12

15 8 6
                                    

“Patay na Papa mo.” hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Mommy. Kakauwi ko lang sa bahay galing sa hospital dahil nga sa nangyaring aksidente sa sasakyan kasama ko si Papa.

Gusto kong tumayo at sumigaw ngunit naka-wheel chair pa ako at masyadong malat ang lalamunan ko. May benda rin ang ulo ko dahil sa pagkakauntog ko nung mawalan ng preno ang sasakyan ko.


Gusto kong puntahan ang kabaong ni Papa pero iniisip ko kung bakit kami nagmamadali ni Papa kaya nangyari sa amin ito. Masama na kung masama pero mas nag-aalala ako kay Jeanell. Baka kung napano ito dahil di kami agad nakapunta at natulungan siya.

“Mom, si Jeanell? Okay lang ba siya?” nag-aalalang tanong ko.

“Nandun siya sa kwarto mo natutulog.” agad akong nabuhayan ng loob ng marinig ko 'yun kay Mommy.

“Mamaya nalang ako sisilip kay Papa, kukumustahin ko muna si Jeanell.” nakangiting paalam ko kay Mommy at tumango lang ito. Inikot ko ang gulong ng wheelchair na inuupuan ko gamit ang aking mga kamay para umandar ako papunta sa kwarto. Sa labas ng pinto ay nasipat ko pang nakangiti sa akin si Glezer pero wala ako sa wisyo para batiin pa siya dahil nag-aalala talaga ako kay Jeanell.

Pagpasok ko sa kwarto ay bumungad agad sa akin ang umiiyak na si Jeanell habang nakaupo sa kama ko.

“Babyboy huhuhu! Sorryyy di ko sinasadya huhu.” malakas na hagulgol nito habang nakaluhod na sa akin at nagmamakaawa. Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya.

“Baket? Anong ginawa nila sa'yo? Sino ang muntikan ng gumahasa sa'yo? Namukhaan mo ba? Napapulis mo na ba?” natatarantang sunod-sunod na tanong ko.

“Sorry.” tanging hagulgol na pag-iyak lang ang lumalabas sa bibig niya at kahit isa sa mga tanong ko ay hindi man lang nabigyan ng kasagutan.

“Baket Jeanell? Narape ka ba nila? Sabihin mo sa akin ang totoo. Hindi kita huhusgahan.” pati ako ay nadadala sa pagiging emosyonal niya kaya naiiyak na rin ako.

“Alam kong hindi mo ako mapapatawad kapag nalaman mo ang totoo. Ayaw kong mawala ka sa'kin Lanz.” naaawa ako sa kinikilos niya pero gusto kong malaman kung anong kinaiiyak niya sa harapan ko. Gusto kong malaman ang totoo.

“Ano ang totoo?” naiiyak ng tanong ko sa kanya.

“Hindi totoo na may gagahasa sa akin sa terminal ng bus. Prank ko lang sana 'yun sa'yo para magkasama tayo sa araw na 'yon pero hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari. Sorry Lanz. Sorry.” napalakas ang pagsapo ko sa mukha ko dahil sa mga narinig ko. Ilang minuto pa akong natulala at di alam ang isusunod na hakbang na gagawin ko dahil hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ito.

Ayaw kong sumigaw, ayaw kong magalit at higit sa lahat ay ayaw kong manakit ng babae. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa ginawa ni Jeanell. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa kabobohan kong taglay. Mahal ko si Jeanell pero di ko na masisikmura ang makasama siya.

Siguro dahil sa sobrang pagkabaliw ko sa pagmamahal kay Jeanell ay naging masama akong anak. Si Papa ang patay ngunit mas inalala ko pa ang kapakanan ni Jeanell. Si Papa ang nakahiga ngayon sa kabaong ngunit si Jeanell ang mas inuna kong silipin. Si Papa ang wala ng buhay ngunit si Jeanell pa rin ang inuna kong kamustahin. Hindi ko alam sa sarili ko pero isa lang ang masasabi ko, napakagago magmahal.

Unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Agad ko itong pinunasan para hindi ako kaawaan ni Jeanell. Itinuon ko sa kanya ang paningin ko at huminga ng malalim bago magsalita.

“Jeanell mahal kita pero tama na. Tapusin na natin ito. Hangga't napipigilan ko pang manakit at magsabi ng masasakit na salita ay umalis kana sa harapan ko. Mag bo-book ako ng taxi para ihatid ka sa terminal ng bus pauwi sa Maynila. Ayaw ko ng makita ka dahil mas lalo lang akong masasaktan kapag magkasama tayo. Mahal kita kaya please tama na.” mahinahon at sinserong sabi ko kay Jeanell ng harap harapan. Ayaw kong magalit sa harapan niya dahil baka kung ano lang magawa ko. Hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili ko.

Umiiyak pa siya at nagmamakaawa sa akin pero desidido na talaga ako sa mga sinabi ko. Kapag magtatagal pa kami ay baka mas lalong may mangyaring masama at baka ikapahamak pa naming dalawa kaya tama na, ayaw ko na.

Agad kong tinulak paatras ang gulong ng wheelchair ko papuntang pinto at agad na pinaandar ito papuntang likod bahay. Ayaw kong makitang iniiyakan ako ni Jeanell dahil labis ko siyang mahal. May mas deserve pa siyang lalaki kaysa sa akin.

Lahat ng sama ng loob ko kanina na gusto kong isigaw ay isinigaw ko ng malakas dito sa bakanteng lote sa likod bahay. Kahit malat ang lalamunan ko ay inilabas ko na ang lahat ng natitirang boses ko para isigaw sa hangin na bakit napaka-unfair ng mundo lalo na ang Diyos.

Ilang minuto pa ng pagsigaw ay may narinig akong tunog na may papalapit sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Mommy na nakasakay sa wheelchair na tulak tulak ng kanyang nurse. Nang magkalapit na kami ni Mommy ay sinenyasan niya ang nurse na maiwan muna kami.

“Anak, bakit sinasarili mo ang problema mo? Kaya ka nga may Mommy para i-share sa akin 'yang bigat na dinadala mo.” mahinahong tanong ni Mommy habang hinihimas himas ang likod ko. “Anong problema anak?” ang lahat ng pinipigil ko na pag-iyak kanina ay bigla nalang bumuhos ng marinig ko ang huling tanong ni Mommy. Para akong batang nagsusumbong sa Ina niya dahil inagawan siya ng kendi ng kapatid niya.

“Mommy, di ko na kaya.” humahagulgol na iyak ko at yumakap kay Mom. Kita ko rin sa mga mata niya na namamaga ito at kakagaling lang sa matinding pag-iyak.

“Lanz, it's okay to not be okay, pero staying there that way, is not.” niyakap ako pabalik ni Mom kaya mas lalo akong humagulgol ng iyak. “Maaaring hindi ka okay ngayon anak, pero lagi mong tatandaan, emotions change and so does the situations. Si God lang ang 'di nagbabago. Kaya kung ano man ang pinagdadaanan natin ngayon, feel what you want to feel but don't stay there that way for too long. So get up anak! and overcome emotional strongholds, kasi better days are coming for you. Get up and look ahead kasi you've got a God. Get up and once you get up there, you won't feel the same way again. Always think that best days are in front of you.”

“Pero Mom, marami na akong plano na naiisip na pagsasamahan namin ni Papa at ng buong pamilya.” malungkot na sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin.

“Minsan, hinahayaan ni God na hindi mangyari ang plano mo, dahil may plano rin Siya na higit na mas makakabuti sa'yo. And most of the times, you don't understand His plan. Well, you don't have to, all you have to do is trust in His plans and wait for them to happen.” ginulo-gulo niya ang buhok ko. “Trust in Him, okay? If your plans did not work out, maybe it is because God has better ones.” pinunasan niya ang mga luha ko. “Alam mo ba, nung iniwan tayo ng Papa mo at naging Mayor siya, sinikap niyang ipatayo 'yang rebultong 'yan.” tinuro niya ang Statue ng Our Lady of Perpetual Help na nasa gitna ng fountain. “Pinagawa niya 'yan dahil nung isinilang kita ay nakikita daw ng Papa mo sa atin ay katulad na katulad ng pagkakalong ni Mama Mary sa kanyang anak na si Jesus. Lagi siyang humihingi ng tawad sa akin noon at di niya pinapakita sa'yo dahil alam niyang galit ka sa kanya dahil iniwan niya tayo. Mahal na mahal ka ng papa mo anak. Pangarap niya talaga noon pa na maging buo uli tayo at maging masayang pamilya uli. Sa katunayan ay tumigil na siya sa bisyo niya na paglalasing eh. Siguro kung nandito man siya ay masaya siya dahil kahit ilang araw lang tayong nagkasama-sama uli ay naging masaya tayo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng Papa mo.” kwento nito at niyaya na ako sa loob para silipin ang burol ni Papa.



-

enjoy reading.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon