(Play 'Sa Aking Panaginip Song by Still One' while reading the Chapter 28)
Lanz Point of View
Isang araw makalipas ang paglilitis ay masaya na naming kasama ang tito Leyson ni Cohrine. Halos hindi kami makapaniwala na sa halos isang dekada na nagtatago at wanted siya sa mga pulis ay mabibigyan na namin siya ng katarungan.
Dinakip na rin ng mga pulis ang papa ni Bhrent at didinigin ang kaso sa susunod na mga araw.
Nakaupo ako ngayon habang suot suot ang itim na toga dahil ngayong araw ang aming college graduation. Nasa Maynila kami ngayon kasama ang buong barkada na sila Jeanell, Joniel, Bhrent na kagaya ko ay mga nakasuot din ng mga toga, nandito rin si Cohrine, maging si Glezer. Inalayan kasi siya ni Joniel ng kandila para makasama sa amin sa korte kahapon. Nandito rin si Mommy at si Kuya Leyson na magiging substitute guardian ni Bhrent dahil ang mama niya ay dumalaw sa kulungan ng papa niya kaya si Kuya Leyson ang magsasabit ng medal niya.
Ilang oras pa ang makalipas ay natapos din ang apat na taong pinaghirapan ko sa kolehiyo at masaya ako na nakapagtapos na ako ng pag-aaral.
Kumain muna kasi sa fastfood lahat. Nagkwento pa si Bhrent na pupunta na sana siya sa bahay noon ngunit nalaman ng papa niya ang gagawin namin kaya binugbog siya at kinulong sa kwarto.
Maaga pa kaya agad na rin kaming lumuwas pabalik ng Orani, Bataan para doon na lang ipagpatuloy ang selebrasyon namin.
Pag-uwi namin ay may pa-catering pala si mommy. Masaya kaming nagkantahan magtotropa sa videoke at talagang nagsaya kami. Kasama pa rin namin si Glezer at Cohrine.
Hanggang sa umamin na sa akin si Jeanell. Noong time na Pinrank niya ako na may gagahasa sa kanya sa bus terminal kaya namatay ang papa ko ay nag-usap na sila ni Mommy noon bago pa ako makauwi galing sa hospital ng nakawheel chair. Nalaman kasi ni Mommy na magkapatid kami sa ama ni Jeanell kaya pilit niya rin kaming pinaghiwalay non ni Jeanell. Ang mama ni Jeanell at si papa ay may relasyon noon pa noong pinagbubuntis ako ni Mommy. Noon lang nalaman ni Mommy ng dumalaw si mama ni Jeanell sa burol ni papa at pinagtapat ang lahat.
Lahat kaming magkakaibigan, maging ako ay nagulat sa rebelasyon. Humingi naman ng tawad sa akin si Mommy dahil sa hindi niya agad nasabi sa akin dahil nga masakit pa sa feeling ko ang mawala si papa noon kaya hindi niya rin agad naipagtapat sa akin ng mas maaga.
Wala naman na akong sama ng loob na itinanim sa puso ko simula ng maghiwalay kami ni Jeanell. Mas mabuti na rin na naging magkapatid kami para hindi na awkward sa amin na hiniwalayan namin ang isa't isa. Tama rin pala ang mga naging desisyon ko na maaga naming tinigil ang namumuo naming relasyon dati ni Jeanell.
Natapos ang kwentuhan namin at selebrasyon ay nag-uwian na sila Jeanell at Joniel, sumama na rin sa kanila si Bhrent dahil doon daw muna siya kila Joniel matutulog. Si Glezer naman ay bumalik na sa sementeryo samantalang may araw pa kaya naisipan kong gumala kami ni Cohrine ng kaming dalawa lang. Gusto ko lang siyang makasama ng kami lang at wala ng iba pang manggugulo. Matagal-tagal ko na rin kasi siyang hindi nakakasama
Naisipan naming pumunta sa five finger glove sa Mariveles Bataan, 'yung paborito naming puntahan ni papa noon.
Sumakay kami ng bangkang de-motor papunta sa mga rock formation. Walang salitaan pero ramdam namin na masaya kami dahil magkasama kaming dalawa. Tanging hampas lang ng mga alon sa dagat ang nagpapagalaw sa akin dahil masakit sa mata ang tubig. Ang sarap ng hangin. Kahit tirik ang araw ay napatingala kami dahil sa tinuro niya. Dalawang Philippine eagle ang nagpapaikot sa taas ng bangkang sinasakyan namin.
Binaba kami sa isang sand bar ng bangkero at nagtataka pa ito kung bakit ako lang mag-isa ang nagtatravel. Sabi ko na lang sa kanya ay gusto kong mapag-isa. Nang pinarada na ng bangkero ay lumayo kami ni Cohrine sa kanya.
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomanceGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...