22

12 4 0
                                    

Bhrent's Point of View

Nagising ako sa isang napakalakas na tunog ng cellphone ko. Napahampas pa ako ng palad sa noo ko dahil hindi naman ako nag set ng alarm dahil wala naman ng pasok at sabi ko sa sarili ko na kailangan kong magpahinga ng malala para hindi ako mukhang pagod sa graduation namin.

Nang makita ko 'yung cellphone ko ay napakunot ako ng noo ng malamang tumatawag si Lanz.

“Hello erp! Ang aga aga mo namang tumawag. Nakauwi ka na ba?” pinangunahan ko na siyang magsalita.

“Kailangan ko ang tulong mo erp! Alam kong mahirap 'to pero gusto ko lang malaman 'yung totoo. May alam ka ba sa pagkamatay ni Chorine?” wala ng paligoy ligoy na tanong niya kaya natulala ako. Erp! May alam kaba?”

“Matagal ng patay si Chorine. Bakit mo naman ako tinatanong kung may alam ako.” pagmamaangan ko.

“Basta, hihintayin kita dito sa dati niyong bahay dito ngayon. Maghihintay ako. Gusto ko lang talaga na tulungan ako. Alam kong matutulungan mo ako. Isiwalat mo ang kahayupan na ginawa ng papa mo kay Chorine at sa tito niya.” hindi ko alam kung bakit may tumulong luha sa mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya.

Nang pinatay niya na ang tawag ay napaisip ako ng malalim. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong kinukulong sa ala-ala na matagal ko ng nilimot. Mga ala-alang ibinaon ko na sa lupa dahil hindi ko na masikmura pang alalahanin ang lahat ng kadumal-dumal na naganap.

Masaya akong naglalakad papunta sa bahay nila Lanz upang makipaglaro. Bata pa ako at walang kamuwang-muwang sa mga bagay bagay basta ang alam ko lang ay masayang maglaro at wala na akong pakeelam sa paligid ko basta dala ko lang ang laruan ko at maglaro.

Tahimik ang bahay nila kaya pumasok na ako ng tuloy-tuloy dahil 'yun naman ang bilin sa akin ng mga magulang nila Lanz, ituring ko na rin daw na bahay namin ang bahay nila dahil magkaibigan si Papa na Mayor ngayon at si Papa ni Lanz na kapitan sa barangay namin.

Dating kapitan si papa at di kalauna'y naging mayor din.

Mas malapit ako kay Papa kesa kay mama, tawag nga nila ay papa's boy ako. Hindi ko naman alam kung bakit si papa ang gusto ko laging kasama. Dahil ata idol ko siya dahil paglaki ko gusto ko rin maging kagaya niya na mayor.

Kaso nagbago 'yun nung nasaksihan ng dalawang mata ko ang karumaldumal dumal na krimen na ginawa nila sa isang mumunting batang kagaya ko. Kitang kita ko kung paano nagmamakaawa si Chorine na pakawalan na ni papa dahil sobrang hirap na ito pero wala man lang awa si papa sa nangyayari.

Kitang kita ko kung paano lumuluhod ang tito ni Chorine kay papa dahil sa kasalanan na nagawa nito pero dahil nga walang awa ang aking ama ay ni paghinga man lang nila ay hindi pinatawad ni papa.

Sa mura kong edad ay alam kong wala akong magagawa at iniisip ko na tama ang ginagawa ni papa dahil nga idol ko siya at nasa isip ko na superhero si papa kaya ang inisip ko ay kalaban sila Chorine at tito nito pero ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng kamalian na ginawa ni papa nung lumaki na ako.

Namulat ako sa trahedyang hindi dapat nakikita ng isang kagaya kong bata.

Kitang kita ko kung paano nakaladkad ang kawawang batang si Chorine habang hawak hawak ni papa ito sa buhok. Kitang kita rin ng mga mata ko kung paanong walang magawa ang tito ni Chorine sa ginagawa ni papa dahil nga may hawak itong baril at isang maling galaw lang ng tito niya ay tiyak sasabog ang ulo nito at kakalat ang utak sa paligid kapag binaril siya ni papa.

Bilang isang musmos ay tuwang tuwa ako sa mga nangyayari, akala ko kasi lahat ay laro lang. Nang makita ni papa itong tito ni Chorine na tatayo ay bigla niya itong pinaputukan sa tuhod. Kitang kita ko ang hulma ng mukha nito na tinitiis ang sakit para lang maprotektahan ang pamangkin niya.

Bumalik ako sa katinuan ko ng magvibrate ang cellphone ko, nagtext pala si Lanz.

-

Erp.

Aantayin kita erp, ikaw nalang ang pag-asa namin, wala ng iba.

-

Hindi ko alam kung magrereply ba ako, dahil alam na nila at pinagbibintangan na nila ang papa ko na sa una palang ay alam ko ng mangyayari ang lahat ng ito. Napag-isip isip ko na rin ang lahat ng ito, matagal akong nag muni-muni at nagdalawang isip na kung papapiliin ako sa pamilya o kaibigan ko, sino ang isasalba ko. Parang pinapapili ako sa habang buhay na kasinungalingan o kung ilalabas ko ang tunay na nangyari.

Alam kong may isa sa kanilang masasaktan ako kapag pumili ako. I have no choice kun'di ang pag-isipan ang mga gagawin kong desisyon dahil hinaharap ko ang nakasalalay dito. Isa sa buhay ng kaibigan o pamilya ko ang mailalagay ko sa bingit kapag namili ako.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin ko. Sigurado na ba ako sa desisyon kong matagal ko ng pinag-isipan? Handa ko na bang isiwalat ang katotohanan kahit alam kong may masasaktan?

Ilang taon na ang lumipas, mga bata pa kami noon pero kahit kailan ay hinding hindi ko ibinaon sa limot ang mga ala-ala na nawaksihan talaga ng dalawang mga mata ko.

Matagal na taon na nung namatay ang papa ni Lanz pero nirerespeto ko pa rin ang pagkakaibigan nila ni papa.

Patayo at mag-iimpake na sana ako ng mga gamit ko na gagamitin kung magtagal man ako sa Bataan ay biglang naudlot ng marinig ko ang katok mula sa pinto ko, at ilang sandali lang ay iniluwa ng pinto si papa.

Matalas ang mga titig nito sa akin. Hindi galit pero hindi rin natutuwa, parang ang seryoso. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

'Paano niyang magagawa na pumatay ng isang walang kamuwang-muwang na batang paslit gayong may anak rin naman siya?'

“Bhrent, nakita ko na may tumawag sa cellphone mo at narinig ko lahat. Hindi mo naman nakalimutan na may CCTV tayo dito?” matalas na tingin niya sa akin.

Siguro naman narinig niya lang ang sinabi ni Lanz pero hindi ang mga iniisip ko.

Lumapit siya sa akin kaya nakaramdam ako ng takot, dama ko sa sarili ko na nangangatog na ako. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kanang kamay ko, may aircon dito sa kwarto pero tumatagaktak ang pawis ko. Konti nalang ay maiihi na ako sa salawal ko.

“Bakit ka matatakot sa akin Bhrent? Ama mo ako.” ngumiti ito pero hindi ngiting masaya. Maging ang mga ngiti niya ay matalas na kahit sino ay matatakot.

Tumingin ako sa mga mata niya.

'May mali ang papa ko pero isa lang ang masisiguro ko na hindi si papa ang pumatay kay Chorine. Hindi siya.'

-

enjoy reading.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon