Glezer's Point of View
Apat na taon na ang nakalipas simula nung magsimulang magkolehiyo si Lanz sa Maynila. Napakaraming nangyari non. Minsan nalang kami nagkakausap non ni Lanz dahil busy siya sa pag-aaral niya pero kapag wala naman siyang pasok at hindi masyadong busy ay inililibot niya ako sa magagandang tanawin dito sa Maynila.
Tourist Spot ba kamo sa Manila? Luneta Park? Manila Zoo? Dolomite Beach sa Manila Bay? Fort Santiago? Ocean Park? Sm Mall of Asia? Baluarte de San Diego? Iba't ibang museum? Lahat nang iyan napuntahan ko na. At pinakagusto at memorable na napuntahan naming dalawa ng magkasama ay ang Intramuros sa gabi.
Habang naglalakad sa mga antigong pasyalan sa Intramuros at makikita niyo kaming dalawa ay para kaming isang magkasintahang nagdadate sa gitna ng daan.
Masasayang mga araw, 'yan lang ang aking masasabi sa mga panahong nakakasama ko siya. Sa ilang dekada kong tinagal sa harap ng aking puntod ay tila ba hindi ko lubos maisip na may magdadala sa akin dito sa labas. Bonus na nga lang ito dahil nang alayan niya ako ng prutas noon ay napakasaya ko na dahil 'yun lang naman ang hinihiling ko dati eh, ang may mapadaan sa puntod ko at ngitian lang ito ay masayang masaya na ako pero si Lanz, higit pa sa hinihiling ko ang binigay niya.
Noon alam kong may bigat akong dinadala sa puso ko dahil wala akong muwang noong namatay ako at wala man lang bumibisita sa aking puntod pero ngayon ay unti-unti ng nawala simula nang makilala ko si Lanz.
Gagraduate na siya sa kolehiyo at alam kong sa mga oras na ito ay bilang na lang ang mga oras ko dito sa mundo. Kung hindi ko pa malalaman ang totoong misyon ko dito sa lupa ay talagang hindi na ako mare-reincarnate dahil paubos na ang aking neglecting soul dahil 20 years ang palugit nito. Buong akala ko na ang misyon ko dito sa lupa ay ang paglapitin ang mag-amang si Mayor Laurenze at Lanz pero isa itong napakalaking mali.
Nandito kami ngayon ni Lanz sa Bataan para sana sunduin ang mommy niya papuntang Maynila dahil ito ang magsasabit ng medalya niya sa nalalapit niyang graduation pero iba pala ang matutuklasan namin.
May nagpadala kasing sulat kaninang umaga kay Lanz at mas kinabahan ako ng mabasa ko ang mga nilalaman nito. Mas kinutuban ako na nasa maling impormasyon ang tinatahak ko. Imbis na malaman ko ang tunay na kinahantungan ko ay napaliko ata kami dahil hindi ako si Glezer. Hindi Glezer ang pangalan ko.
“Hindi mo ba naaalala noong midterm exam ko? 'yung chinat kita para sunugin ang mga reviewers ko dahil mali pala ang syllabus na nabasa ko no'n?” tanong sa akin ni Lanz. Nandito kami sa bakanteng lupa sa swing na gawa sa gulong sa ilalim ng puno ng mangga. Pinag-uusapan namin ang bagong nalaman ko na hindi ako si Glezer. “Dati pa lang ay may pagdududa na ako. Noong nakita kita sa sementeryo nang bumalik ako. Unang kita ko sa'yo alam kong namumukhaan na kita. Kamukhang kamukha mo si Chorine pero dahil sa nagdalaga ka na ay medyo nag-alinlangan ako dahil baket ang nasa puntod mo ay pangalan ni Glezer? Pero 'yun ngang time na sinubukan kong alayan ng kandila ang wallpaper ko sa phone para mapapunta ka sa School ay desidido na akong tama nga ang iniisip ko pero naguguluhan ako, kung ikaw si Cohrine nasaan si ang totoong Glezer?” naiyak na ako sa mga sinabi niya.
Kaya pala hindi ako naaawa o tinatablahan ng lungkot man lang nung umiyak si Aling Glenda sa harap ng puntod ko dahil hindi pala siya ang tunay na nanay ko. Kaya pala ibang picture ang nasa altar niya nung pumunta kami ni Mayor Laurenze sa bahay nila dahil hindi naman talaga ako si Glezer. Cohrine ang pangalan na lagi kong naririnig sa panaginip at pumapasok sa utak ko pero hindi ko man lang naisip na ako pala si Cohrine.
“Hindi ako sure pero noong libing ni Mayor Laurenze at napadalaw tayo sa puntod sa sementeryo na may pangalang Cohrine ay may isang babae rin na kasing edaran ko ang nagpakilalang siya si Glezer, ang totoong Glezer. Hindi na kami nakapag-usap nang time na 'yon dahil agad akong hinigop papunta sa'yo. Baka siya ang Glezer na sinasabi mo?” pinunasan ko ang mga luha ko.
“Puntahan natin siya.” seryosong sabi ni Lanz at tumayo na. Mabilis siyang bumalik sa bahay nila at ako nama'y sinundan lang siya. “Mommy kapag nandito na si Bhrent pakisabi huwag na siyang umalis at hintayin kami.” sabi nito sa mama niya habang nagbibihis.
Nang makapagbihis na siya ay agad niya akong niyaya na sumakay sa kotse niya at agad itong pinaandar. Tinatanong pa siya ng mama niya kung saan pupunta pero dahil nga sa pagmamadali ay hindi na ito nakasagot pa.
Mabilis ang pagmamaneho ni Lanz kaya agad din kaming nakarating sa sementeryo. Hindi na kami nagpunta pa sa puntod ko, bagkus ay dumiretso na kami agad sa sinasabi kong nakita ko ang totoong Glezer.
Nang nasa harap na kami ng puntod na kung saan ko ito nakita ay tumulo na naman ang mga luha ko ng makita ko ang pangalan na nakaukit sa puntod na dapat ay sa akin.
Cohrine M. Delos Arcos
May 23, 2004 - August 21, 2011
“Quiet birds at circled flight.
I am the soft stars that shine at night.
Do not stand at my grave and cry,
I am not there; I did not die.”All this time hindi pala May 4 ang birthday ko. Nagbibilang ako ng edad ko sa maling petsa.
Napukaw ng atensyon ko nang magsalita si Lanz.
“Glezer?” napatulala pa ito dahil sa nakikita niya sa harap niya. Gulat na gulat siyang makita ang totoong Glezer na dalaga na at medyo mas matangkad pa sa kanya.
“Lanz?” tanong ni Glezer sa kanya. Nagulat ako at napatanong sa isip.
'Bakit siya naaalala niya si Lanz na kababata namin? Maging ang pangalan niyang ipinaglalaban sa akin noon na siya raw ang totoong Glezer ay alam niya. Pero bakit ako wala akong matandaan kahit isa? Maging ang pangalan ko ay hindi ko alam?'
-
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomantizmGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...