigit kalahating oras lang ay bumaba na kami sa jeep at nagsimula nalang maglakad mula kanto hanggang sa bahay. Habang naglalakad pauwi ay naisipan kong tanungin si Glezer.

“Anong nangyari sa'yo?” tanong ko. Nagulat pa siya sa akin.

“A-ah... w-wala.” utal niyang sagot.

“Hindi ako naniniwala. Ano nga?” tanong ko ulit.

“Ano kase Lanz, hindi mo ba talaga nakikita ang kaluluwa ng Papa mo?” parang napipilitan niyang tanong.

“Huh? Nakikita ang kaluluwa ni papa? Hindi. Nasaan? Nandito ba?” naguguluhan akong nagpalinga-linga.

“Nakasama at nakausap ko siya. Kanina rin ay kasama natin siya sa hospital. Hindi mo ba siya nakikita? Akala ko ba nakakakita ka ng kaluluwa?” inisip ko ang mga sinabi niya. “Ang nurse na lalaki kanina na si Nurse Tapia ay ang katawang sinapian ng papa mo. Hindi siya makakaalis malapit sa katawan niya dahil hindi mo naman dinala ang kandila niya. Ang naging solusyon niya para makasama ay ang paghiram ng katawan ng mga buhay.” mas lalo akong naguluhan.

“Kamusta siya? Bakit bigla nalang siyang tumakbo sa operating room kanina ng malamang patay na si Bhrent at ng pumasok ako sa kwarto ay wala ng malay si Nurse Tapia? Baket?” sunod sunod na tanong ko. Napahinto pa kami sa paglalakad.

“Hindi ko rin alam, kanina ko pa pinag-iisipan ang lahat. Kung baket bigla nalang siyang tumakbo sa operating room at ng mabuhay si Bhrent ay bigla nalang siyang naglahong parang bula. Alam kong may kinalaman ang himala na nangyaring pagkabuhay ni Bhrent sa mga misteryosong galaw ng papa mo kanina.” paliwanag ni Glezer. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad habang iniisip ang nagpapagulo sa aking isipan.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon