29

19 3 0
                                    

Lanz Point of View

Ngayon ang araw na lilisanin na nila
Glezer, Aling Cecille, anak nitong si Cedric at lalong lalo na si Cohrine.

Hindi ko na sila nakikita, hindi ko alam kung bakit pero simula ng maglaho ng parang hinanging buhangin ay bigla na lang akong hindi na nakakakita ng kaluluwa.

Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa biglaang pangyayari na hindi ko inaasahan. Wala akong pake sa mga kasama ko at sa namamaga kong mga mata basta ang tangi ko lang hiling ay makita ko si Cohrine sa huling pagkakataon at tuluyang makapagpaalam sa kanya dahil hindi pa sapat ang bonding namin kahapon. Last na pala naming pagkikita 'yun dapat hinatawan ko na.

"Huwag kang tumayo at umiyak sa harapan ng puntod ko. Wala ako d'yan, nasa puso mo ako." napatigil ako sa paghagulgol ng iyak ng marinig ang isang tinig na matagal ng hinahanap-hanap ng tainga ko.

Maging ang mga kaibigan ko ay nagulat dahil nakikita na rin nila si Chorine. Maging sila Aling Cecille, Cedric at Glezer ay nasa ibabaw ng mga puntod nila. Hilera silang tinitignan namin. Hindi namin alam ang mararamdaman naming lahat ng makitang nasa harapan namin ang nagliliwanag na mga kaluluwa lalong lalo na si Chorine habang nakangiti itong pinagmamasdan kami.

Kasalukuyan kasing hinuhukay ang kani-kanilang mga puntod at isang hilera at tabi tabi na lang silang ilalagay para madali na lang naming mabisita. Pinagpalit na rin ang pangalan nila Glezer at Cohrine. Sinabi na bago dalhin ang kabaong ng dalawa sa sementeryo ay napagpalit ng maglilibing ang kabaong nila dahil bukod sa parehas sila ng kabaong ay parehas din ang laki nito at sabay pa itong nilibing ni papa kaya magkasama lang ito sa iisang karo.

Bumalik ang ulirat ko ng lumapit sa akin si Cohrine. Hindi ko alam ang gagawin, maiiyak ba ako dahil mawawala na siya o magiging masaya ako dahil natupad na ang hinihiling niyang mareincarnate sa loob ng mahabang panahon.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, niyakap ko siya ngunit hindi na katulad dati na nagtatama pa ang mga balat namin. Para na lang siyang imahe sa hangin. Tumatagos na ang katawan ko sa kaluluwa niya. Mas lalo akong nakaramdam ng pananabik na mahawakan siya kaya wala na akong nagawa kun'di ang umiyak.

“Chorine mahal na mahal kita. Hanggang sa muling pagkikita.” kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyan. 'Yung ibang mga kasama ko ay nagpaalam na rin sa iba pang mga kaluluwa at 'di ko na sila napapansin dahil nakapokus lang ang paningin ko kay Cohrine.

“Hindi ko pa nasabi sa'yo 'to pero alam kong ito na ang dulo. Mahal na mahal din kita Lanz. Here we end our story. Let's go onto different paths and start a new chapter without each other. May we cross paths and live happily ever after we never had.” hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pinapanood ko lang tumulo ang mga luha sa mata niya. “Just let me go, we'll meet again soon.” kahit ayaw ko ay ramdam kong ang pagpayag ko lang ang makakapagpalaya sa kaluluwa niya at ayoko na siyang pahirapan pa dito sa lupa kaya kahit masakit na lilisanin niya na ako ay pilit akong tumango at nginitian siya.

Nang umihip ang malakas na hangin ay kitang-kita ng mga mata ko kung paano siya unti-unting naglalaho.

“I'll love you for a thousand more. I have died everyday waiting for you.” mahinang sabi ko at naramdaman ko na ang panghihina ng katawan ko kaya bumagsak ako sa harap ng puntod ni Chorine. Napatingin pa muna ako sa langit at bumulong “If the heaven could talk, I would tell her to call your name and whisper to your ears that I'm wishing you a peaceful life in your second life, my love.” Nahawakan ko pa ang de-bateryang kandila at napihit ko pa ito sa off button bago mawalan ng malay.

Ilang taon na rin ang lumipas simula nung mawala si Cohrine. Isa na akong forensic investigator pero hindi pa rin mawawala sa isip ko ang bisitahin araw araw si Cohrine sa puntod niya.

Hindi ko alam kung nagkataon ba or what pero kapag nandito ako sa puntod ni Cohrine ay may dumadapong isang agila sa puno na malapit sa puntod niya. Naalala ko tuloy noong nakakita kami ni Cohrine ng agila sa bakuran namin. Ang saya saya niyang pinagmamasdan 'yon hanggang sa lumipad na palayo sa amin.

Tumingin ako sa langit at iniisip na nasa tabi ko si Cohrine ngayon. Masaya siguro kami ngayon habang pinagmamasdan ang agila.

Alam kong binabantayan niya ako. Mula sa ibabaw ng mga ulap ay pinapanood niya ako. At sa gabi, sa piling ng mga tala at buwan sa kalangitan ay ako'y kanyang hinahagkan at tinatabihan sa pagtulog. Araw-araw akong hinahamon ng mundo pero kapag nandito ako lagi sa puntod niya ay di ko mawari ang kasiyahan na nararamdaman ko sa aking puso.

'Cohrine, Miss na kita. Miss ko ng magkwento sa'yo ng mga masasayang ganap ko sa buhay. Miss ko na 'yung kakulitan mo, 'yung mga oras na pagkagaling ko sa eskwela ay masayang mukha mo ang sasalubong sa akin. Hindi ko na nararanasang ngumiti tuwing nakakasalubong ko ang mga tingin mo. Miss na miss na talaga kita Cohrine. Ayos lang ako, ayos na ayos. Ngunit hindi ko pa ring maiwasang maging malungkot kapag naaalala ko 'yung mga araw na magkasama tayo. Lalo na 'yung mga paglalambing mo. Naging paborito ko na ring lugar itong bago mong puntod. Ang dating marumi, matalahib at mabahong puntod na tila walang dumadalaw ay ngayon parang isa ng pook pasyalan dahil sa ganda. Dito sa sementeryo ay sariwang sariwa pa rin ang mga ala-ala noong una kong narinig ang mga tinig mo. Araw-araw walang palyang dinadalhan kita ng ubas at mansanas na una kong binigay sa'yo noon. Buhay na buhay ang mga ang kislap ng mga mata mo sa larawang nakawallpaper sa cellphone ko. Hinding hindi ko na pinalitan ang wallpaper ko kahit na magpalit ako ng mga cellphone. Habang hinahaplos ang lapida mo ay dama ko pa rin ang presensiya na madalas na nagpapatulo ng mga luha ko. 'Yung pakiramdam na sana kapiling pa kita. Wala akong magawa maliban sa isipin ka oras-oras, minu-minuto, at segu-segundo. Alam kong hindi kita makakalimutan at mapapalitan. Palagi ko pa ring babaunin ang mga ala-ala mo saan man ako anurin ng panahon.'

Umiiyak ako ngayon pero hindi ko marinig ang panaghoy ko. Tanging wasiwas lang ng malumanay na hangin ang dumadampi sa aking mukha upang tuyuin ang mga luha na ginagawa ng aking mga mata.

'At sana, gabayan mo ako hanggang sa maghilom ang sugat na dulot ng pagkawala mo.'

~
Enjoy reading

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon