25

9 4 0
                                    

Chorine's Point of View

Nagising ako ng wala sa kwarto si Lanz. Tinignan ko pa ang bawat sulok ng kwarto pero wala ito kaya napabangon ako at lumabas ng kwarto.

Sa bukana pa lang ng punto ay nakita ko na agad ang mama ni Lanz kasama ang nurse na nag-aakay pa rin dito kahit medyo nakakalakad na ito. May dala itong mainit na kape at tasty na tinapay.

Nagtataka ako, hindi naman nagkakape si Lanz, baket dadalhan siya ng mama niya ng kape.

Sinundan ko sila sa kusina. Nakita ko agad si Lanz habang may kausap na isang lalaki. Nakatalikod ito sa akin kaya medyo hindi ko maaninag ang mukha nito kaya naisipan kong lumapit.

Nang makita ko ang mukha ng lalaki ay bigla akong napaatras. Medyo hawig ko siya. Mukhang matanda na rin ito. Puno ng balbas na puti at bigote ang kanyang mukha. Itim pa naman ang karamihan sa kanyang mga buhok pero may iilan pa ring lumilitaw na uban sa kanyang ulo.

Tinignan ko si Lanz ng may pagtatakang mukha pero blangkong mukha lang ang sinukli nito sa akin. Lumapit ako kay Lanz at makulit na nagtanong kung sino ang kausap niya. Binulong niya sa akin na si Leyson Miranda daw ang kaharap namin.

Nag-isip ako ng malalim, namumukhaan ko siya pero hindi ko na naman matandaan kung saan ko siya nakita.

Naupo ako sa bakanteng silya katabi ni Lanz at kaharap ng lalaki na nagngangalang Leyson. Ibinaba ng mama ni Lanz ang kape at tinapay sa mesa at tsaka nagpaalam na maiwan muna ang dalawa na mag-usap.

Maraming papeles ang nakakalat sa mesa at lahat daw ito ay ebidensya.

'Ebidensya saan?'

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila hanggang sa nakaramdam na naman ako ng pananakit ng ulo. Natumba ang silya na kinauupuan ko at bumagsak ako sa sahig. Hindi na bago ang pananakit ng ulo ko kaya sabi ko kay Lanz ay okay lang ako. Bigla bigla na lang may pumasok na mga pangyayari sa utak ko.

“Hindi mo ba talaga babayaran ang utang mo! Gusto mo bang patayin ko itong pamangkin mo?” kitang kita ko ang sarili ko na hawak-hawak ng isang lalaki, sinipat ko ang mukha nito at nakita ko ang papa ni Bhrent.

Kami lang ang tao sa bahay nila Lanz. Nang binato ako ng papa ni Bhrent sa lalaki na nagngangalang  Leyson. Ngayon ko lang napagtanto na tito ko siya. Biglang  tumama ang ulo ko sa labi nito kaya kitang kita ko kung paano pumutok ang labi niya. Maraming dugo ang tumutulo sa labi nito. Kitang kita ko na sinasalag niya ang lahat ng suntok ng papa ni Bhrent para hindi ako tamaan. Lahat ng dugo ng tito ko ay tumatalsik sa akin. Maging ang puting bestida ko na kanina ay pagkalinis-linis ay tila may batik-batik ng kulay pula.

Isang malaking dos por dos sana ang ihahampas sa akin ng papa ni Bhrent pero malakas akong tinulak ni Tito Leyson. Napalayo ako sa kanila kaya imbis na ako ang tamaan ay ang mga binti ni tito ang napuruhan. Pagapang akong tumakbo papuntang C.R. para sana magtago kaso sinundan ako ng Papa ni Bhrent. Ang kaninang umiiyak na batang si Bhrent ay ngayon ay nasisiyahan na, akala niya siguro ay laro laro lang ang ginagawa ng demonyo niyang ama.

Tumayo ako at humawak sa lababo upang tumukod ngunit dahil sa dulas ay napabitaw ako sa lababo at nabagok ang ulo.

Bumalik ako sa ulirat ng marinig kong tinatawag ako ni Lanz.

Umiiyak akong tumayo at naupo sa tabi ni Lanz. Hindi ko masikmura ang mga nakita ko. Tito ko pala ang kaharap ko ngayon. Matanda na siya at hindi ko na siya lubusang mamukhaan.

“Nakikita mo pala talaga ang kaluluwa ng aking pamangkin.” naiiyak na sabi ni Tito Leyson. “Kumusta siya Lanz? Ganoon pa rin ba ang mukha niya? Mabait ba siya sa'yo? Ano ano ang mga kinukwento niya? Pakisabi naman na namimiss ko na siya.” nakakaawa si tito, parang ayaw ko siyang tignan kasi hindi ko kayang nahihirapan siya ng dahil sa akin.

“Katabi ko po siya, maari po kayong magsalita dahil naririnig at nakikita rin po tayo ni Cohrine.” ngiting sabi ni Lanz.

“Cohrine kumusta kana? Pasensya ka na ha at nadamay ka sa kagagawan ko. Alam mo ba noong namatay ka ay sinisi ko ang sarili ko. Wala ako sa wisyo dahil hindi ako kumakain, puro ako iyak at sinasaktan ko ang sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung baket ka namatay. Umutang lang naman ako kay Mayor dahil sa kahirapan ng buhay natin at gustong gusto mag-ibang bansa ng mama mo ay kumapit na ako sa patalim. Hindi ko naman alam na ganoon pala ang gagawin sa akin ni Mayor kapag 'di ko natupad ang usapan namin. At hindi ko rin alam na madadamay ka pa. Bilang kabayaran nga sa kasalanan ko ay umamin ako sa mga ibinibintang nila sa akin. Para din mabayaran ang utang ko kay Mayor. Hindi ko kasi alam na ang ipapataw pala sa akin ay kamatayan. Kaya nung ibibitay na ako ay gumawa ako ng paraan para makatakas at sa awa ng Diyos ay tinulungan ako ng papa ni Joniel na pulis kaya nakatakas ako. Pasensya ka na talaga Cohrine.” humagulgol ng napakalakas si tito Leyson at wala akong magawa kun'di ang lumapit sa kanya at yakapin siya. Ramdam ko namang naramdaman niya ang yakap ko kaya mas lalo siyang umiyak.

Tumakbo ako sa kwarto ni Lanz para kumuha ng papel at lapis at agad na bumalik sa kusina.

"Sa totoo lang tito Leyson, wala akong galit na nararamdaman sa'yo dahil kagaya ng mga naalala ko ay iniligtas mo pa ako sa mga masasamang tao na gumawa sa atin nito kaya huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Masaya akong nakita kita uli. Tatatagan mo lang ang loob mo dahil wala kang kasalanan at ramdam ko na punong puno ng pagmamahal ang puso mo para sa akin. Mahal na mahal kita tito."

Isinulat ko sa papel at ibinigay ko kay Lanz para iabot niya kay tito. Habang binabasa ito ni Tito Leyson ay wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.

“Dahil dito sa sulat mo Chorine, nagkaroon ako ng katatagan at tapang sa puso para ibigay sa iyo ang totoong hustisya na kailangan mo. Mahal 'din kita pamangkin ko.” sabi ni tito kaya napangiti ako at biglang may pumasok sa aking ala-ala.

'Yung huling sinabi sa akin ni Mayor Laurenze na magiging susi at ebidensya ng aking pagkamatay.

~
enjoy reading

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon