Mahigit na isang linggo na ang makalipas ng maganap ang sunog sa dorm ni Lanz na ako ang may dahilan.
Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ko. Bigla nalang ulit akong hinigop ng hangin at dinala dito sa sementeryo. Siguro ay nasama sa mga natupok ng apoy ang de-bateryang kandila na itinirik sa akin ni Lanz para makalabas ng sementeryo.
Sa mahigit isang linggo na 'yon ay naisip at napagnilayan ko na baka sa mga nagawa kong kapahamakan sa buhay ni Lanz ay hindi na niya ako gustuhin pang makita. Tanggap ko naman at mas mabuti ngang lumayo muna ako sa mga tao at mag-stay dito sa sementeryo habang hinihintay ko ang oras at sign kung kailan ako makakaakyat sa langit at mare-reincarnation o ma-rebirth.
Tanggap ko naman na kaming mga patay na at kaluluwa nalang na ligaw dito sa mundo ng mga buhay ay kailangan nalang tanggapin na yumao na kami at kailangan nalang naming maghintay ng pagkakataon kung kelan kami muling mabubuhay o baka hindi na talaga.
Hindi ko mawari ang nasa isip ko pero alam kong sa puso ko ay napamahal na ako kay Lanz. Sa kabutihan niya simula nung bata pa siya ay talagang hindi ko maitatanggi na madali lang siyang mahalin.
Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit nagawa kong masindihan ang kandila na itinirik ko sa altar ng lolo ni Lanz pero yung ginawa ko uli ay nagkanda-letse-letse na ang lahat. Siguro nagawa ko 'yun dahil hindi ko alam ang ginagawa ko basta sinisigaw ng puso ko ang mga nangyayari. Kapag labag naman sa loob ko ang ginagawa ko at nadidiktahan ng iba ang mga mangyayari ay gumagana ang potensyal ko.
Dahil sa sobrang lungkot ko ay naisipan kong maglibot libot dito sa loob ng sementeryo. Wala na akong pakialam kung malanta lahat ng damo na inaapakan ko ngayon dito basta ang gusto kong mapag-isa at magliwaliw.
Sa paglalakad ko ay may narinig akong umiiyak sa likod ng puntod na nadaanan ko kaya agad akong nagtungo doon para makita kung sino ang umiiyak.
Bumungad sa akin ang isang babae na medyo nasa 40's na ligaw na kaluluwa habang inaamo ang isang batang lalaki na mga nasa edad na mid 14 to 15 years old na ligaw ring kaluluwa. Mukhang mag-ina sila.
Nang lumapit ako sa kanila ay tinignan nila ako mula ulo hanggang paa.
“Iha, nagkita na ba tayo?” tanong ng nanay. Nagtatakang umiling ako dahil hindi ko naman sila kilala. “Parang nakita na kita dati pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan.” dagdag pa nito.
“Baka po nakikita niyo na po ako dito sa sementeryo. Mahigit isang dekada na po kasi ako rito.” wika ko.
“Ay talaga? mahigit isang dekada na rin kami dito. Katulad mo ay hindi pa kami na-reincarnate dahil nga hindi namin alam kung paano kami namatay ng anak ko. Basta isang araw nakita ko nalang na nakahimlay nalang kaming dalawa na magkatabi sa iisang kabaong at hinigop nalang kaming dalawa dito at napadpad kami sa tapat nitong puntod namin.” kwento ng babae. Sinipat ko ang kabuuan ng puntod nila at nainggit ako dahil ibang iba ang puntod nila sa puntod ko. Malinis ang sa kanila at masasabi ko talagang alagang alaga ito. May mga bulaklak at mga kandila rin nakatirik dito kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung anong kinamatay nila.
“Wala po bang dumadalaw sa inyo?” tanong ko.
“Mayroon, asawa ko. Kaso nai-stroke siya eh. Sa sampung taon namin dito ay nakikita ko lang siyang dumadalaw sakay ng wheelchair tulak tulak ng maid namin. Hindi na siya nakakapagsalita at tanging hagulgol na pag-iyak at hinagpis lang ang ginagawa niya kapag dadalaw siya rito. Sa katunayan ay alagang alaga ang puntod namin dito dahil kada buwan ay nagpapadala siya ng mga tao para linisin at pagandahin itong puntod namin ng anak niya.” tuloy tuloy siya sa pagku-kwento at nang napatingin ako sa anak niya ay mas lalo akong nakaramdam ng awa. For sure sa bata niya ngayon ay namatay siya ng hindi man lang nakapag-aral at nasilayan ang labas ng sementeryo.
“Ilan taon na po pala siya?” hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa bata at kurutin ang pisngi nito sa sobrang cute. Nakaramdam ako ng saya ng makita ko silang dalawa. Iniisip ko tuloy kung may mama rin kaya ako? O kapatid? Ilan kaya kami sa pamilya? Matagal na akong naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng isang ina.
“14 years old na siya ngayon, 4 years old siya nung una kaming makasampa dito sa sementeryo at simula non ay hindi na kami nakalabas. Naaawa nga ako dito kay Cedrick dahil hindi niya natamasa ang buhay na dapat ay natatamasa niya ngayon. Nakakalungkot lang na kumayod kaming mag-asawa at nag-aral ng husto para makapag-ipon ng pera sa future ng magiging anak namin tapos nung sapat na ang perang naipon namin at alam naming kaya na naming bumuhay ng anak ay tsaka pa kami namatay. Nagpakayaman kami para may maganda kaming kinabukasan pero mamamatay lang rin pala kami. Totoo nga na hindi mo madadala sa hukay ang iyong mga ari-arian at pera kaya hangga't maaga pa ay matuto tayong magpahalaga sa buhay dahil hindi natin alam na baka mamaya, bukas o sa ibang araw ay mawala ka na lang sa mundo.” unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mata ko.
Niyakap ako ni mother at nahimasmasan ako.
“Gusto ko sana kayong tulungan pero katulad ko ay hindi ko rin alam ang gagawin ko. Maski ako ay hindi ko alam kung paano tutulungan ang sarili ko, kaya patawad. Ang tanging magagawa lang po natin ay mag-hintay ng tamang oras at panahon kung kailan tayo naman ang makaka-akyat sa langit.” ngumiti naman si mother sa sinabi ko kaya mas lalong nakaramdam ako ng pangungulila sa pagmamahal ng mga magulang. “Pwede ko po ba kayong tawaging mama?” hindi ko na mapigilang umiyak ng malakas dahil niyakap niya uli ako. Si Cedrick naman ay nakatitig lang sa amin at nakikiramdam kung anong nangyayari sa amin.
“Pwedeng-pwede anak.” nakaramdam ako ng lubos na kasiyahan dahil sa mga narinig ko. Ngayon lang may tumawag sa akin ng anak at alam kong matagal ko ng gustong marinig 'yon.
Matapos akong yakapin ni Mother ay may napakalakas na hangin ang umihip sa kinatatayuan namin. Bigla nalang may pumasok sa utak kong mga ala-ala.
(“Chorine! Huwag kang pipikit!.... Si Glezer dalhin niyo na sa hospital!”) tinig ng isang lalaking sumisigaw. Hindi ko alam ang nangyayari. Malabo ang paningin ko. Hindi ko masipat kung sino ang nagbubuhat sa akin pasakay ng isang sasakyang may dalawang ilaw. Pula at asul lang ang nakikita kong ilaw. Mabilis ang takbo ng sinasakyan namin habang nakahiga na ako sa isang malambot na foam. Maingay ang nasa paligid ko pero hindi ko sila makita. May nakikita rin akong biglaang bungguan, salpukan ng mga kotse. Hindi ko alam kung sino ang mga nasa loob pero naririnig ko ang wangwang at kaguluhan sa paligid. Nakita ko ang isang medyo nasa 30's na babae na may buhat buhat na batang lalaki na wala ng malay. Pati ang isang lalaki na driver ng sasakyan. Lahat sila ay duguan. Hindi ko alam kung patay na sila o nawalan lang ng malay. Nakakatakot ang sinapit nila sa aksidenteng bungguan ng mga sasakyan.
Hindi ko namalayan na nakasalampak na pala ako sa damo habang namimilipit sa sakit ng ulo. Nakahawak lang ako sa litido ko habang napapahiyaw sa sakit.
Nag-aalalang pinapakalma ako ni Mother at kitang kita sa mukha nilang dalawa ng anak niya ang takot sa nakikita nila ngayon sa akin.
Nagulat pa ako ng makita ko ng malapitan ang mukha ni Mother. Siya yung babae sa sasakyan na may kalong kalong na batang lalaki. Hindi ako dapat magkamali. Silang dalawa ang nakita ko na nakasakay sa nabunggong sasakyan na duguan at wala ng malay.
Papikit na ang mga mata ko ng may narinig akong isang kilalang tinig na pasigaw na tinatawag ang pangalan ko. Gusto ko pang imulat ang mata ko pero hindi ko ito ma-control. Masyadong masakit ang ulo ko.
“Glezer! Glezer! Nandito na ako.” rinig na rinig kong pag-aalala ni Lanz. Kahit nakapikit ako ay alam kong siya ang tumatawag sa akin.
'Ikaw nga ang hinihintay ko Lanz.'
-
enjoy reading
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomansaGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...