Glezer's Point of View
Isang linggo na rin pala ang lumipas nung huli kong makasama si Lanz. Hindi ko alam ang nangyari pero nung pag-labas namin doon sa manghuhula ay bigla nalang akong nakaramdam ng may humigop sa akin na napakabilis at wala pang ilang segundo ay nandito na ako sa harapan ng puntod ko.
Totoo ngang kapag napapalayo ako sa katawan ni Lanz ng mahigit isang metro ay gumagana ang potensyal kong pumatay at sumira ng mga nahahawakan ko.
Gustuhin ko mang lagi kaming magkasama ay wala akong magagawa dahil hindi ko naman siya ka-ano ano at higit sa lahat hindi niya ako kilala. Parang saling ketket lang ako sa buhay niya. Kaya ako eto tamang antay kung kailan uli siya dadalaw. Hindi ko sigurado kung ngayon, bukas o sa makalipas na mga taon pa.
Nagtataka rin ako kung bakit hinuhukay na nila ang puntod ng lolo ni Lanz na nasa tapat ng puntod ko. Nililinis na nila ang mga damo at ang mga paligid nito.
Nakatitig nanaman ako sa lapida na may naka-ukit na pangalan ko. Wala naman kasi akong magawa dito kundi ang titigan ang puntod ko. Gaya ng dati, minsan ay bigla nalang sumasakit ang ulo ko at may naririnig akong kakaibang boses ang tumatawag sa pangalan ko.
(“Cohrine! Cohrine! Ha ha ha ha!”) tawag niya kung saan pero sa akin nakatingin habang parang baliw na tumatawa. Kapag sumasakit ang ulo ko ay automatic ay may makikita na ako sa isip ko na lalaki. Hindi ko siya makilala dahil tanging mga suot niya lang na polong puti at pantalon na itim ang suot niya ang nakikita ko. Hindi ko rin kilala kung sino o ano ba yung sinasabi niyang Cohrine, something. May bata ring lalaki na umiiyak habang nakahawak sa damit nung lalaki. Masyadong blurred. Wala akong maayos at malinaw na makita. Naririnig ko lang sila.
Sa pag-mumuni-muni ko ay napangiti ako bigla ng makita si Lanz sa harapan ko.
“Uy Lanz! Nandito ka ulet.” masayang sabi ko. “Hindi ko alam kung bakit nung paglabas natin sa pahulaan ay bigla akong hinigop pabalik dito.” nagtataka pa ring sabi ko.
“Dahil ata 'yun sa kapabayaan ko. Pasensya ka na, di ko kasi namalayan na natunaw na pala yung kandila at di ako nakapag-sindi uli ng bago kaya bigla kang nawala. ” napa-tango naman ako sa sinabi niya.
'Baka nga sa natunaw na kandila. Grabe ang sakit ng pagkakahigop sa akin. Ayoko ng maulit pa. Hinding hindi na ako lalabas sa sementeryong ito.'
“Araw araw ka na bang dadalaw dito?” tanong ko sa kanya at naupo kaming magkatabi sa harap ng puntod ko habang binigay sa akin ang dala niyang mansanas at ubas. “Ay oo nga pala, bakit hinuhukay na nila ang puntod ng lolo mo.” sabi ko sabay turo sa puntod ng lolo niya na ngayon ay hinuhukay pa rin ng mga supulturero.
“Ohsya, muntik ko ng makalimutan na hindi na ako babalik dito dahil ipapa-crimate nalang namin ang buto ni lolo at sa bahay nalang ito gagawan ng altar. Last na punta ko na ngayon para ayusin ang mga papeles ni lolo dahil napagdesisyunan na kasi namin ni Mommy. Matanda na si Mommy at baka ilang years nalang ay hindi na siya maka-lakad at maka-dalaw dalaw dito kaya naisipan naming doon nalang siya sa bahay namin. Mag-cocollege na rin ako kaya baka focus nalang ako sa dorm ko sa Maynila at minsan na lang maka-dalaw dito sa Bataan.” kwento niya kaya nalungkot ako pero di ko pinahalata sa kanya.
“Ano kaba, okay lang. Buong buhay este patay ko ay nasanay na akong walang dumadalaw sa akin. Tsaka hindi naman kita kaano-ano eh kaya nagtataka rin ako kung bakit dinadalaw mo pa ako dito hehe.” kunwaring masayang sabi ko.
“Ayokong mag-isa ka dito. Kung sa dorm ko nalang kaya ikaw tumira? Kasi parang na-aawa ako sa'yo dahil lagi ka nalang nandito sa puntod mo at nag-iisa.” sabi niya kaya parang sumigla ako.
'Isasama niya ako sa dorm niya!!! Nakakaloka!'
“Paano mo magagawa 'yun, eh nung nakaraan nga lang ay nakalimutan mong sindihan uli ang kandila. Ano yun kapag natunaw na ang kandila at nakalimutan mo ay babalik at babalik ka dito sa sementeryo? Ano, gagawin mong pabalik-balik ang sarili mo mula Maynila hanggang dito sa Orani, Bataan? Huwag na nakakahiya.” naalala ko kasing nakakatakot na ulit mahigop. Nakakapanghina.
“Ano kaba, sinong nagsabing makakalimutan kong magsindi uli ng kandila, eh may binili na akong Hi-Tech na kandila. Baterya lang ang kailangan ay aandar na siya magdamag. Advance na ang technology ngayon no.” pinakita niya sa akin ang isang korteng kandila at kapag pinindot niya ay parang may apoy na ilaw.
“Hala!! Talaga ba?” masayang sigaw ko. Pero paano kung gumana yung potensyal ko sa labas? Maraming mapapahamak. “ Kaso baka mas marami akong mapahamak kapag nasa labas na ako ng sementeryong ito.” malungkot na sabi ko.
“Ano ka ba, lagi tayong magkasama. Diba kapag magkasama tayo ay hindi gumagana ang mga potensyal natin. Kailangan natin ang isa't isa para maging kagaya tayo ng isang normal na tao. Ayoko na ng potensyal ko. Ayokong maki-alam sa kamatayan at tadhana ng mga tao.” sabi niya sa akin.
At sa huli ay napapayag niya rin ako na sumama sa kanya. Gusto ko rin kasing ma-explore ang labas ng sementeryo, tanging mall lang kasi ang nakita ko palang noong dinala ako ni Lanz sa Maynila eh.
Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang tinitirik niya ang automatic na kandilang dala niya. Nagdasal siya sa harap ng puntod ko at pagkatapos ay ni-yaya niya na ako. Dumaan muna kami sa puntod ng lolo niya na hinuhukay na at wala na doon ang bangkay ng lolo niya.
“Bago tayo bumalik sa Maynila ay bisitahin muna natin si Mommy. Matagal tagal na rin kasi akong hindi dadalaw dahil aasikasuhin ko na ang college ko.” sabi niya at tumango nalang ako.
Nang makalabas na kami sa sementeryo ay nagmadali na kaming sumakay sa kotse niya. Baka daw gabihin kami sa byahe mamaya pauwing Maynila.
Nang nasa harap na kami ng bahay nila dito sa Orani, Bataan ay parang na-sense ko na parang napuntahan ko na itong bahay na ito. Mabigat masyado ang pakiramdam ko habang sinisipat ko ang dalawang palapag na bahay. Bagong pintura pero may nararamdaman akong dumi na itinatago. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam nito pero iisa lang ang tanging nasa isipan ko, NANG GALING NA AKO DITO.
Nang makapasok na kami sa bahay ay tumambad sa amin ang Mommy ni Lanz na dahil sa katandaan ay naka-wheel chair na ito habang may isang caregiver na nag-aasikaso sa kanya. Masiglang tinawag ni Lanz ang mommy niya at nagmadali siyang yakapin ito.
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang mag-ina. Maya maya pa ay napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito. Namimilipit, parang tinutusok tusok at parang pinipiga. Napahiga pa ako habang napapahiyaw sa sakit.
Bigla nalang may pumasok na ala-ala sa utak ko. Lumang bahay. Puro dugo. Nasa banyo ako habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nandun pero ang alam ko ay may tinatakasan ako.
“Glezer! Glezer! Glezer!” bigla nalang nawala ang mga pumasok sa isipan ko ng yugyugin ako ni Lanz. Di ko namalayan na nakahiga pa rin pala ako sa sahig habang napapasigaw sa sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang paningin ko at ang bahay na ito ay parehong pareho sa lumang bahay sa ala-ala na pumasok sa utak ko.
Bigla nalang lumabo ang paningin ko at huling nasipat ng mata ko bago ko ito ipikit ay ang nag-aalalang mukha ni Lanz.
-
enjoy reading.
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
عاطفيةGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...