Cohrine's Point of View
[~Nagbabagang balita, sumuko na ang isang preso na nakatakas noon sa Orani, Bataan PNP sa pamamagitan ng paglagari ng mga rehas. Sinasabing kalmado itong sumuko sa mga pulis matapos nitong mag eskapo at paghahanapin ng mga pulis sa loob ng lagpas isang dekada. Siya ay si Leyson Miranda na nasintensyahan ng kamatayan dahil sa panggagahasa at pagpatay sa sarili nitong pamangkin na si Cohrine Delos Arcos. Hanggang ngayon ay tikom pa rin ito kapag tinatanong kung bakit niya naisipang sumuko.~]
Nakangiti ako habang pinapanood ang balita dahil ramdam ko sa pagsuko ni tito Leyson ay makakamit niya na ang katarungan at tunay na hustisya na nararapat sa kanya.
Ngayong araw din kasi kikilatisin na muli ang kaso sa tulong ni Attorney Arianne. Maisasakatuparan na rin ang hustisya na dapat igawad sa maling pangbibintang sa kanya at hustisya para sa aking pagkamatay.
Nang tumawag na ang abogado kay Lanz ay masayang masaya kaming nagtatatalon dahil pumayag na raw ang korte sa urgent motion to re-open the case na isinumita namin para kay tito Leyson. Kasama namin ang mama ni Lanz sa kotse kaya dito ako sa passenger seat naupo at sila ni Lanz ay magkatabi sa harap.
Ramdam ko sa isa't isa ang excitement kahit hindi nila sabihin dahil miski ako ay excited na rin na mapalaya si tito Leyson.
Pagpasok namin sa loob ng korte ay naghihintay na pala si tito Leyson at Atty. Arianne. Bali lima lang kaming nandito. Nasa harap ng judge ang mga papeles at ebidensya na nakalap ni tito Leyson noon.
Ilang minuto pa ay may dumating na isang babae na kamukhang kamukha ko. Nakaramdam ako ng bugso ng damdamin kaya tinitigan ko lang ang bawat galaw niya. Tumingin siya kay tito Leyson ng napakasama. Ramdam ko sa mga mata niya ang galit. Tinanong ko naman si Lanz kung sino siya.
“Si ate Chora, ang mama mo.” nakangiting sabi niya sa akin. Naluluha naman akong pinagmasdan ang mga kilos niya. Nagstay pa siya malapit sa pinto at parang may inaantay. Nang may pumasok na lalaki na medyo hawig ko rin ay naupo na sila sa harapan namin. Ramdam ko na papa ko 'yung kasama niya. Mas lalo akong naiyak, hindi dahil sa lungkot kun'di dahil sa saya ng makita sila sa napakatagal na panahon.
Nang magsalita na ang hurado ng panimula ay in-enter na ang video tape at sinimulan ng panoodin.
Habang pinapanood ang video ay naluluha ako dahil kitang kita ko kung paano kami ni tito Leyson na pinaharapan ng tatay ni Bhrent. Lahat ng mga nakikita kong ala-ala kapag sinusumpong akong sumakit ng ulo ay nakita ko ng malinaw sa video. Nagsimula na ring umiyak ang mama at papa ko. Rinig na rinig sa apat na sulok ng korte ang hagulgol nilang dalawa.
Nakita ko sa video kung paanong nanghina na ako ng makapunta ako sa c.r nila Lanz at dahil sa dulas ay tumama ang ulo ko sa lababo at tuluyang nawalan ng malay. Binalak pa akong ibitin ng papa ni Bhrent para ipamukha na ibinitin ako ng tito Leyson ko pero tatlong pung minuto ang makalipas ay tinanggal din ako ni Mayor Laurenze sa lubid at itinakbo pa sa hospital. Naghihingalo na ako nung time na 'yon pero dinala pa rin ako ni Mayor Laurenze na dati ay kapitan noon sa barangay. Hanggang sa pagmamadali nila ay may nakabangga kaming kotse at doon na ako nalagutan ng hininga.
Sinugod pa rin ako sa hospital pero si Mayor Laurenze ay naiwan doon sa pinagbungguan namin. Habang nagpaplay ang video nakita ko ang isang pamilyang malubha ang kalagayan.
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomanceGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...