Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari kahapon. Maging si Lanz ay nagulat rin na nahawakan ko siya pero saglit lang. Gulat na gulat kami pareho sa mga nasilayan naming milagro. Simula kasi ng magkadikit kaming dalawa ay parang tumigil ang mundo.
Yung alay niyang mansanas sa akin na aksidente kong nahawakan kaya nabulok ay bumalik sa pagkasariwa ng madaganan namin ito ni Lanz. Maging ang mga lantang damo na binagsakan namin ay namukadkad at tinubuan ng mga bulaklak.
Ang malaking katanungan sa isip ko ay bakit hindi siya namatay nung mahawakan ko siya? Bakit ang walang emosyong damdamin ko ay naging masaya ng magkadikit kami?
Magdamag akong hindi nakatulog simula kahapon dahil sa mga katanungang gumugulo sa isip ko na nais ng klarong kasagutan. Napagtripan ko uling hawakan ang mga ubas at mansanas na alay sa akin ni Lanz pero nabulok uli ito at inuod. Maging ang mga damo at bulaklak na namukadkad sa palibot ng aking puntod ay nalanta uli ng hawakan ko.
Habang wala ng mga tao sa sementeryo kagabi at tulog na rin ang ibang mga ligaw na kaluluwa na kagaya ko ay naisipan kong lumibot muli dito sa buong sementeryo. Hinawakan ko ang mga malalaking puno para subukan kung nawala na ba ang potensyal na nakaakibat sa akin.
Laking gulat ko pa ng ang kulay berdeng mga dahon ng malaking puno ay natuyot at naging kulay kayumanggi. Nalagas itong lahat at nalaglag sa kinatatayuan ko.
Hindi na nga ata mawawala ang potensyal kong pumatay sa paraan ng aking pag-hawak.
Malungkot akong bumalik sa puntod ko at naupo. Bakit naman napakamalas ko at sa dinami-raming mga ligaw na kaluluwa ay sa akin pa ipinamana ang potensyal na kayang kumitil ng buhay ng sino man.
Nahiga ako sa ibabaw ng puntod ko at tumingin sa ulap. Napakasariwa ng hangin habang pinagmamasdan ko ang mga ibong malayang nakakalipad sa ere. Naiingit tuloy ako sa kanila dahil malaya sila hindi katulad kong parang kriminal na nakakulong dito sa sementeryo. Pitong taon akong nabuhay at pang higit sampung taon ko na ngayon simula ng aking pagkamatay, sa sumatotal ay 17 years old na sana ako ngayon at siguro nag-aaral ako ngayon kagaya ng mga ka-edaran ko.
Malungkot akong nakatingin sa ulap ng biglang may gumulat sa akin. Napa-upo tuloy ako at nang makita ko kung sino ito ay napangiti nalang akong bigla.
“Lanz? Bakit nandito ka?” gulat na tanong ko sa kanya. Nakangiti lang siya sa habang umupo siya sa tabi ko.
“Ayaw mo ba akong nandito? Diba sabi ko kahapon ay 'see you later.' so nandito ako ngayon para makita ka. Alam ko kasing lagi ka lang mag-isa at walang makausap dito kaya simula ngayon ay palagi na akong pupunta dito para hindi ka na maging malungkot.” masayang sabi niya. Hindi ko alam pero parang gumaan yung loob ko ng makita ko siya uli ngayon. Ang malungkot kaninang nararamdaman ko ay napalitan agad ng kasiyahan. “May dala uli ako sa'yong mansanas at ubas.” masiglang iniabot niya sa akin ang plastic ng prutas na dala niya.
“Hindi ko pa nga nakakain yung bigay mo sa akin kahapon dahil kapag nahahawakan ko ay nabubulok lang.” sinipat niya ito at hinawakan niya bigla ang kamay ko kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
“Hindi ko alam ang solusyon ng nangyayari sa'yo pero subukan mo uling hawakan kagaya ng aksidenteng nangyari kahapon.” ginawa ko ang inutos niya at laking gulat ko ng maging sariwa ulit ang nabubulok na prutas. Masayang masaya akong tumayo para hawakan naman ang mga damo na lantang nakapalibot sa puntod ko at kagaya kahapon ng mahawakan ko ito ay bigla nalang itong sumibol uli at namukadkad.
“Bakit ganon? Ang galing! Kapag wala ka tumatalab ang potensyal ko ngunit kapag nandito ka naman sa tabi ko ay parang bumabalik sa dati ang mga nasira ko at nagiging bago uli sila.” masayang masayang sabi ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/258515006-288-k757138.jpg)
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
Storie d'amoreGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...