07

26 9 4
                                    

Hanggang ngayon ay namumutawi pa rin sa mukha ni Lanz ang inis ng mabanggit ang pangalan ng papa niya kanina habang nasa byahe kami.

Nandito na kami ngayon sa harap ng dorm ni Lanz, kabababa lang namin ng sasakyan niya at tinutulungan ko siyang maghila ng maleta niya dahil nakakahawak naman ako ng mga bagay kapag kasama ko si Lanz. Wala rin namang nakakakita kaya walang matatakot at makakakita ng kusang gumagalaw na maleta.

Sa second floor ang kwarto ni Lanz at masasabi ko talagang malawak at maaliwalas ang kwarto niya. Sa kwarto niya ay may sala na, maliit na kusina at isa pang pinto para talaga sa sariling kwarto niya kung saan may single na kama at mga gamit niya sa paligid.

“Bibili muna ako ng pagkain sa labas. Maiwan muna kita dito.” paalam ni Lanz matapos niyang ilapag lahat ng gamit niya. Tumango lang ako at lumabas na siya.

Pagkalabas niya ay naupo lang ako sa sofa habang naghihintay sa kanyang pagbalik. Masayang masaya talaga ako simula nung nakalabas na ako ng sementeryo. Ilang minuto pa ang makalipas ay nakaramdam ako nang pagka-inip.

“Hays, ang mag-isa sa bahay ay talagang nakakabagot kumpara ang pagala gala ako sa sementeryo.” sigaw ko sa hangin.

Na-curious ako sa buong bahay na ito kaya naisipan kong siyasatin ang bawat sulok ng dorm niya habang wala pa siya.

'Patawad Lanz sa pangingi-alam, pero ito na ang oras para siyasatin ko ang buong kwarto mo.'

Inilibot ko ang paningin ko sa kusina at sa sala. May nakita akong altar malapit sa bintana kaya agad ko itong pinuntahan at tinignan. Nakita ko ang nakapatong na picture frame sa altar ay ang lolo niya na kinausap ako noon na protektahan ko raw si Lanz sa mga masasamang kaluluwang ligaw. May nakatirik ditong kandila pero hindi nakabukas kaya kumuha ako ng posporo para sindihan ang kandila at nagdasal sa altar niya.

“Patay na rin po ako kagaya niyo ngunit hindi pa ako nakakatungtong sa langit. Siguro nga po ay may misyon pa ako dito pero yung pangako ko pong poprotektahan ko po ang apo niyo ay isasapuso ko po.” dasal ko sa harap ng altar ng lolo ni Lanz. Nagulat pa ako ng biglang may tumulong tubig sa damit ko. “Ano 'yun?” gulat na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ito agad at bumalik na sa sofa dahil ramdam ko ng parating na si Lanz.

“Nandito na ako!” masiglang sigaw ni Lanz. Nagulat pa siya na may sindi ang kandila kaya manghang mangha siyang tinignan ito habang salit-salit ang tingin sa akin. Hindi ko naman nagegets ang gusto niyang iparating.

'Ngayon lang ba siya nakakita ng kaluluwang nagbukas mag-isa ng kandila?'

“B-bakit?” nauutal na tanong ko dahil  grabe talaga yung tingin niya sa akin, parang tinging masaya na di mawari.

“Hindi mo ba naiisip ang naiisip ko?” manghang-mangha na sabi niya sa akin. Umiling ako kaya nagsalita uli siya. “Ikaw ba yung nagsindi ng kandila dito sa altar ni lolo?” tanong niya.

“Oo baket, pasensya na sa pangingi-alam ko.” natatakot na sagot ko baka kasi magalit siya ng makialam ako dito ng mga gamit.

“Malayo ako sa'yo pero yung potensyal mo ay hindi nagana. Nahawakan mo ang kandila at posporo ng hindi man lang nasisira o natutunaw man lang.” nang maisip ko ang pinupunto niya ay masigla akong napatalon dahil sa galak.

“Oo nga no!” sigaw ko sa kanya at galak na galak akong niyakap si Lanz.

“Try mo kaya uli?” masayang aniya.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon