Gaya nga ng ipinangako ni Lanz kahapon ay bumalik siya ngayon na may dalang kandila. Marami kaso mga 12 inches lang ang haba at 2 inch lang ang taba, kung pag-susumahin kung gaano katagal ang buhay ng isang kandila ay it's takes 2 or more hours lang.
Agad niyang itinirik ang isang kandila sa ibabaw ng puntod ko at inilagay ito sa isang lalagyan na kahit mahipan ng hangin ay hindi mamamatay ang apoy.
“Tara na?” masiglang pag-aaya niya.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng sementeryo.
“Kahit saan. Kung saan tayo dalhin ng aking kotse.” naguluhan pa ako sa sinabi niya.
“Ano ang kotse?” naguguluhang tanong ko.
“Ang kotse ay isang transportasyong pang-lupa na may apat ang gulong na sinasakyan at pinapa-takbo ng gasolina at makina nito.” sabi niya. Pamilyar ako sa salitang kotse pero hindi ko alam kung anong kahulugan nito. Sa tagal kong nasa sementeryo syempre ay di ako maalam sa mga ganyang transportasyon. Ang nakikita ko lang naman kasi ay puro puntod at mga kagaya kong ligaw na kaluluwa.
Paglabas namin ng sementeryo ay napa-singhap ako ng malalim para amuyin ang hangin dito sa labas ng sementeryo. Sa puntod ko kasi ay puro amoy sampaguita at mga nabubulok na pagkain lang ang aking naaamoy.
Pina-sakay niya ako sa isang bakal na pula na may gulong at sumakay rin siya sa tabi ko habang hawak hawak at pinapa-ikot-ikot ang isa pang gulong para umandar kami.
“Sabi mo apat lang ang gulong ng kotse? Bakit may pang lima pa?” curious na tanong ko.
“Ha? Pang-lima? Saan?” nagtataka ring tanong niya.
“Ayan oh, yung hawak mo.” sabi ko sabay turo sa bilog na hawak niya.
“Hindi 'to gulong hahahahahaha. Ito ay ”
“Bakit ini-ikot-ikot mo?”
“Dahil ito'y naka-konekta sa harapan ng gulong kung saan kapag gusto kong i-kanan o i-kaliwa ay magagawa ko ng mabilis kapag inikot ko lang ito.” hindi na ako sumagot at nanahimik nalang habang nakatingin sa bintana. Masayang sumakay dito sa kotse at nakaka-aliw tignan sa bintana ang mga nada-daanan naming lugar.
Ilang oras ang makalipas ay ini-hinto na niya ang kotse sa isang mataas na gusali.
“Ang taas namang bahay nito.” manghang manghang sabi ko.
“Hindi 'yan bahay. Kung tawagin namin 'yan dito sa Maynila ay mall.” turo niya pa sa isang mall.
“Ano ang mall?” curious na tanong ko.
“Isang pamilihan, kung saan pwede kang mamili ng kung anong nais mong bilhin.” sagot niya.
“Lahat? As in lahat talaga?”
“Oo lahat ng gusto mong bilhin.”
“Pwede ba akong bumili diyan ng hagdanan papuntang langit? May mabibili ba ako diyang katawan para mabuhay muli ako?”
“Hahahahahaha wala syempre. Ang ibig kong sabihin ay yung mga pangangailangan mo like pagkain, gamit, at iba pa. Tara na nga para makita mo ang loob.” pag-aaya niya sa akin.
Nang makapasok na kami ay ignorante kong ini-libot ang paningin ko sa paligid. May mga nakita akong bilihan ng pagkain, mga damit, mayroon ding palaruan at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomanceGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...